Chapter 17.1 - My Past: Starting Point *Milo's P.O.V.* Nagsimula ang lahat ng problema ko sa pagitan ng kuya Marvin ko nuong umamin ako na ako'y isang Bisexual. Dahil doon, sunod sunod na pagtatalo ang naganap. Na nasundan pa ng p*******t at trahedya Paano ko ba maipagtatanggol sarili ko? Eh kung puso ko ang umibig sa isang lalaki. Oo, lalaki. Pero the bottom line for this, bakit di nya ko matanggap? At ano ba intensyon nya para pasakitan ako at ano kinalaman ng pera dito? Anyway, ito ang istorya ng buhay ko, ang simula at dahilan kung paanong naging mas positibo ang tulad ko para labanan ang kahihiyan. >>flashback Kakagraduate ko lang ng elementary, 12 years old na ko non nang mapagdesisyunan nina nanay at tatay na lumipat na kami ng tirahan. Sa Ilocos kami napadpa