Eto talaga ang pinakaayaw kong subject sa lahat ang MATH! feeling ko gugutomin ulit ako kahit kakakaen ko lang sa Canteen kanina.
Magkakatabi kame ni Faye at Neng ng upuan ako ang napapagitnaan nilang dalawa ang masaklap don ay magkakatabi nga kame kaso ang dalawa kong katabi ay parang mga nalugi.
Si Faye na hanggang ngayon ay tulala pa rin na parang wala sa sarili si Neng naman halos lukot na lukot ang mukha kala mo e nawalan ng milyones tsk oo nga pala ang kanyang pinakamamahal na sweetiepay ay wala pa din ngunit ang ipinagtataka ko ay si Faye iba ang kinikilos nya ngayon.
"Oy Faye !di pa rin ba nakalabas yang tae sa pwet mo? seryosong tanong ko sakanya
" Gagah ka yang bibig mo ah!" lumingon lingon pa ito sa paligid sabay irap saken
"E kasi kanina ka pang parang wala sa sarili simula ng nasa canteen pa tayo ganyan kana , may problema ka ba?"
"h-ha wala ano ka ba! a-ano lang kase medyo masama pakiramdam ko lately"tinitigan ko sya ng maigi pansin ko may kakaiba talaga sakanya at hindi ako kumbinsido sa reason nya.
" ahh okay". Yan na lamang nasabi ko at tumahimik na.
Maya maya pa ay nagsitilian mga kaklase kong babae kaya naman napalingon agad ako sa pintuan ng classroom yung bagong transferee pala ang bumungad sa pinto kaloka ang lalaking to grabe ang s*x APPEAL!
"Magsitahimik nga kayo!" sigaw ng math teacher namin na mukhang terror. Nagsitahimik naman kaagad ang mga kaklase kong haliparrot tsk buti nga.
"Bago ang lahat gusto kong malaman ninyo na ako ang magiging teacher nyo sa subject na toh! Bago ko umpisahan ang klase gusto ko lang sabihin sainyo na ayaw ko ng maingay at mga haliparot sa klase ko, naiintindihan nyo ba?!" poker face ang mukha nito habang tinitingnan kame isa isa YARE terror ngah!
"Yes Maam!'' sabay sabay namen na sagot sakanya yung iba naman pasimpleng inirapan ang poker face na teacher.
" okay get one half sheet of pad paper " sabi nito at sabay tingin sa mga hawak hawak nyang mga papel.
LUH! Dont tell me may quiz agad kame e kakasimula pa nga lang atsaka wala pa nga syang binigay na lesson.
"Mam, may quiz po ba tayo?" deritsahang tanong ni Chelsea.
"Yes Miss. May problema ba?? " tanong nito sa kinakabahan na si Chelsea.
"Ah e-wala po Mam." at dali dali itong kumuha ng pad paper sa bag.
"Kung sino man ang may reklamo sa quiz ko ngayon ay malaya kayong makakaalis sa klasrom na ito" sabi nito habang prente na nakaupo at poker face na nakatingin saamin.
Wala naman ni isa sa amin ang nagreklamo pa.
"SIS! hindi ko nasagutan yung last question kakainis ano ba naman yan"! pagrereklamo ni faye habang papalabas kame ng klasrom.
" Ano ka ba buti nga isa lang yung hindi mo nasagutan e ako nga yung tanong lang na WHAT IS CALCULUS nganga wala akong nasagot!" ewan ko ba pagdating talaga sa mga numeros e nabobobo ako kahit gustuhin ko man na pagaralan kaso wala talagang magsink in sa kukote ko kaya naman lagi akong nakikikopya o bokya tuwing may quiz o exam. Swerte nalang kung si Faye ang katabi ko magaling kase sya pagdating sa math kaso nga lang kanina hindi talaga ako makakopya kase pinaghiwahiwalay ang mga upuan namin.
"Sus ako nga ni sagot sa IS CALCULUS EASY wala e buti nga kayo meron ako bokya mga sis" sabi nito habang nakaakbay sakanya.
Tatawanan ko na sana si Neng kaso bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko pano ba naman andito sya
"Oooy, si crushie nya" narinig ko pang sabi ni Neng kaso hindi ko inintindi ang sinabe nito dahil sobra akong kinakabahan at grabe ang lakas ng t***k ng puso ko mas lalo pa akong kinabahan ng papalapit sya ng papalapit saamin.
