Matapos makausap kahapon si Gardo at ang kasama nito ay napilitan tuloy akong pumunta sa Chin Wu warehouse. No choice na ako kasi nga sa susunod na linggo ay pasukan na at kailangan nila ang mga PE uniform.
Sumakay na lamang ako ng taxi at nagpahatid sa warehouse dahil maayos naman na ang aking sasakyan. Pagdating ko sa parking area ay ando'n nga at naka-park ang aking sasakyan. Pumasok ako sa loob at ini-start kung okay na. Okay na nga. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa gate. Kinakabahan ako na na-e-excite kasi makikita ko na naman ulit si Mang Totong. Sinadya kong magsuot ng puting cotton skirt na knee level at puting turtle neck sleeveless top para super sexy akong tingnan at para maglaway sa aking figure si Mang Totong. Alam kong advantage ko ang aking katawan laban sa sugar mommy niya at sa babaeng tinawag niyang Trish kaya lalo ko siyang patatakamin.
Katulad ng dati, wala na namang tao sa guardhouse. Siguro ay nag-iikot na naman si Mang Totong. Medyo na-disappoint ako. Nagsuot pa naman ako ng seksing damit para magpapansin dito tapos wala ito. Paano pala kung absent ito, mas lalo tuloy akong na-disappoint.
Pumasok na lamang ako sa loob ng warehouse at pumili na ng mga telang oorderin ko. Napansin kong walang pa silang customer. Ako nga lang 'ata dahil lunchtime ngayon. Si Mang Dodoy lang ang nag-assist sa akin dahil sumama sa delivery si Mang Danny.
Mga kalahating oras na siguro akong in-assist ni Mang Dodoy nang magpaalam ito saglit dahil may tumatawag sa telepono nila sa loob ng opisina.
Saktong nawala lang ito sa paningin ko ng biglang namatay lahat ng ilaw sa loob ng warehouse. Tanging emergency light ang gumagana na sa kasamaang palad ay wala sa may pwesto ko.
"M-mang Dodoy! Mang Dodoy! Ano po ang nangyari, bakit biglang namatay ang ilaw?!" Sigaw ko. Nagbabasakali na sasagutin ako ng matanda.
Hindi naman ako takot sa dilim kasi may mga time talaga na nagba-brownout lalo na kung may bagyo o sunog. Nagulat lamang ako dahil wala namang bagyo, sobrang init nga sa labas. Baka nagka-short circuit lang.
"Ma'am.. Pasensiya po at biglang namatay ang ilaw. May problema 'ata sa main switch. Huwag kayong umalis sa pwesto niyo at baka masagi niyo ang ibang mga naka-rolyong tela at madaganan kayo. Pupunta lang ako sa may main box malapit sa entrance para tingnan kung ano ang problema." Sigaw ng matanda na alam kong naglalakad na papunta sa may entrance area.
"Sige po." Balik sigaw ko dito.
Mahabang katahimikan ang kasunod noon. May ilang minuto na rin akong nakatayo sa pwesto ko pero hindi pa rin bumabalik ang kuryente. Nakakaramdam na kasi ako ng panlalagkit dahil mainit na sa loob ng warehouse. Dahil sa biglaang pag-shutdown ng kuryente ay namatay din pati ang aircon sa loob kaya ngayon ay unti-unti nang nababasa ang damit ko ng sarili kong pawis.
"Mang Dodoy! Mang Dodoy!" tawag ko sa matanda.
Walang may sumasagot sa akin.
Imbis na matakot ay nainis ako sa sitwasyon ko. Peste! Ayoko ko pa naman ng walang aircon kasi pawisin ako. Wala naman akong amoy o kili-kili power pero diyahe kasi kapag pinagpawisan ako. Eh 'di mamaya niyan amoy pawis na ako.
Kahit na sinabihan na ako ni Mang Dodoy na huwag umalis sa aking pwesto ay napagpasyahan kong umalis dahil sa naiinitan ako. Susundan ko na lamang ang liwanag kung saan nakikita ko ang emergency light---
"Ay! Ay! Peste! Ano 'yon?!" Bigla akong nagtatalon ng may dumaang malamig na bagay sa paanan ko.
Sa kakatalon ko ay natumba ako at natabig ko ang isang nakatayong rolyo ng tela kaya naman nag-domino effect ito at lahat ng mga nakatayong tela doon ay natumba din sa akin lahat.
"Peste! Mang Dodoy! Tulungan niyo ako! Nadaganan ako ng mga tela dito!" Sigaw ko.
Mas lalo tuloy akong nainis dahil natamaan ang katawan ko ng mga rolyo ng telang natumba. Pakiramdam ko ay ginawa akong punching bag ng mga tela. Mabibigat pa man din at matitigas. Paisa-isa kong inusog palayo sa akin ang mga telang nakadagan at naupo na lamang sa sahig. Kung bakit naman kasi sa sobrang excitement kong pumasok kanina para magpapansin kay Mang Totong ay nakalimutan ko na chi-narge ko ang aking cellphone sa loob ng sasakyan bago ako lumabas dahil palobat na ako. Wala tuloy akong magamit ngayon para sana gawin kong flashlight. Mabuti na lamang at may tissue at wet wipes ako sa aking bag. Ito na lamang ang ginagamit kong pampunas sa aking pawis.
"H-hello! Someone out there?!" narinig kong sigaw ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay walang iba kundi si Mang Totong. Naririnig ko siyang sumisigaw sa may entrance banda.
"Tulong! Nadaganan ako ng mga tela dito! Mang Totong! Nandito ako sa dulo ng 3rd aisle, 'yong mga rack na may synthetic na leather!" Mas lalo ko pang nilakasan ang pagsigaw para marinig nito.
"Sab?! Is that you?" balik tanong ni Mang Totong.
"Oo. Ang init dito. Please, tulungan mo ako!"
"Okay. I'm coming. Stay put ka lang diyan at huwag kang umalis sa pwesto mo. Madilim at baka kung mapa'no ka pa." Sigaw nito.
"Okay!" medyo nakahinga na ako ng maluwag kasi alam kong paparating na si Mang Totong. Sa wakas ay makakalabas na rin ako dito.
Tanaw ko na ang flashlight na paparating sa aking pwesto kaya alam kong si Mang Totong na 'yon.
"Nandito ako!" Sigaw ko ng maaninag kong palinga-linga pa si Mang Totong.
Kaagad naman itong lumapit sa kinaroroonan ko dala-dala ang hawak nitong flashlight.
Hinawi muna nito ang mga naka-rolyong tela na nagkalat sa sahig at nang makalapit sa akin ay kaagad akong niyakap.
"Are you okay, Sab?! May masakit ba sa'yo? Sabi mo nadaganan ka 'di ba? What happened?" sunod-sunod na tanong nito.
Tiningnan din nito ang aking mga braso. Napansin nito na may pasa ang kanang braso ko.
"You have a bruise here. Baka natamaan 'to ng mga rolyo. Halika ka sa office at lalagyan natin ng ice pack." Inalalayan na nito akong tumayo papunta sa office ng warehouse.
"Nasaan na nga pala si Mang Dodoy? Ang sabi niya kanina sa akin ay titingnan niya ang main switch o main box ba 'yon malapit sa entrance pero hindi na ito bumalik pa." Dahan-dahan lang kaming naglalakad dahil baka maapakan namin ang ibang mga nagkalat na nakarolyong tela at madulas pa kami.
"Actually nakuryente si Mang Dodoy nang hinawakan niya ang isang livewire kanina. Mabuti nga at nakita ko siya kasi noong nag-shutdown ang buong ilaw ay kaagad din akong pumunta doon sa main box para tingnan kung anong problema kaso naunahan ako ni Mang Dodoy. Binigyan ko lang siya ng first aid at nang um-okay na ang pakiramdam niya ay sinuggest ko na lamang sa kanya na maghanap ng magaling na electrician para matingnan ang switch. Baka pabalik na rin iyon. Hindi ko alam na nandito ka sa loob. Hindi kasi nabanggit ni Mang Dodoy na may tao dito. Mabuti at narinig kitang sumigaw."
"Paano wala ka na naman kanina doon sa labas pagpasok ko kaya hindi mo alam." Nakasimangot na sabi ko.
"Pasensiya ka na ha. Baka nasa pantry ako noong time na pumasok ka. Ininit ko lang saglit ang dala kong lunch kasi may microwave doon. Lunchtime ka siguro dumating eh break ko 'yon. Akala ko talaga walang tao dito."
"Hmmm.. I think mga 12:30pm siguro ako dumating."
"Lunch break---- O--opsss.. D*mn!"
"Ay! Ay! Pest---"