Samantalang sina Henry at Elisse ay magdamag na magkasiping sa kama. Nagpunta si Henry Sa Condo nito at tinawagan na pupunta roon si Elisse. Halata na Ang tiyan ng nobya at maligaya sila sa isat-isang magdamag na magkasama.
"Good morning.." bati ni Henry Kay Elisse sabay halik nito sa noo.
"Good morning babe..Ano na kaya Ang reaction ngayon ng Asawa mo? na mag-uumaga nalang ay hindi ka pa umuwi, kawawa Naman Siya. Well..deserve niya 'yan..alam niyang may girlfriend ka na at buntis pa pero sumang- ayon pa siya sa gusto ng mga magulang niyo..kaya..kawawa Siya ngayon, maging Asawa lang Siya sa papel babe,..pero Ako Ang siyang magiging Asawa mo sa k@ma..hmmmm.." napangiting wika ni Elisse sabay nakasandal ito sa dibdib ni Henry.
At natawa na rin si Henry at muling siniil nito ng halik sa labi si Elisse. Ang totoo'y Masaya lang talaga Ang binata dahil magkakaanak na Sila ng girl friend na si Elisse. Kasalanan ito ng kanyang ama kung nahulog na niloko niya ngayon Ang bagong Asawang anak Ng mga Briones. Alam Kasi ng kanyang Daddy na may girl friend na Siya pero Hindi nito nagustuhan si Elisse dahil malaki Ang tanda nito sa kanya. Anim na taon Kasi Ang tanda nito sa kanya.
Ngunit kahit may edad ito sa kanya ay Hindi Naman halata na matanda ito sa kanya dahil mukhang kaedad lamang niya tingnan si Elisse dahil sa pagiging mahalaga nito sa hitsura at katawan.
Sa gitna ng kanilang mainit na paghahalikan ay parang di pa Yata na kontento Ang Dalawa sa dalawang beses na may nangyari sa mga ito kagabi at mukhang uh@w pa rin sa isat isa na muling pinagsaluhan Ang mainit na Luto ng pag- ibig. Grabe din Kasi si Elisse sa kama at iyon Ang nagustohan Lalo ni Henry sa babae.
Sa kabilang banda Naman ng Lugar ng Bocaue Bulacan ay may Isang pamilyang mahihirap lamang. Naglalako lang ng Mani at Candy Ang asawang lalaki sa terminal ng kanilang City. at Ang paglalako nito ay di kayang sustentuhan Ang mga maintenance na gamot ng asawa nitong babaeng may sakit. may malalang diabetes na ito kaya dapat may injection itong insulin na maintenance nito at mga mamahaling medicine para sa sakit nito.
Ngunit si Gianna o kadalasang tawaging 'Gia' ay nagsisikap din upang ma supplyan Ang gamit maintenance ng kanyang Ina. Siya'y ampon lang Ng mag- Asawang Mang Noey at aling Elia subalit mahal na mahal niya Ang mga kinilalang niyang magulang. kaya kahit nahirapan Siya sa paghahanap ng trabaho dahil under graduate lamang Siya ay sinikap niya paring makahanap Ng Pera kahit sa making pamamaraan pa. Wala na Kasi siyang maisip Gawin upang nagkapera agad kundi Ang mga kalokohan nila Ng kanyang mga kaibigang lalaki at babae.
" Saan ba Yung ipapasuntok mo sa akin? " Tanong Naman ni Gianna sa kanyang isang kaibigan.
Sinira saw Kasi ito at binully kaya gusto nitong magbayad ng malaking halaga upang pabagsakin lamang Ang lalaking nambully rito.
Ito Yung may kaya sa lahat ng kanyang mga kaibigan. at dahil nga' y nangangailngan din Siya ng Pera ay Siya ang gagawa sa gusto Ng kanyang kaibigan.
"Wait lang Gia, dadaan yun.. sigurado kaba na kaya mo?" Tanong pa ng Isa niyang kaibigang lalaki.
" Kayang kaya Yan Ng kaibigan natin, Kasi Minsan na niya Akong ipinagtanggol sa lalaking nambabastos sa akin.." Sagot naman ng isa niyang kaibigang babae.
" Okay Sige, go Gia!! go! go! go!" Sabi pa ng ibang mga kaibigan niya.
Hangga't dumadn na nga Ang lalaking sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Naku, Yan ba Ang nambully sa' yo??" Takang- Tanong pa niya sa kaibigang binully.
" Oo, bakit Gia?" Tanong Naman nito.
" Ang pangit nga niyan, laki pa Ng mata! binully ka pa!" Sabi pa niya rito.
Sabay namang natawa Ang kanyang mga kaibigan sa kanyang sinabi. Ewan ba niya, Hindi niya talaga mapipigilan Ang mamintas. Para bang nakasanayan na niya. Hindi din naman Kasi Siya dapat mahiya dahil magandang babae Naman Siya kaya lang ay naiisip din niyangali iyon- Ang manlait sa kapwa Lalo na sa physical, kaya Siya na rin MISMO ang sasampal sa kanyang bibig kapag di niya maiwasang manlait.
"Go na Gia! dadaan na Siya.." Bulong sa kanya Ng kaibigang nag- utos.
Walang takot namang sinugod niya Ang lalaki at walang salitang sinuntok niya ito direct sa Mukha. Nabigla ito at nawalan ng balance kaya bumagsak sa lupa.
" Ano!? palag kana!? Bakit mo sinuntok Yung kaibigan ko??" Tanong niya ritong muling binirahan.
" Sorry!! sorry!! hindi ko na uulitin Miss Ganda." Sabi naman nitong halos lumuluwa Ang matang nakatingin sa kanya.
At namukhaan niya Ang kuwago sa Mukha nito.