OMG! this is eat. Papansinin ba nya ako o baka naman yayain nya akong magdate kame YES i do na kaagad ang sagot ko!
Halos hindi ko maikurap ang mga mata ko nakatitig lang ako sakanya habang papalapit ng papalapit saamin ngunit bigla itong huminto at malungkot na tumalikod bumagsak ang balikat ko ng mapagtantong hindi mangyayari ang mga iniisip ko SAYANG NAMAN!
"Sis kulang nalang tumulo laway mo kanina grabe lakas tama mo pala sa chinitong yon" pangaasar saken ni Neng
"Tumigil ka nga dyan, mamaya may makarinig pa sayo". inis kong sabi dito.
"Diba Faye tulo lawa-' asan na yon? lumingon lingon pa ito sa likuran namen na takang sinundan ko ng tingin si Neng. Napansin kong wala na nga si Faye kanina andito lang sya sa may kaliwa ko.
" Asan na ba ang babaing yun? bigla bigla nalang sya naalis na walang paalam manlang"sabi ni Neng na nakanguso na.
Nakakapagtaka na talaga itong si Faye ano kaya ang problema non.
"Hayaan mo na baka may emergency ulit sa bahay nila kaya di na nakapag paalam pa sa aten" sabi ko kay Neng tahimik naman itong naglakad.
Papunta na sana kame sa next subject ng mag announce na may biglaang meeting ang lahat ng teacher kaya naman itong si Neng ay tuwang tuwa at napakapit pa sa braso ko
"Sis san tayo ? gusto mo kaen tayo sa labas treat ko" ngiting ngiti na sabi neto
"Nako wag na, gastos lang yan. Uuwi nalang siguro ako". sagot ko dito na agad naman nalukot ang mukha dahil sa pagtanggi ko
" Sige na please samahan mo na ko Sis ! alam mo naman na sad ako ngayon kase nga diba di kame okay ngayon ni sweetipay kaya gusto kong makalimut manlang sa problema ko ngayon" malungkot nga ito base sa itsura ng mukha nito ngayon kaya naman napabuntong hininga nalang ako.
"Sige na nga, basta libre mo ha" sabi ko sakanya na agad naman nyang ikinatuwa
"Oo nga treat kita" sabay akbay nito sa balikat ko at masayang masaya na inakay ako palabas ng hallway.
Papalabas kame ng hallway ng biglang sumulpot si Faye.
"Oy Faye! bat bigla ka nalang nawala kanina?" tanong ni Neng dito kitang kita ko na namumutla sya at parang wala sa sarili kaya naman nagaalala na talaga ako sakanya
"Faye may problema ka ba, sa totoo lang nagaalala na talaga ako sayo ano ba kase yun at hindi mo masabe saamin ? Baka makatulong kame bilang kaibigan mo Faye" pagaalalang sabi ko sakanya na mas lalo namang ikinalaki ng mata ko ng umiyak sya sa harapan namen ni Neng.
"Faye bakit ka umiiyak? Ano ba talaga ang nangyare ?nagaalala na rin na tanong ni Neng.
" Ahm a-ano kase masama talaga pakiramdam ko" bakas sa boses nito ang kaba pero hindi ako kumbinsido sa rason nya alam kong may dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.
"h-ha?Nako Faye sobrang sakit ba?? gusto mo ba dalhin kana namin sa ospital, namumutla kana din" natatarantang sabi ni Neng habang sinipat sipat pa neto ang ulo at leeg ni Faye agad naman na umiwas ito.
"H-hindi na kailangan mawawala din to tsaka pasensya na kayo kanina ah kung nawala ako bigla nakaramdam kase ako ng sakit ng tyan kaya pumunta ako ng cr". pagpapaliwanag nito sa amin dahil sa pagiwan nya kanina lang ngunit hindi pa rin ako talaga ako kumbinsido sa inaakto nya tahimik kong pinagmamasdan ang bawat galaw nya
" Alam mo mabuti pa sumama ka nalang sa amin ni Ekang kaen tayo sa labas treat ko! sa Mall nalang tayo gumala!" ngiting ngiti na anyaya nito kay Faye
"Oo nga, sumama kana. Pero kung hindi mo pa kaya magpahinga ka nalang muna hatid ka nalang namen pauwi" sabi ko sakanya
"Ah sasama nalang ako medyo okay naman na pakiramdam ko e tsaka gutom lang siguro to kaya tara na!" masiglang yakag nito saamin ngunit bakas pa rin sa mukha nito na may pinoproblema nga talaga sya.
