Episode 1
"Ekang! ano ba papasok ka ba o matutulog ka nalang dyan maghapon!?"
Rinig kong sigaw ng nanay mula sa kusina ewan ko ba kung bakit tamad na tamad akong kumilos ngayon kanina pang dilat ang mga mata ko pero mas gusto ko lang nakahilata sa higaan ko at mag muni muni iniisip ko kung bakit napakabilis lang ng bakasyon samantalang pag pasukan na ang bagal bagal ng panahon.
"Eeekang!" sigaw ulit ng nanay ko.
Si Nanay talaga kahit kailan napakaano e
"Andyan na ho Nay!" Inis akong bumangon sa higaan at inayos ito tsaka ako lumabas ng kwarto.
"Nay naman e. Ang aga pa kaya ! Alas otso pa pasok ko" paghihimutok ko dito pagdating ko ng kusina.
"Mabuti ng maaga kesa malate ka noh! Osya umupo kana at kumaen inumin mo itong kape habang mainit pa!"
sabi nito habang inaayos ang mga pagkaen sa lamesa na niluto nya
"Nay naman ala sais trenta palang kaloka ka" tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding
"tsaka nay wag mo nga akong tawagin na Ekang may pangalan ako noh MEGAN PO!" umupo ako at sinimsim ang kape
"Sows di ka pa ba nasanay? e halos lahat ng mga kaklase mo tawag sayo EKANG!" Sabay dilat ng mata nito saken habang pinapagpag ang apron na suot suot at umupo sa harapan nya.
Sabagay halos lahat tawag saken ng mga kaklase ko ay Ekang eversince tsk nakakainis kaya keganda ganda ng pangalan ko tapos tatawagin lang nila akong Ekang ang BANTOT!
Tahimik na lamang akong inabot ang fried rice hatdog at tocinong n***o na especiality na ata ito ni Nanay nung una ayaw ko pa pero nung tumagal nasarapan na ko inferness naman kase mas malasa sya kapag tutong lalo na yung mga gilid nito hmmYum! agad ko itong nilantakan.
Napatingin din ako kay nanay na tahimik ng nginunguya ang daing na pusit na binabad nito sa suka nangasim tuloy ako bigla.
Sarap na sarap ako sa kinakaen ko ng biglang magsalita si Nanay
"Nak, ano bang kurso kukunin mo? ngayon na 3rd year highschool kana dapat pagisipan mo na kung anong gusto mong kurso para mapagiponan ng nanay". Seryosong tanong nito
" hmm di ko pa alam Nay e, tsaka nalang siguro kapag 4th year na ako tsaka matagal pa naman ho yun Nay" sagot ko dito habang ninanamnam ko ang tocinong negro
Sa totoo lang ay wala akong gusto o pangarap manlang na kurso sa tamad kong to at di rin ako katalinuhan ay hindi pumasok sa isip ko ang kolehiyo haysst bahala na si Batman tsaka ko nalang pagiisipan yan kapag 4th year na ako.
"buurpp" napadighay ako sa kabusugan pano naman kase ang sarap kumaen e buti nalang wala akong bilbil napupunta yata lahat sa balakang at hita ko kaya nga inggit na inggit saken mga kaibigan ko dahil maganda daw ang hubog ng katawan ko yun nga lang hindi daw ako kagandahan kase di daw ako palaayos totoo naman yun kahit nga magsuklay ng buhok ko e tinatamad ako.
"Maligo kana, ako ng bahala magligpit at maghugas dito bilisan mo kumilos wag kang pakupad kupad dyan!" sabi nito habang nililipat ang tirang ulam sa mangkok.
"tsk! oo na po" tumayo na ako at naglakad paakyat ng hagdan papuntang kwarto may sarili kase akong banyo sa kwarto kaya naman hindi hassle para saken ang maligo.
Tapos na akong maligo at sinuot na ang uniform ko, kulay puting blouse ito na hanggang braso ang manggas at may kulay maroon na laso sa gitna at palda naman ang pambaba na hanggang tuhod ang haba nito stripe na maroon ang kulay nito.
