Ashley Dave Ysha Marahan kong inilabas ang mga damit at mahahalagang gamit na daldalhin ko pauwing Pilipinas. Ni hindi ko nga inaasahan na pagkatapos ng mag aapat na taon pamamalagi sa America ay bigla nalang mag papasya si daddy na umuwi ng Pilipinas. Ayaw ko sana ang idea na muling manirahan sa Pilipinas ngunit dalawa sa mga malalapit kong kaibigan ang umuwi narin doon noong nakaraang taon. Doon narin sila magpapatuloy ng pag aaral. Marami rin naman magagandang unibersidad sa Pilipinas. May unibersidad na nga akong napili para pag enrollan sa pasukan. At ang university na iyon ay siya rin pinapasukan ngayon ni Kara at Maica. Balak nga rin umuwi ni Lanie at Jenny pero hindi pa nila nasisiguro kung kailan. I was just so thankful na hindi na ako maiilang pa at malulungkot dahil may m