"okay, lets goooooooo!" sabay akbay saamin ni Neng na ikinatawa nalang namin at sabay sabay kaming lumabas na ng hallway.
HALOS naubos na ni Neng ang isang bucket ng fried chicken at hindi pa ito nakuntento nilantakan din nya ang large fries sarap na sarap itong kumakaen habang dinidip pa nya ang fries sa sundae.
"Neng di naman halata na matakaw ka noh" natatawang sabi ni Faye habang nginunguya ang aloha burger sabay sipsip ng kanyang cokefloat.
Natatawa nalang akong napatingin kay Neng na nilalantakan naman ngayon ang aloha burger
"oy Neng akala ko ba treat mo kame e mukhang ayaw mo na kame bigyan ah! magtira ka naman!" sabi ni Faye na nakabusangot na ngayon ang mukha dahil naunahan sya ni Neng sa aloha burger nya dalawa pinaorder nya dito kase favorite nya ang aloha burger kaya naman halos di ma maipinta ang mukha nito habang nakatingin kay Neng na nilalantakan ang aloha burger nya.
"Nagorder pa ako Sis, wait ka lang parating na yun" sabi sabay kagat sa aloha burger na may pangaasar, inirapan naman sya ni Faye na walang nagawa kundi inumin ang cokefloat.
"Oy Ekang ang bagal mo kumaen kanina pa yang spaghetti mo mukhang di mo naman ginagalaw tsaka yang float mo tunaw na yung cream sa top". sabi ni Faye na napansin pala neto na hindi ko masyado ginagalaw ang pagkaen ko.
"Medyo busog pa kase ako pero dont worry uubusin ko to" ngiti kong sabi sakanya
"luh madami pa naman ako inorder ulit!" sabi ni Neng na napahinto sa pagkain ng burger
Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang inorder ni Neng na pagkaen.
"Excuse me Maam, here's your order" magiliw na sabi ng waitress.
Nanlaki ang mga mata ko sa dami ng order ng kaibigan ko jusko mauubos ba namen to?! Isang bucket of chicken joy, limang piraso ng aloha burger limang piraso ng tuna pie tatlong choco sundae at isang pan ng jolly spaghetti LANG NAMAN ANG INORDER NYA!
"T-teka ibibitay na ba tayo ito na ba yung sinasabi nilang last meal?! Grabe ka Neng andami naman ng inorder mo e tatlo lang naman tayo!" halos pasigaw kong sabi kay Neng na parang wala lang sakanya ang paghihesterikal ko.
"Nagtaka ka pa e mala dinasour ata bituka nyan!" pasinghal naman nitong si Faye.
"shut up mga sis! ngayon lang ulit ako nakapag jollibee noh kumaen na nga lang kayo!" pasigaw naman na sagot ni Neng buti nalang maingay at madaming tao dito sa loob ng jollibee kaya hindi kame masyadong pansinin kahit magsisigawan pa kame dito.
Napailing nalang si Faye habang binubuksan ang wrapper ng burger maging ako ay nabuntong hininga nalang ng malalim at iiling iling na tiningnan si Neng, kinuha ko ang tuna pie at takam ko itong tinikman hmm not bad masarap sya.
Maya maya pa ay napansin kong tahimik si Faye at parang may tinitingnan sya mula sa likuran ko kaya naman sinundan ko ito ng tingin at doon ko nga nakita ang mga taong kanina pang pinagmamasdan ni Faye ang bagong transferee at si Maica na tiga kabilang section.
"Diba si Maica yun, hala kasama nya si pogiii!" mahinang tili ni Neng akala ko naman ay focus sya sa pagkaen pero matinik din pala to
"Siguro boyfriend nyan ni Maica si transferee" sabi ko habang nakatingin sa kanila na masayang nagkwekwentuhan habang kumakaen.
"Diba may rumor sa school naten na girlfriend sya ni Alvin?" sabi ni Neng na ikinabigla ko naman at agad akong napalingon sakanya
"Saan mo naman nalaman ang chismis na yan?" seryosong tanong ko sakanya
"Duh, syempre sa school, san pa ba? alam mo naman mga estudyante doon ay updated sa buhay ng iba hindi ako kasali don ah sadyang narinig ko lang na naguusap yung mga babae na tiga kabilang seksyon marahil ay kaklase iyon ni Maica". sabi nito habang pasimpleng nakatanaw sa dalawa.
" Kung ganon baka hindi nga nya boyfriend si Alvin". Mahinang sabi ko kay Neng.
"asus umaasa ! pero kung boyfriend nya nga si Alvin tapos kadate nya itong si pogi ay nako sis! isa syang dakilang malantod kase biruin mo pagsabayin ba naman ang dalawang hottie tsk ! kunwari mahinhin pero malantod" napapailing pa ito habang pinapapak ang fries na kanina pa nyang nilalantakan.
"Siguro mabuti pa umalis na tayo dito gusto ko ng maglibot libot dito sa mall ipatake out mo nalang mga yan" sabi ni Faye na tila naiirita at masama na naman ang itsura ng mukha.
"Mabuti pa nga Neng, gusto ko na din mag window shopping" sabi ko habang inuunat unat ko pa ang katawan ko sa pagkakaupo.
"Osige na nga" agad nitong payag at tinawag na ang waiter para ipatake out nalang ang mga natirang pagkaen.
Maya maya pa ay lumabas na kame ng jollibee at pumasok na ng entrance ng mall namiss ko din ang pumunta ng mall mahigit limang buwan na yata akong di nakapunta dito kaya naman naexcite ako ngayon lalo na at kasama ko ang dalawang kaibigan ko na todo kung kumapit sa braso ko nasa kaliwa ko si Faye at kanan ko naman si Neng kaya naman ako ang napapagitnaan nila kaya naman halos hindi na ako makagalaw dahil sa kanilang dalawa na kontodo kung kumapit sa braso ko.
"bumabaha ba??kung makakapit kayo saken para namang rumaragasa yung tubig dito sa mall" sabi ko sakanila na agad naman nilang ikinatawa
"pasensya na sis, akala kase namen poste ka" sabay hagalpak ng tawa si Neng
"tse! may poste bang may curve??" sabay irap ko dito
"Edi ikaw na ang pinagpala" sagot naman ni Faye at inirapan nalang din ako ni Neng aminado naman kase silang maganda hubog ng katawan ko.
"Daan tayo ng watsons may bibilhin lang ako" sabi ni faye
"osige tara tamang tama bibili rin ako ng skincare ko" sagot ni Neng
"Ako din bibilhan ko si Nanay ng pabango" pagsangayon ko sakanila at sumakay na kame ng elevator paakyat ng second floor.
Nang makarating na ay pumasok na kame sa loob ng watsons.
"Mahihirapan na naman akong mamili neto andaming skincare products, ano kaya ang bibilhin ko? hmm ito kaya? o ito nalang ? pero mukhang mas maganda itong isa pero itong isa may spf hays! ano bayan ang hirap naman neto,bilhin ko na kaya lahat to?" sabay tingin saken na kanina lang ay hindi magkandaugaga sa kakapili kung ano ang bibilhin nya
"A-e, ano ikaw bahala hmm ganito nalang ano ba mga importante na skincare ang kakailanganin mo? para hindi ka mahirapan sa kakapili" suhestyon ko sakanya.
"Ekang halika dito" pasigaw nitong tawag saken nagtaka naman akong lumapit sakanya
"bakit?" takang tanong ko nong makalapit na ako sakanya
"try mo tong shades ng color ng liptint, bagay to sayo for sure" kinikilig pa nitong sabi habang pinapakita saken ang liptint na hawal nya parang kulay dark red na parang maroon ang shades ng color neto
"H-ha sure ka ba na babagay to saken? " paninigurado ko sakanya
"Oo nga, bagay to sayo lalo maputi ka' lika tatry naten sa lips mo" kokontra pa sana ako kaso wala na kong nagawa ng malagyan na nya ang lips ko napapikit nalang ako sa ginawa nya
"Odiba sabi ko sayo e bagay na bagay nga! look oh" sabay hawak neto sa dalawang braso ko at iniharap ako sa isang salamin napa O yung bibig ko ng makita ko ang itsura ko sa salamin totoo nga sinabe nya na bagay saken ang shades na to.
"Hala sis, bagay nga saken" tuwang tuwang sabi ko sakanya habang umawra awra pa ko sa salamin todo pout pa ako kase finefeel ko talaga ang liptint na to sa nguso ko
"I told you" pangiti ngiti netong sabi habang tinitingnan nya din ako sa repleksyon ng salamin
Dahil natuwa ako sa lipstint na ito ay bibilhin ko na rin kaso naloka ako sa presyo ang MAHAL! Si Liza Soberano pa man din ang nakalagay sa cover neto! five hundred pesos lang ang dala kong pera bukod sa pamasahe ko napabuntong hininga nalang ako na lalago lagong ibinalik ang liptint sa lalagyan nya na agad namang napansin ni faye.
