CHAPTER 8 - Winter and Blue

1585 Words

Tila may dumaang anghel nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Ang naulinagan kung ingay mula pa lang sa labas ng pintuan ay naglaho at agad napalitan ng nakabibinging katahimikan. Walong lalaki ang nakaupo sa salas at lahat ng ito ay nakakunot ang noo sa'kin. Walong nagga-guwapuhan at nagkikisigang mga ginoo. May requirements ba sa party na ito na kailangan lahat ng dadalo ay guwapo? Tahimik kong isinama sa tumpok ng mga regalo ang mga dala ko at naupo sa pang isahang sofa di kalayuan sa kanila. "To think na pinag-agawan niyo pa siya dati," basag ng lalaking may dilaw na buhok sa katahimikan. Lumingon pa ito saglit sa'kin bago iiling-iling na nagpatuloy sa pagsimsim ng alak. Ako ba pinag-uusapan nila? Napayuko tuloy ako dahil kahit hindi ko maunawaan ay nakaramdam ako ng pagkapahiya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD