KABANATA 12

1442 Words

DRAVEN SERAPHIM P.O.V Habang nagmumuni-muni ako sa opisina ko, natanggap ko ang ulat mula sa aking PR team. Maraming email ang natanggap ng Blackthorn Industries. Lahat gustong makakuha ng eksklusibong interview kay Sophie, ang bagong mukha ng aming produkto. Nakasandal ako sa aking upuan, nakangiti, alam kong nagtagumpay ako sa unang hakbang ng aking plano. Ginawa kong makinang ang aking anghel sa mata ng publiko, at alam kong nasasaktan ngayon ang mga Whitfield. Sa isip ko, naalala ko ang araw na itinapon nila si Sophie, tila isang bagay na walang halaga. Ngunit ngayon, pinatunayan niyang mali sila. Ang "walang halaga" ay ngayon ay isang dyamanteng nagniningning sa harap ng lahat. Sinagot ko ang telepono at kinontak ang aking PR manager. "Make sure na ma-handle natin ito nang maayos,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD