Ashley Dave Ysha Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay.. Basta namalayan ko nalang ang sarili kong nakadapa sa aking kama at hinayaan ang mga luha ko sa walang humpay na pagladas sa aking pisngi.. Ni hindi kona nagawang maghapunan dahil nawalan na talaga ako ng gana.. Para bang sa isang iglap ay nakaramdam ako ng panghihina. Nag kulong na lamang ako sa aking kwarto, barado na ang aking ilong at nanakit narin ang aking mga mata. I'm sure na maga na ang mga iyon dahil ramdam ko ang kirot at tila pamamaga nito... Ang akala ko, magkita man kami ay hindi na ako ganon masasaktan. Ngunit laking akala ko lang pala. Dahil nang makita ko siya, tila parang malakas na agos na rumagasa sa damdamin ko ang halo halong emosyon. Tila isang pilikulang nagbalik ang lahat ng masasayang alala ng