SOPHIE MARIE P.O.V Sampung tauhan ni Draven ang nakapaligid sa akin pagpasok ko palang ng mall. Ang dami nilang nagbabantay, at sa bawat hakbang ko, tila ako ay nasa ilalim ng microscope. Maraming tao ang nakatingin sa amin, at hindi ko maiwasan ang mahiya. Ang hirap, hindi ako sanay sa ganitong uri ng atensyon. Nabuhay akong tahimik sa pamilyang Whitfield. Nasanay akong mga kapatid kong lalaki ang bumibili ng mga gamit ko, kaya't ang ideya na ako ang namimili ay medyo nakakahiya sa akin. Napakabibo nila sa akin, kaya't hindi ko alam kung paano mag-isa sa mga ganitong sitwasyon. Parang naaalala ko pa noon na kapag kailangan ko ng isang bagay, basta't magturo lang ako sa kanila, agad na nilang ibibigay. Pero ngayon, iba na ang sitwasyon. Hindi na ako ang prinsesa nila. It’s Nathalie, the