Chapter 18 "Don't you think you're showing too much skin, Tate?" Mula sa repleksyon ng vanity mirror ay tiningnan ko si Zadriel na kunot noo akong pinapanood habang nakaupo sa dulo ng kama. Bahagyang salubong ang kilay niya at tila ba naguguluhan sa ayos ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa sarili at mabilis na pinasadahan ang ayos. I'm wearing a black floral romper that exposed my long and slender legs. Disente na ito kumpara sa una kong naisip na isuot na pulang tube top at white skirt. Balak ko sanang akitin si Dashiel kaya lang ay baka hindi niya bet ang mga ganoong pananamit sa isang babae. Compared to Zadriel, Dashiel looks more serious. Sa itsura man o sa galaw. Baka hindi niya gusto ang babaeng lantad ang katawan masiyado. Are you seriously hitting on him, Tatiana? Natawa ako sa