Humarap ako sa salamin at inayos ang suot kong uniporme at nagsuklay ng buhok nang okay na ako sa ayos ko ay sunod ko naman na inayos ay ang mga gamit ko na dadalhin sa School nakalimutan ko kase itong ayusin kahapon dahil sa kapanonood ko ng tv, habang nilalagay ko sa bag ang mga notebook na bagong bili ni Nanay nong nakaraang linggo ay biglang nagring ang Phone ko kaya naman ay maingat ko itong kinuha sa table cabinet malapit sa paahan ng higaan ko bigay pa to saken ng Nanay noong nakaraang birthday ko kaya naman pinaka iningat ingatan ko ito sa lahat ng gamit ko.
"hello?" sagot ko agad sa tumatawag
"Eekang! Asan kana ba? wag mong sabihing 1st day of being 3rd year highschool mo ay malilate ka?! O baka naman -oh no ! wag mong sabihin na aabsen-"
"Otw na ko! wag kang magalala"! pasigaw kong sabi sa kaibigan kong praning sa kabilang linya at pinatayan ko na kagaad bago pa man umusok ang ilong nito.
Pababa na ako ng hagdan at nagmamadaling nagpaalam kay nanay.
" Nay, alis na po ako!" sabi ko dito at nagmano
"kaawan ka ng diyos anak, ingat ka sa daan ito nga pala baon mo" dali dali nitong kinuha ang pera sa pitaka at inabot saken.
"salamat po Nay" kinuha ko ang pera at tumalikod na palabas ng pinto.
Sa labas na ako ng gate at nagaantay ng sasakyang jeep papuntang School ngunit halos limang minuto na yata ako dito ay wala pa din nadaan na jeep nako mukhang malalate pa ata ako
Maya maya pa ay may dumating na jeep pinara ko ito buti nalang hindi ganoon kadami ang mga nakasakay kaya naman pinarahan ako nito.
"Manong bayad po, Bacacan School lang ho" inabot naman kaagad nito ang bayad ko.
Sa kamalas malasan nga naman kung bakit ang nakatabi ko pa ay AMBAHO NG HININGA! putek hindi pa nga nagsisimula ang klase ay hilong hilo na ako dahil sa amoy ng hininga nito,husko nakanganga pa man din ito habang tulog at sa kamalas malasan ko nga ulit ay biglang nagpreno ang jeep kaya naman napasubsob ang mukha nito sa BALIKAT KO! Huminga ako ng malalim at pinipilit kong ikalma ang sarili napapikit nalang ako sa inis kaya naman ng makabwelo ako ay agad akong umusog sa kinauupuan ko na sya namang napahiga at nasubsob ang mukha sa upuan ng jeep nagising ito at pagalit na umupo ng maayos sabay tingin saken. Bigla naman akong kinabahan at natakot kaya naman hindi ko nalang pinansin ang mga titig nito saken na nakakatakot! pero bakit ako matatakot e sya naman itong may kasalanan kahit sino naman yata ay gagawin yon tapos mabaho pa ang hininga mukhang di nagsipilyo ng isang buwan ang amoy,YUCK! tsk hindi ako natatakot dapat pa nga sya ang magsorry noh kaya naman ay tinapatan ko din ng titig ito ngunit nabigla ako ng mapansin kong nakatitig ito sa bandang dibdib ko sabay kagat labi napayakap tuloy ako sa bag ko eeww! mas naging CREEPY! MABAHO NA NGA ANG HININGA m******s PA! kaya naman ng mapansin ko na malapit na ako sa School ay agad akong pumara at dali daling bumaba ng jeep.
Lakad takbo ang eksena ko tuloy ngayon pawis na pawis na ako at alam kong pati singit ko ay pawisan na din nagpalingon lingon pa ko sa likuran ko mahirap na baka sumunod ang m******s na yon kaya naman napangiti ako ng nasa gate na ako ng School sa wakas ay nakarating din woh!
