DRAVEN SERAPHIM P.O.V Nakaharap ako sa aking mesa, tuloy-tuloy ang pagtipa sa keyboard habang sinisiyasat ang mga ulat ng kumpanya. Ang malalim na katahimikan sa aking opisina ay hindi naabala hanggang sa makarinig ako ng mahinang tunog ng pintuan na bumubukas. Hindi ko inangat ang aking tingin mula sa mga papel na nasa harapan ko. Ang mga papeles na ito ang nagbigay sa akin ng kapangyarihan at kayamanan—hindi ko na kailangan pang mawalan ng focus sa mga ito para lamang sa isang bisita. "Please leave," malamig kong sinabi nang hindi inaalis ang tingin mula sa aking trabaho. Sa kabila ng aking kaseryosohan, narinig ko ang isang boses na tila nakakairita sa akin. "Mr. Blackthorn, I'm Nathalie Whitfield. I finally met you in person." Ang boses na iyon ay nagdala ng isang bagong alon ng pa