CHAPTER 2 - Lunexia

1398 Words
"This would only last for 10 months. Nobody will notice the difference til I come back. Do you understand?" Ayan na, nagmamaldita na naman siya. "Are you even listening with me Rexy?" halata na ang inis sa boses nito. "Saglit lang naman kasi Lexy. Alam mo ba kung anong pinagagawa mo sakin? Gusto mong isiksik ko itong thirty-six gigabytes na impormasyon tungkol sayo dito sa utak kong wala pa nga maski two gig. Iniisip ko pa kung magkakasya 'yong iba sa atay ko at bituka," reklamo ko habang isa isang binubuklat lahat ng printout na naglalaman ng mga bagay patungkol sa kaniya. Sa trabaho niya, kasama sa bahay, mga kakilala at lahat ng tao na may kinalaman sa kaniya. Ultimo paboritong pagkain ng kaibigan ng kapit-bahay niya nakalagay na yata rito. "Wala akong pakialam kung paano mo sila pagkakasyahin. Gawan mo 'yan ng paraan. Kung kailangan mong manatiling dilat 24/7 para lang makabisa lahat ng 'yan bago ang deadline na binigay ko sa'yo gawin mo. I paid you for your service, in full p*****t Rexy so stop complaining and do your job," kalmado ngunit may diin sa bawat salitang binitiwan nito. Kahit kailan hindi na siya nagbago. Mas lumala pa nga yata siya ngayon. 'Yong pagiging demonyita niya to the highest level na. Mahihiya si maleficent 'pag nagtagpo sila. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang matapos ng pitong taon ay muli pa siyang magpapakita sa'kin. Sariwa pa sa alaala ko kung paano siya naglayas noon. "Saan ka ba pupunta Lexy? Tara na, umuwi na tayo. Baka mapagalitan pa tayo ni tiyang Amparo. Bugbog sarado na naman tayo doon." kumbinsi ko rito habang marahang hinihila ang laylayan ng suot niyang blusa. "Puwede ba pabayaan mo ko!" marahas nitong tinanggal ang pagkakakapit ko sa damit niya. "Ba't ka ba nakasunod sa'kin? Umuwi ka mag-isa mo dahil kung saan man ako pupunta wala akong planong isama ka!" bulyaw nito saka lakad takbong umusad. "Saan ka ba kasi pupunta? Wala na naman tayong ibang kamag-anak ah? Wala ka ng ibang puwedeng puntahan pa maliban kay tiyang. Hindi ka rin naman makakahanap ng trabaho kasi disiseis pa lang tayo." mangiyak ngiyak na ako habang pilit na sinasabayan siya sa paglalakad papuntang labasan. Bitbit nito ang isang malaking bag na naglalaman ng mga damit niya kaya nasisiguro ko na maglalayas talaga siya. "kamag-anak? Bakit, sa tingin mo ba kamag-anak ang tingin satin niyang tiyahin mong baboy? Eh kung ituring niya nga tayo masahol pa sa alaga niyang aso! Bukod sa binubogbog niya tayo, pinapakain niya lang tayo kung kailan niya gusto! Hindi ko na kaya Rexy! Mas gugustuhin ko pang maging palaboy sa lansangan kaysa mabulok sa masikip, mabaho at nakaririmarim na lugar na iyan! May matutuluyan na ko kaya hindi ko na kailangan pa'ng magtiis sa amoy kanal niyang hininga!" saglit itong huminto sa kalsada para harapin ako. "At ikaw? Wala akong planong isama ka. Ni hindi mo nga kayang ipagtanggol ang sarili mo eh. Magiging pabigat ka lang sa'kin. Isa pa, hindi kita kailangan. Wala akong kailangan maski sino sa inyo kaya utang na loob, bumalik ka na sa lungga mo! Kalimutan mo na lang na may kakambal ka kasi simula sa araw na 'to ganoon din ang gagawin ko!" Noong mga oras na iyon, wala akong nagawa kundi mapako lamang sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang umalis. Masakit, sobrang sakit ng mga binitawan niyang salita sa akin. Alam ko naman na maldita siya, ugali niya na talaga iyan simula pa ng magka-isip kami pero para masabi niya lahat ng iyon hindi ba't parang sumusobra na siya? Magkapatid kami, magkakambal kaya kahit ganiyan ang ugali niya mahal ko siya. Pero bakit ganoon, kung magsalita siya parang hindi niya ko kaanu-ano? Hindi pa siya tuluyang nakakalayo ng huminto ang isang itim at magarang sasakyan sa tapat niya mismo. Mula roon ay bumaba ang isang lalaking nakasuot ng ripped jeans at maong na jacket na parehong kulay asul. Matangkad ito, maputi at kahit sa malayo hindi maipagkakaila na maganda itong lalaki. Tantiya ko ay nasa bente anyos na ito o mahigit pa ayon sa hubog ng katawan. Humihithit ito ng yosi habang kausap ang kapatid