"Oy! bat mo ibinalik? " pasigaw netong tanong saken habang nanlalaki ang matang nakatingin sa itsura ko
"Mahal kase E, tsaka na siguro kapag may pera na ako yung pera ko kase dito pambili kong pabango para kay Nanay" paliwanag ko naman sakanya
"Sino bang maysabi na ikaw ang magbabayad neto, akina nga yan!" sabay hablot nito sa kamay ko ,ngumiti pa ito saken ng nakakaloko bago ako tinalikuran at naglakad papuntang counter.
Hindi na lamang ako umimik at tangang sinundan ko sya sa counter.
"Miss isama mo na rin to" sabay abot ng liptint neto sa kahera, inabot naman neto ng kahera at pinunch na.
"Salamat Faye ah pag nagkapera ako babayaran nalang kita" sabi ko habang tinutulungan sya sa iba pang mga item na binili nya
"Hindi mo kelangan bayaran yun, gift ko yon para sayo basta gamitin mo yun ah kase bagay na bagay talaga sayo" ngiting sabi neto saken
"Bale 4,375.65 po lahat maam" sabi ng kahera kay Faye na agad naman nanlaki ang mata ko dahil sa laki ng bill nya.
"Okay here" at inabot neto ang credit card sa kahera na niswipe naman kaagad neto.
"Ang mamahal pala ng mga pinamili mo Faye" sabi ko sakanya habang sinisilip ko pa ibang mga pinamili nya sa loob ng plastik.
"Konti pa nga yan e, actually wala pa sa kalahati ang mga yan" medyo maangas na sabi neto
"Wow, iba talaga pagka mayaman!" napailing iling nalang ako sakanya na ikinatawa na lamang nya
"Mga sis! tulungan nyo nga ako dito, ang bigat e" pasigaw na sabi ni Neng na halos hindi na magkamayaw sa bitbit nyang dalawang basket na punong puno ng mga item.
"Andami mo namang skincare!" sabi ni Faye papalapit sakanya at binuhat ang isa pang basket at kinuha ko naman ang isa pang malaking lotion na nakaipit sa kilikili nya.
"Hindi lang saken to noh!tsaka ang hirap mamili lalo na kung kulay pink ay nako ang sarap bilhin " at inilapag ang dala dalang basket sa counter
"para kanino ba iyang iba mong mga pinamili?" tanong ni Faye kay Neng
"Kay Ekang!" kibit balikat nitong sabi at inisa isa nang inilabas ang mga item sa basket
"Saken?" sabay turo ko sa sarili ko na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakanya
"Oo para naman mas gumanda ka pa Ekang, need mo rin magayos noh sayang yang beauty at katawan mo kung tatamad tamad kang magayos" sabi neto saken na mas ikinapinagtataka ko
"bakit kailangan kong magayos e okay naman suot ko ah naliligo naman ako araw araw" sabi ko sakanya
"Naliligo ka nga tamad ka naman magsuklay ni maglagay ng light make up sa mukha wala ni lipstick nga o cheektint sa pisngi wala e maganda ka sana kaso tamad kang magayos"! napipi nalang ako at nahihiyang napakamot sa ulo kase tama nga naman si Neng tamad talaga ako magayos, napatingin ako kay Faye na tatango tango pa sa sinabi ni Neng.
"para magkajowa kana din Ekang" kinikilig pa netong sabi
"para magkajowa kana din Ekang" kinikilig pa netong sabi
"bat ako ? e wala pa sa bokabularyo ko ang magkajowa noh! e bakit hindi itong si Faye ang pagjowain mo" sabay irap ko kay Neng na ikinangisi lang nya
"Sus! pag si Alvin ba ang manligaw sayo aarte ka pa ba?" nakangising tanong neto saken na ikinatahimik ko naman.
Napaisip ako sa sinabe ni Neng paano kung ligawan nya ako jojowain ko kaya? pero imposibleng mangyari yon pero kung posible man ay hindi na ako papakipot noh! pero imposible pa din kase nga langit sya lupa ako ayshhh kaloka! ang hirap naman MAINLOVE!