JAMES ALEXANDER WHITFIELD P.O.V Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang isang parte ko ay napuno ng galit habang ang isa naman ay naawa sa kapatid kong si Nathalie. Nakita ko siya sa harapan ko, umiiyak at nagmamakaawa. Hindi ko na kayang tiisin ang sobrang sakit ng puso ko para sa kanya. Sa kabila ng lahat ng nangyari, naisip ko pa rin na si Sophie ang dahilan kung bakit biglang bumagsak ang career ni Nathalie. Paano mo naman hindi magagalit sa kanya? Siya ang rason kung bakit biglang nawala ang lahat ng kinikilala at kasikatan ng kapatid ko. Kinuha ko ang mga kamay ni Nathalie sa mga balikat ko at pinatayo siya. “Princess, don’t cry. I will do everything to fix this. I swear, I will get back what’s yours.” Pinapakita ko sa kanya ang mga ngiti na nagtatago ng