Pagkapasok ko palang ng gate ay agad akong nagpalingon lingon kakahanap sa kaibigan kong praning at yun nga di ako nagkamali salubong ang mga kilay nito at nakabusangot ang mukha
"Ano ba naman yan Neng!Ang aga aga mukhang nakipagaway ka na naman sa jowa mo!" agad kong bati dito.
"Correction lang ah bati kami ng sweetipay ko! kaya lang naman ganito ang mukha ko dahil pinagantay mo lang naman ako ng 48 minutes at 36 seconds!" sabay tingin pa ito sa kanyang relo na kulay pink di naman halatang masyadong girly itong frenny ko bukod sa pink na bag pink na case ng phone kulay pink na ipit sa buhok pink na pitaka at pink lipstick ay puro pink din ang panties nito kulang nalang pati sapatos at uniporme nito ay gawin din nyang kulay PINK! Minsan nga ay masakit na sa mata.
"Sori ah! nahiya tuloy ako sayo bigla di naman ako nainform na kailangan magkasama ang magkaibigan papuntang classroom"! pangaasar ko dito
" ikaw na nga itong inantay ikaw pa tong may ganang magmaldita,hmp!" irap neto saken at nauna ng maglakad
"Oy Neng biro lang! hehe anong gusto mo kainin mamaya sa canteen libre ko" pagaalo ko sa kaibigan kong pikunin na agad naman itong napangiti ng marining ang salitang LIBRE kumapit naman ito kaagad sa braso ko na ngiting ngiti tsk basta talaga paglibre biglang nagiging linta to e kung makakapit sa braso ko kala mo naman nalusong kame sa baha
Nasa kalagitnaan na kame ng paglalakad papuntang classroom ng mapansin kong wala pa din si Faye nakakapagtaka naman dahil wala pa din ito hanggang ngayon samantalang hindi yun nalalate.
"Neng wala pa din si Faye, pansin mo? di naman nalalate yun ah" tanong ko dito na hanggang ngayon ay nakakapit pa din sa braso ko
"Papasok daw sya sabi nya saken sa text yun nga lang malalate sya ng konti kase may emergency daw sa bahay nila!" paliwanag nito saken
"ahh anong emergency naman kaya yun?" takang tanong ko
"Diko rin alam e wala naman syang binanggit basta yun lang text nya saken na malalate daw sya di naman nya nireplyan tanong ko kung bakit" sabi pa nito habang nakatingin pa sa phone nya
"Look oh! so cute diba bigay to saken ni sweetipay" kilig pang sabi nito habang pinagmamasdan ang nakasabit sa phone nya maganda nga ito hugis bead na crystal kulay pink ito at may glitter pa ang pinakagitna.
"Maganda nga! sus Spoiled ka talaga ng sweetipay mo ah" ngiting sabi ko dito kase totoo naman talagang spoiled itong kaibigan ko sa jowa nya kulang na nga lang ay bigyan sya nito ng bahay at lupa.
"Oo naman noh, ang sarap kayang mainlab try mo din frenny" pangisi ngisi pa itong nakatingin saken
"Tsk! di na noh sasakit lang ulo ko nyan tsaka wala akong balak magkajowa sa ngayon kase nga -"
"sus ! pag crushie mo ba nanligaw sayo magiging choosy ka pa ba? kunwari ka pa dyan baka magtititili ka pa sa kilig " pagputol nito sa sasabihin ko
Napailing nalang ako sa kaibigan ko kahit kelan talaga mapangasar! napaisip tuloy ako sa sinabe nya pano kung manligaw nga si crushie agad ko naman iwinasiwas ang ulo ko sa naisip dahil alam kong malaking IMPOSIBLE na magkagusto saken yun dahil bukod sa gwapo at talented ay mayaman din ito balita ko pa nga ay meron na itong girlfriend. TSK!
Papasok na kame ng classroom ng biglang may umakbay samen sa likod
"hey guys!" ngiting bati nito samen mukhang maganda rin ang mood neto
"Oy Faye! buti nakahabol ka kala ko pa naman malalate ka ano ba kasing nangyari at may emergency sainyo?" tanong kaagad ni Neng kay faye ako naman ay tahimik lang na nakaantay sa isasagot nya samen.