ko. Maya-maya pa ay basta na lang nito ibinato ang sigarilyo sa kalsada at pinagbuksan ng pinto ng kotse si Lexy. Tanaw na tanaw ko mula sa malayo kung paano nito pinisil ang puwetan ng kapatid ko habang inaalalayang makasakay. Ilang segundo pa ang lumipas bago nito tuluyang pinaharurot ang sasakyan paalis. Napaupo na lang ako sa sahig habang humahagulhol ng iyak. Simula ng araw na iyon, ginawa ko ang sinabi niya. Kinalimutan ko siya. Kinalimutan ko na ang pangalang Lunexia Andrada. Kung hindi lang siya nagbayad ng piyansa para makalabas kami nina Odessa at Mammy nunkang kikibuin ko talaga siya. Pero aaminin ko, ngayon ko naintindihan kung bakit siya umalis noon. Ang laki na ng pinagbago niya. Dati halos wala siyang maisuot na damit pero tignan mo naman ngayon, puro branded na ang gamit niya mula bunbunan hanggang talampakan. Lahat magagara at mamahalin. Iyon bang tipo na mahihiya kang hawakan dahil baka magasgasan. Matatas na rin siyang magsalita ng ingles ngayon samantalang noon ay muntik pa siyang hindi maka-graduate ng high school dahil sa subject na iyan. Pagdating sa lebel ng utak wala na akong panama sa kaniya. Oo nga't valedictorian ako noong makapagtapos kami ng elementarya at high school ngunit ano ba ang sinabi noon sa natapos niya. Graduate siya ng Bachelor of Arts major in Philosophy sa isang sikat at pribadong unibersidad sa Maynila. Isa na siyang showrunner ngayon sa isang kilalang TV network dito sa bansa. Halos lahat ng projects niya ay nangunguna sa ratings. Sinong mag aakala na isa lamang siyang ulila na nakatira sa eskwater noon. Ang layo na ng narating niya. Sa sobrang layo nagdadalawang isip tuloy ako kung siya ba talaga ang kakambal ko. Kung hindi lang dahil sa magkapareha naming mukha hindi ako maniniwalang siya si Lunexia. "Bakit ba kasi kailangan ko pang magpanggap na ikaw kung may deadline naman pala? Ba't di mo na lang sabihin sa kanila na magbabakasyon ka? Total naman sampung buwan ka lang mawawala. Sabihin mo sa north pole o kaya sa south pole ka magbabakasyon kaya ganoon katagal. Saka nga pala, hindi mo pa sinasabi sa'kin hanggang ngayon kung bakit ka nga ba mawawala. Saan ka ba talaga pupunta?" Hindi ko na napigilang magtanong. Simula kasi ng magpakita siya sa'kin at nakipagkasundo tungkol sa bagay na ito ay hindi pa niya sinasabi ang dahilan kung bakit nga ba kailangan niya ng karilyebo sa buhay niya. Buti sana kung pareho kami ng antas ng pamumuhay at linya ng trabaho dahil kahit nakapiring kayang kaya kong magpanggap na siya. Eh ang kaso hindi! Malayong malayo ang naging buhay namin sa isa't-isa. "Bakit ba ang dami mong tanong? Can't you do your job without pestering me? Baka nakakalimutan mo, kundi dahil sa'kin malamang naghihimas ka pa rin ng rehas ngayon. Lahat ng sinabi ko sa'yo, 'yon lang ang kailangan mong malaman. Isa pa hindi ka lang naman mag-isa sa planong 'to. You'll be with my personal assistant." Inis itong tumayo mula sa sofa saka tuluyang lumabas ng silid. "One thing you should learn kapag kasama mo si Ms. Lunexia ay iwasang magtanong. Ayaw na ayaw niya na kinikuwestyon lalo ang mga bagay na napagdesisyunan niya na." Pumasok sa silid ang personal assistant ni Lexy na si Georgia. Sa loob ng isang linggo ko rito sa condominium na tinutuluyan namin ng kakambal ko ay si Georgia lang ang madalas kong makausap. Ito kasi ang personal trainer ko para ma-achieve ang pagiging Lunexia Andrada Hughes. Mabait naman siya kumpara sa kapatid ko. Madalas nga lang na seryoso. Pero mas maigi na ito kaysa kay Lexy. "May isang linggo ka pa Ms. Rexy. Just make use of your time properly. I'll help you with it." May tinignan ito sandali sa kaniyang cellphone bago ibinalik ang atensyon sakin. "By the way, you'll have an appointement with your dermatologist after an hour so get ready," saad nito na nagpalapad ng ngiti ko. Mabuti na lang pala maarte sa katawan si Lexy, kung hindi baka nabaliw na ako rito sa condo niya. Nakakalabas lang kasi ako sa tuwing may schedule ako sa dentista, derma, salon at kapag magpapa-spa. Hindi na rin pala masama na magpanggap na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD