Kabanata 1

1590 Words
Lumaki si Ciamara sa San Andres, Santa Ana Manila. At Isang sikat na Business man Ang kanyang Daddy na si Mr. Apollo Briones. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang kung kaya't di niya kayang tanggihan Ang gusto ng mga ito na ipakasal Siya sa anak Ng mga Fuentebella. Habang nag me- make- up si Ciamara Ng Araw na iyon ay nakaharap siya sa malaking salaming nasa loob ng kanyang kuwarto. Nang makitang okay na Ang kanyang make- up at mas Lalo na siyang gumanda sa kanyang reflection ay Saka Siya nagdagdag ng makapal na red lipstick sa kanyang mga labi.paulit-ulit pa niyang sinipat Ang kanyang sarili kung kaakit-akit at nakakabighani na ba ang kanyang Ganda at karisma sa mga mata ni Henry ay Saka Siya tuloyang lumabas ng kanyang kuwarto. Nasa 3rd floor Siya ng mansion nila dahil naroon Ang kanyang kuwarto. Naghihintay na sa kanya Ang kanyang parents sa ibaba, at Ang mga bisita nila -ang mga Fuentebella. At isa na roon Ang kanyang childhood friend na si John Henry Fuenbella.magkaibigan Ang mga magulang nila ng binata at ngayong bumalik na ito Mula sa Canada ay super excited na Siya dahil alam na niya Ang mga Plano ng kanyang mga magulang at ng mga magulang ng binata.gusto ng mga ito na ipapakasal Silang dalawa ni Henry at dahil Malaki din Ang pagkakagusto niya sa kanyang childhood friend ay gustong gusto Naman niya Ang mga Plano ng mga ito. Pagkababa niya ay nakita niyang naroon na pala Ang lahat at siya nalang ang hinihintay at bigla pa siyang na conscious nang makita ulit si Henry na ilang taon ding namamalagi sa Canada.Kapwa nakatingin Ang lahat sa kanya nang siya'y paparating. Nginitian Siya ng kunti ni Henry at para siyang matutunaw sa sobrang kaguwapohan nito. Ngunit kinalma lang niya ang sarili upang di naman masyadong halata na malaki ang pagkakagusto niya rito. Ginantihan lang niya ito ng simpleng ngiti. "Thanks, finally, nandito ka na iha.." Ang Sabi naman ni Mr. Diosdado Fuentebella, ang Daddy ng binata na best friend at ka sosyo sa negosyo ng kanyang amang si Mr. Apollo Briones. Naroon din ang Mommy ni Henry na si Mrs. Lorenda Fuentebella at siyempre pati na Ang kanyang mommy na si Mrs. Elizabeth Briones. Kapwa mga kinilala at ma-impluwensyang pamilya ang mga Fuentebella at mga Briones.Sila ang mga kinilalang Billionaires Business man sa buong pilipinas. "Good morning..Tita Lorenda, Tito Dado.. At mommy, Daddy. Specially sa'yo Henry.." Matamis na ngiting bati ni Ciamara sa lahat. "Same to you iha..good morning.." halos magkasabay na tugon ng mga magulang Henry at ng kanyang mga magulang. Ngunit si Henry ay hindi tumugon sa kanya at tanging ngiti ulit lamang ang ibinigay nito sa kanya. "And now, Ciamara is here. Pwedi ko na bang malaman ang pinaka mahalagang bagay na ating pag-uusapan ngayon daddy? that's why na maaga pa lang ay nandito na tayo?" Tanong agad ni Henry. Tinitigan naman ito ni Ciamara, at parang tatalon ang puso niya sa karisma ng binata.Tall dark and handsome ito at medyo singkit Ang mga mata at may maliit na dimple sa isang pisngi na nagbibigay ng sobrang attractive rito. "Hindi na kami magpaliguy-ligoy pa sa gusto naming sasabihin sa inyong dalawa, iha Ciamara at iho Henry. Napagkasunduan namin ang bagay na ito na sana di naman ninyo ipagkakait sa amin. At sanay sasang-ayon kayo sa gusto naming mangyari para walang problema at maging maayos ang takbo ng lahat." Panimulang wika ni Mr. Diosdado Fuentebella. "What do you mean Dad?" Tanong pa ng binata. "Gusto namin iho, na ikaw at si iha Ciamara ay magpapakasal!" Deretsong Sagot ni Mr. Fuentebella sa anak na binata. Namangha at natigilan Si Henry sa narinig at si Ciamara naman ay sobrang kinikilig ito sa isiping maging asawa na siya ni Henry. "What!!?? Are you serious Daddy.!? " Gulat na sambit ng binata. At namumula ito na kitang-kita ang pagkagalit sa mukha sabay napatingin kay Ciamara. "Iho, Just calm down.. okay? Ciamara is a right woman for you iho. kaya sana pumayag ka na sa gusto namin. Magandang babae si Ciamara.." wika Naman ni Mrs. Lorenda Fuentebella. "What about you iha? Are you Okay that hiijo Henry will be your husband? And you're going to marry him, will you?" Sunod-sunod na tanong ng mga magulang ni Ciamara. "Yes Dad, Mom, I'm willing to marry him.." Agarang sagot ni Ciamara na mas lalong ikinagalit ni Henry. "Thank you iha. so, ikaw na lang iho. Tandaan mo, iba ako pag magagalit and i hope you don't disobey what i want, Jonhn Henry! pakakasalan mo si iha Ciamara!" Mariing wika ni Mr. Fuentebella sa anak. "But papa, Rlisse is a pregnant! kaya umuwi kaming dalawa from Canada para pag- uusapan ang kasal namin!!" Di nakatiis na napalakas ang boses ng binata na tugon nito sa ama. Namangha ang lahat pati na si Ciamara at ang kanyang mga magulang. "I don't care, huwag kang bastos sa Pamamahay ng mga Briones. Matuto kang rumespeto. Wala akong pakialam kung buntis ang girlfriend mo, basta si Ciamara ang gusto naming pakasalan mo." Mariin ang bawat katagang sambit ng Daddy ni Henry. "Please.. Sweetheart, pumayag kana, I will do everything para maging maligaya ka sa piling ko at gagawin ko ang lahat na maging the best wife para sa'yo.." Nang- aakit na sabi pa ni Ciamara. Kaya kitang- kita sa mukha ng binata ang sobrang galit nito at pagkainis kay Ciamara. Walang nagawa si John Henry Fuentebella, kundi ang mapilitang pumayag na pakasalan si Ciamara. Kaya walang pag-alinlangang sumugod si Elisse sa Mansion ng mga Fuentebella upang lilinawin kay Henry ang lahat. Kaya malakas itong umiyak nang malamang totoo nga ang nabalitaan nitong ikakasal na ang nobyo sa anak ng kasosyo sa negosyo ng Daddy nito. "How about my situation Henry!? You should have told your parents that I'm a pregnant!" Malakas na sabi ni Elisse. "Alam na naming buntis ka Miss Elisse, but don't worry, kilalanin naman namin ang bata at susuportahan, mabibilang pa rin siya sa pamilya ng mga Fuentebella. Hindi na kasi mababago pa ang desisyon ng aking asawa na ipapakasal ang Aming anak sa anak ng kanyang matalik na kaibigan. Kaya I'm so sorry..iha. Nakatakda na ang kasal nila.. at hindi na iyon magbabago pa.." Anang tinig ng mommy ni Henry sa likuran. "Nooo!!!"" Malakas na sigaw ni Miss Elisse De vera. At nagtatakbo ito paalis. "Elisse!" Tawag at sigaw pa ng binata sa girlfriend. Lumipas nga ang ilang araw at dumating na ang engrandeng wedding party nina Ciamara at Henry. Para sa binata ay iyon na ang pinaka malaking kalungkutan ng kanyang buhay, ang pagdating ng araw ng kanyang kasal. Ngunit kabaligtaran kay Ciamara, kitang-kita sa mukha nito ang kaligayahan ng araw na iyon. Pagkatapos ng wedding party nila ay di paman nakabihis si Ciamara Ng kanyang wedding gown ay Sumunod na ito sa Asawa sa mansion Ng mga Fuentebella. Walang pag-alinlangang pumasok na sa kuwarto ni Henry Si Ciamara. at nagulat ang binata nang makita siyang pumasok. "What are you doing here!!!? Akala mo ba, ganoon nalang kadaling makipag siping ako sa'yo!? No!! Get out of my room!! Get out!!"malakas na singhal Henry sa bagong asawang si Ciamara. Ngunit medyo may kakapalan din ang mukha ni Ciamara at nanatili itong nakatayo sa harap ng asawang si Henry. "What are you waiting for!? I said, get out!" Muling malakas na pagtataboy Henry. "No, i'm your wife now Henry, so i'll stay here as much as i want! ang kuwarto mo ay kuwarto ko na rin!" Matatag na sagot ni Ciamara. At ganoon nalang ang pagkagulat ni Henry nang mabilis niyang tinanggal ang suot na wedding gown. Upang aakitin ang kanyang asawa. At dahil sa isip niya na may karapatan na siya kay Henry ay hindi na siya nahihiyang lumapit at unang sumunggab ng halik rito. Ngunit sa ginawang iyon ni Ciamara ay natagpuan niya ang sarling malakas na bumalandra sa dingding ng kuwartong iyon dahil sa pagtulak sa kanya ng malakas ni Henry. "Ano ba, Henry!?" Sambit niyang may galit ang mga tinig. "Mag tira ka ng kunting hiya sa sarili mo!! Ayokong manatili ka dito sa kuwarto ko, kung ayaw mong kakaladkarin kita pa labas ng pamamahay na to!" Pagbabanta ni Henry. Ngunit tumayo siya at namaywang sa harap nito. "Asawa mo ako Henry, at isusumbong kita sa mga ginagawa mo ngayon sa akin!" Pagbabanta pa ni Ciamara. Kaya nang magsumbong naman si Ciamara ay kinuwelyuhan naman ito ng Daddy nito dahil sa galit. "Huwag mo akong ipahiya sa mga magulang ni iha Ciamara!" Wika ng daddy ni Henry na galit na galit sa anak. "But dad, hindi ko kailan man minahal si Ciamara, kaya hindi mo ako masisisi.." Sagot ni Henry. Matalim itong tinitigan ng ama at pinagbabantaan si Henry na Oras na paaalisin pa nitong muli si Ciamara sa kuwarto nito ay Wala itong matatanggap na mana mula rito. Napilitan nalang si Henry na pa stay- in si Ciamara sa kuwarto nito. Kahit gigil na gigil na ito Kay Ciamara. Ni minsan ay hindi ginalaw ni Henry si Ciamara kahit anong pang- aakit na gagawin ni Ciamara dito. "Iha Ciamara, subukan mo kayang maging mabait sa harap ng anak ko? At magpakumbaba sa lahat ng gusto niya? Baka maaawa Siya sa'yo at Malay mo matutunan ka niya agad na mahalin..try mo iha..upang makuha mo ang loob ng aking anak.." Sabi pa ni Mrs. Lorenda Fuentebella. Biglang umaliwalas ang Mukha ni Ciamara. Yes, susubukan niyang maging sobrang bait sa harap ng kanyang Asawa,baka ma develope ito sa kanya at matutunan siyang mahalin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD