"What the f**k are you doing?"
Nahinto ako sa pagsampa sa kama nang magsalita ang asawa ko---este ng kakambal ko---hindi, ko pala. Ay ano ba? Basta asawa ni Lexy na ginagampanan ko ngayon ang role!
"M-Matutulog?" sagot ko rito na nagmistulang tanong.
Ano pa ba'ng gusto niyang gawin ko sa gan'tong oras---oh my gush anak ni satanas! Gusto niya ba'ng---oh no! Hindi puwede! Baka mapatay ako ng kakambal ko 'pag nagkataon!
"Are you joking?" palatak nito sa naguguluhang itsura.
Ayan na nga ba ang sinasabi ko! Bakit sabi naman ni Lexy hindi alam ng asawa niyang ito ang salitang libog?
Unti-unti itong naglakad papunta sa deriksyon ko at habang papalapit, siya namang kabog ng aking dibdib.
Anong gagawin ko? Baka magtaka 'to kapag tumanggi ako. Pero kapag pumayag naman ako tiyak na sa kabilang buhay ang bagsak ko.
Pinagpawisan ako ng matindi kahit malakas pa sa suntok ni one punch man ang lamig na dulot ng aircon. Sa sobrang init, wala sa loob kong binuksan ang ilang butones ng suot kong pantulog. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay sa ginawa ko.
Hala siya! So ano, dapat ko bang buksan lahat?
Nanginginig ang mga kamay ko habang isinusunod ang iba pang butones.
Teka, akala ko ba nagtatalo ang isip ko sa kung ano dapat ang gawin ko? Eh bakit parang may desisyon na yata ang katawan ko? Bakit ba kasi ang guwapo ng lalaking 'to? Ayan tuloy, tinatraydor ako ng sariling laman ko!
"What the hell?"
Napapikit na lamang ako nang nagmamadali itong lumapit sa'kin matapos niyang magmura.
Hallelujah! Heto na!
Agad akong napamulat ng biglang humagis ang katawan ko sa sofa malapit sa kama.
Anyare?
"Should'nt you be sleeping on that sofa? 'Di'ba nga ayaw mo kong katabi? Well, the feeling is mutual Lexy so stop pissing me!" sigaw nito sabay aburidong humiga sa malambot na higaan at nagtalukbong ng kumot.
Ay pucha! Eh tarantado pala 'to! So ano, dito ako matutulog sa sofa?
"Nakalasap nga ako ng yaman, sa upuan din naman pala ang bagsak ko!" bulong ko habang pinagkakasiya ang sarili ko sa NAPAKA ganda kong tulugan.
Patience Rexy. Kapag 'yan nabuwisit at naisipang makipaghiwalay sa'yo may kalalagyan ka sa kapatid mo!
Kinabukasan hindi pa sumisikat ang araw ay bumangon na ako. Sanay ako sa ganitong oras ng gising kapag natutulog ako sa gabi. Maaga pa lang kasi ay inuumpisahan ko na ang mga gawaing bahay dahil kapag naunahan ako ng tiyang amparo ay latay ng kawayan ang aabutin ko.
Ang tahimik ng buong bahay. Halatang tulog pa lahat ng tao. Pinaikot ko ang paningin sa buong paligid.
Ano namang lilinisin ko rito eh mahihiya ang alikabok na dumalaw sa mansyong ito? Pati yata kasuluk-sulukan nangingitab sa sobrang linis.
"Makapagluto na nga lang," saad ko sabay punta sa kusina.
Nagningning ang mga mata ko sa lawak at ganda noon. Kumpleto ito sa gamit at hindi maitatangging mamahalin lahat ng kasangkapang pangkusina ang naroon. Agad kong binutingting ang lugar. Binuksan lahat ng kabinet na ang iba ay naglaaman ng mga magagarang gamit sa pagluluto habang ang iba ay laksa-laksang dry stocks ng mga pagkain. Isinunod ko ang dalawang pridyeder na parehong may tigdalawang malaking pinto at naglaway ako sa dami ng laman noon. Mas mukha itong aparador kaysa sa refrigerator dahil sa lapad at laki. Punong puno ito ng pagkain sa loob. May mga gulay, prutas, karne at kung anu ano pa. Nakakalula sa dami. Kung ganito siguro karami ang pagkain namin sa dampa kahit hindi na kami magtrabaho sa kabaret ni Odessa ng isang buong taon ay mabubuhay kami.
Kahit lito sa kung ano man ang dapat lutuin ay nagdesisyon akong magluto ng nilagang baka. Paborito ko kaya iyon. Kaso lamang ay tuwing pasko lang ako nakakatikim dahil magastos iyon.
Inihanda ko na lahat ng dapat gamitin. Natadtad ko na lahat ng kailangang sahog at handa na ang lahat para isalang. Kumuha ako ng kaldero at nahinto saglit ng magawi ako sa tapat ng lutuan.
"Paano ba 'to paganahin?" tanong ko sa sarili habang binubusisi ang kalan.
Anong kalan Rexy? Eh hindi naman iyan mukhang kalan!
Eh sa ngayon lang ako nakakita ng ganito eh! Wala namang gan'to sa condo ni Lexy. Palibhasa, tamad magluto ang gaga! Hindi nga yata iyon marunong magluto eh!
Para akong tanga. Kinakausap ko na pati sarili ko.
Lutuan ito ngunit patag ang ibabaw. Saan banda lalabas ang apoy?
"Baka kailangan ng gas?" muli kong bulong.
Gan'on kasi kapag nagluluto ako sa bahay. Kailangan ng gas para magningas ang uling. Kalang de uling kasi ang lutuan namin.
Mabilis akong naghanap ng gasolina. Ang kaso mukhang wala namang gas dito.
"Papel kaya. Tapos sindihan ko?"
At iyon nga ang ginawa ko. Pinihit ko ang lutuan, kumuha ako ng papel at sinindihan ito gamit ng dala kong lighter. Mabuti na lang pala palagi kong dala ito kahit saan ako magpunta. Ang kaso, hindi pa rin gumana.
Iniwanan ko na lang ang nag-aapoy na papel sa ibabaw noong lutuan at lumabas muna ng kusina. Siguro naman may gising na.
Nasa labas na ako ng kusina ng may biglang sumabog!
"Shutang inames!" bulalas ko dahil sa gulat.
Nilingon ko ang pinanggalingan ko at muli akong napamura nang bumungad sa aking paningin ang naglalagablab na apoy mula sa kusina.
"Sunog!"
-------------------------
Treece
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malalakas na katok mula sa pinto ng silid. Tumingin ako sa bedside clock at agad na nagtaka nang makita kong alas sinko pa lang ng umaga.
The heck! It's too early.
Nakakunot noo akong bumangon at pinagbuksan ang kumakatok. One of our maids appeared outside.
"Sir, sunog! Nasusunog ho ang bahay!" tarantang palatak nito.
"What? How is that possible?" bakas ang kalituhan sa boses ko. Who would burn our house?
"Si Maam Lexy po, sir! Nagsindi raw po siya ng apoy sa kusina!" sagot nito na nagpainit bigla ng dugo ko.
That b***h!
Lakad takbo kong binaba ang first floor at sa bungad pa lang ng hagdan ay maririnig na ang dagundong ng fire alarm ng bahay habang tuloy tuloy ang pag agos ng tubig mula sa sprinkler sa kisame. Basang basa na lahat ng gamit na naroon. Nakaramdam ako ng ginaw nang marating ko ang kusina at mistula itong dinaanan ng bagyo. Everything was soak in water. Nangingitim ang paligid habang may kakaunti pang usok. The security was there including my family who are standing like a statue and our maids, at lahat kami, basa na ng tubig.
"Pucha! Putang ina naman oh!"
Nawala ang atensyon ko sa itsura ng bahay namin dahil sa sunod-sunod na malulutong na mura. Shock is visible in my face as I look at my wife while holding her burned arm.
"Sabi ko naman sa'yo maam eh, huwag niyo na pong subukang patayin 'yong apoy."
Napapalibutan ito ng mga kasambahay habang paikot-ikot sa sahig. Bakas ang matinding sakit sa mukha nito habang paulit-ulit na nagmumura.
"Sir, tumawag na ho kami ng ambulansya. Papunta na ho sila," one of our guards disturb me from being paralysed.
Wala sa sariling hinawi ko ang mga nakapalibot dito at agad siyang binuhat.
Few minutes passed and we arrived at the nearest private hospital. The doctors gave all the needed medical attention to her. After hours, she's fine. Luckily, it's just a first degree burn on her left arm. Nothing more and nothing less. Pinauwi rin kami agad after she got discharged.
"Ano ba'ng naisipan mo at nakialam ka sa kusina?" I ask her out of curiosity inside the car. Lexy is'nt a type of woman who'll wake up early to cook breakfast for her family. She's not a wife material kind. The heck! I never see her hold a ladle!
"Sorry na. Gusto ko lang namang magluto ng almusal. Malay ko bang masusunog pala ang buong kusina." Nakasimangot ito habang nagsasalita.
"Seriously? What the f**k are you thinking? You don't even know how to cook Lexy," paalaa ko rito na sinabayan ko pa ng hindi makapaniwalang iling.
She's crazy.