" Nakz!!" Atras naman niya.
" Oh, bakit?" Tanong ng kanyang mga kaibigan.
"Isang makamandag na kuwago yan eh!!" Sabi pa niyang nakangiwi.
Napuno ng tawanan Ang grupo nila dahil sa kanyang sinabi. Bumangon Ang lalaking nasuntok at pinagpag pa nito saglit Ang damit nitong suot bago tuloyang umalis.
"Huwag kanang mambully ha! Look at self first muna!" Sabi pa ni Gianna habang nakapamaywang.
" Salamat Gia!" Nakangising wika ng kanyang isang kaibigang lalaki.
" Ay Hindi Ako tatanggap ng pasalamat na bayad. pera lang yung tanggap ko." Sabi naman niya rito.
" Ikaw talaga! syempre babayaran kita 'no.." Sagot Naman ng kabigang lalaki.
Kaya umuwi siyang may pera na pwedi nang pambili Ng gamot sa kanyang inang may sakit. At pwede na rin niyang mamalengke. Naabutan pa ni Gianna Ang kanyang mga magulang na Malungkot na nag- uusap. At alam niya kung Anong problema Ng mga ito. Ang Maintenance ng kanyang inang si Aling Elia.
At Hindi nga siya nagkamali, narinig nga niyang tungkol sa gamot ng kanyang Ina Ang pinag- uusapan ng mga ito. Natigil Ang pag- uusap ng mag- Asawa nang bigla nalang dumating Ang anak ng mga itong si Gianna.
At sinadyang ngisihan ni Gianna Ang mga at halatang ding good mood siya dahil nga may pera na siyang pambili Ng gamot ng kanyang Ina.nAt tiyak niyang ikakatuwa ng mga ito iyon.
"Magandang hapon Tay,nay.." Masayang Pagbibigay galang ni Gianna sa kanyang kinilalang mga magulang.
"Oh, anak Gia. . Magandang hao. din Sayo. Halatang maganda ang araw mo ngayon ah. At Good mood ka ngayon anak.. " puna Naman ng tatay nitong si Noey.
"Yes po Tay! Talagang maganda Ang Araw ko ngayon dahil may pambili na ako ng gamot ni Nanay Tay. Kaya bukas nay, maaga pa aKong mamimili para sa mga gamot niyo po at kakailnganin natin dito sa bahay." wika ni Gianna sa mga kinilalang magulang.
Halatang natigilan Ang mga ito nang Sabihin niyang may pera na siyang pambili Ng gamot at Ng mga kakailnganin nila sa Bahay Kinabukasan.
"Ha,bakit, saan ka nagka pera anak? Nakakita kaba ng trabaho ngayon? at Anong trabaho iyon? baka nahirapan ka at baka kung mapaano ka." Takang- tanong at nag- aalalang Sabi pa ni Aling Elia.
"Saan mo galling Yung pera anak??" Tanong din Ng kanyang tatay Noey.
"Awws, syempre nay, tay.. galing sa pawis kobksya Ako nagkapera. Kaya Akong bahala.. bibilhin ko Ang mga gamit ni nanay at kasali na rin yung buong market,haha.." Tugon ni Gianna na hinakuan ng pagbibiro sabay napatawa.
" Gianna Ano ba, puro ka kalokohan. Sagutin mo nga kami ng maayos." Sabi nito sa kanya.
At nang makitang seryoso kapwa Ang mga magulang ay natigil na rin Siya at sumeryoso. Paano ba niya Sabihin sa kanyang mga magulang na nagkapera Siya sa kanyang kaibigan na lalaki lamang dahil Siya ang pilit na gumawa sa utos ng kanyang kaibigang lalaki.
"Biro lang po nay,tay..ahhmm..may m-magandang transaction lang po Kasi ako kaya may pera po Ako ngayon nay.." Sabi ni Gianna.
"Sana nagsasabi ka ng totoo anak at sana Hindi haking sa masama yang Pera mo ha.." Sabi pa ng kanyang Ina.
"Naku, hindi nay. " Sagot Naman niya rito.
Para sa kanya ay Hindi iyon masama dahil Ang lalaking nasuntok niya ay ito Naman Ang unang nambully sa' kanyang kaibigan at Hindi Siya.
"Alam mo anak, ikinatutuwa ko na naging anak ka namin dahil hindi mo kami iniwan ng tatay noey mo sa kabila ng lahat na kahirapan natin ay Hindi mo kami iniwan ng iyong tatay. At nariyan ka lagi. Salamat Sayo ha.. Gia.." Anang Mahinang boses ng kanyang kinilalang Ina.
"Nagpasalamat rin Ako nay, Tay na tunay na anak talaga Ang pagtingin nito sa akin dahil ramdam na ramdam ko iyon. At mahal na mahal ko po kayo kaya iyan ang dahilan kung bakit Humanap na talaga Ako ng paraan upang masupplyaan Yung Gamot niyo nay, at mabuti nalang din ay pinalad Akong makakita ng magandang transaction." Patuloy na sabi niya sa kanyang Ina.
"Salamat sa'yo anak." Maikling Sabi nito sa kanya.
Tahimik nalang nanalangin Ang mag-asawa na sanay di galing sa masama Ang Pera Ng kanilang anak. dahil Kilala pa naman nila Ang kanilang anak na si Gianna na may pagka pilya Ang batang to.
Alam ni Gianna na may pagdududa parin sa kanya ang kanyang mga magulang. Gusto nalang sana niyang sabihin sa mga ito Ang pagkakapera niya upang mapalagay Naman Siya. pero baka Hindi maintindihan Ng kanyang mga magulang Ang ginawa niya. Baka mapagalitan pa Siya sa mga ito.