Pabagsak akong humiga sa kama ni Treece pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto. "Wuh, langit!" Ang gaan sa pakiramdam na mailapat ang likod sa isang malambot na higaan. Sinusulit ko na dahil maaga pa naman at mamaya pa ang uwi ng lalaking iyon. Nakakapagod ang araw na ito. Mas nakakapagod pa kaysa sa pagsasayaw sa kabaret. Ito ang unang beses na humawak ako ng isang trabahong pang propesyonal kaya maski yata utak ko nabugbog. Sa sobrang pagod ay hindi ko na napansin ang pamimigat ng pareho kung talukap hanggang sa iginupo na pala ako ng antok. -------------------------- Treece The house is as peaceful as the night when I got home. No doubt, its twelve midnight. Kasing payapa ng gabi ang isip ko na tuluyang nagkagulo ng makapasok ako sa aking kuwarto. Lexy is lying on my bed. Her ey