CHAPTER EIGHT

2059 Words

Thea POV (ina ni Switzel) Hanggang ngayon ay hindi pa rin panatag ang loob ko. Malapit na ang kaarawan ni Switzel. Hindi naman lingid sa akin kung ano ang maaaring mangyari sa araw na iyon. Noon, kada kaarawan ni Switzel ay lumalabas kaming buong pamilya. Hinahayaan namin siyang mamili sa kung saan ang gusto niyang puntahan o kung ano ang gusto niyang gawin. Masaya ako sa tuwing napapasaya namin ang aming anak. Ngayon, nakakalungkot na malayo na sa amin si Switzel at hindi ko alam kung kailan ko siya makikita ulit o kung makikita ko pa ba siya. Kada maiisip ko ang napag-usapan namin noon, namumutawi ang lungkot sa loob ko. Hindi ako nasanay sa ganitong senaryo na wala si Switzel. “Thea...” ang tawag sa akin ng isang banayad na boses. Hindi ko na kailangang lingunin pa kung sino iyon. S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD