".....at ang magiging bago mong project ay si Mr. Darcy Azul." Sa dami ng sinabi ni Georgia ang pangalan lamang ni Blue ang naintindihan ko. "Ha? Ano kamu?" Kunot nuong tanong ko rito. "Hindi mo yata ako pinakikinggan Ms. Rexy. Mukhang kanino pa lumilipad ang isip mo." Ang totoo niyan kahapon pa lumilipad ang isip ko matapos ng naging pag-uusap namin ni Blue. "Ahm..s-si Lexy ba...nagkaroon ng relasyon kay Mr. Azul?" Sa kawalan ay naitanong ko. "So you finally meet him. I advise you to just pretend that you know her Ms. Rexy." Pretend? "Pero kilala ko talaga siya Georgia. Magkaibigan na kami bago pa kami nagkita kahapon. Ang nakapagtataka lang...m-may mga sinabi siya sa'kin na..." Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang mga sinabi sa'kin ni Blue kahapon. Gusto ko sa