"ahm ano kase e hindi ko pa kayang sabihin sainyo sa ngayon pero kapag okay na ang lahat malalaman nyo din naman" sabi nito na nahihiya pang ngumiti
Nakapagtataka naman itong si Faye parang napaka sekreto non kaya kailangan nya talagang ikeep kahit sa amin ni Neng
"ah okay" sabi ko nalang at si Neng naman ay hindi na nangulit pa
Sa pintuan palang kame ng classroom ay rinig na rinig na ko na ang ingay ng mga kaklase ko halatang may mga kanya kanyang usapan at pagpupulong
"Sweetipay!" sigaw ni Neng sa kanyang jowa na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kabarkada nito na agad naman itong lumingon at kumaway pa sa amin
"Oy sweetipay! " naglakad ako papunta sa direksyon ni Neng at hinalikan ito sa noo ito namang frenny namen halos namimilipit na ata sa sobrang kilig di mo maintindihan kung naiihi ba ito o natatae lang.
"Ano ka ba baka may nakakita sa ginawa mo" malanding sabi nito na may pahampas pa ng braso na nalalaman sa jowa nya tsk kunwari pa e gustong gusto naman nya DUH!
"Tingnan mo tong si Neng kung makapaglampungan sa jowa akala mo di sila nagkita kahapon" pailing iling pang sabi ni Faye
Lagi naman silang nagkikita kahit pa nong bakasyon halos parati silang magkasama dahil post sila ng post sa sss ng picture nila na magkasama
"hayaan nalang naten si Neng, ang swerte nya noh halata naman na mahal na mahal sya ng sweetipay nya" hindi ko namamalayan na masaya ko na pala silang pinagmamasdan
"Sus ang korni kaya! pero kunsabagay maswerte nga sya nakatagpo sya ng lalaking nagmahahal sakanya pero sana lang wag nyang lolokohin si Neng dahil hindi lang sinturon ni hudas ang ipamamalo ko sakanya hmp!" may pakampay pa ito ng kamay kaya natatawa na lamang akong napaupo sa chair ko malapit sa may bintana mas gusto ko kasi dito dahil natatanaw ko ang mini garden ng school malinis at sari saring makukulay na bulaklak kaya naman naaliw akong pagmasdan ito.
Maya maya pa ay dumating na ang English teacher namen ito kase ang unang subject ngayong umaga tsk! pambihira naman oh mukhang dudugo ilong ko neto umagang umaga e pagmamaktol ko sa isip ko pano naman kase bawal kaming magtagalog kaloka!
"Okay class please have a seat" sabi nito habang may binubuklat na mga papel diko alam kung ano yun basta mga papel
"Im your english teacher Ms. Levana Asuncion" pagpapakilala neto samen mukha namang okay tong si maam hindi ganon kasungit at hindi rin ganon kabait sakto lang.
"By the way we have a new transferee from Concepcion high school please be nice to him" at tumingin ito sa direksyon ng pintuan ng classroom at lumabas naman doon ang isang matangkad na lalaki ang linis nitong tingnan sa suot nyang uniporme
"Hi Im Al Lie Hanseko, just call me Al" tumango ito at ngumiti ng bongga
"HOLYSHIT! Spell the word GWAPO!"tili ni student girl 1
Duhh spelling lang ng gwapo e sisiw lang saken yun noh dali dali naman ng pinapa spelling nya tsk pinagmasdan ko ang mukha nya maputi at makinis ito mukhang alaga sa derma makapal at mahahaba ang pilikmata matangos ang ilong at heart shape ang lips nito hindi lang yon ah RED LIPS PAH! Mukhang maraming mababaliw sa lalaking to but NOT ME!
" aaaahh kuya pakissss"! sigaw ng maharot na student girl 2
"Marry me POGiiiiih" sigaw ni malantod student girl 3
"for sure magiging jowa ko to ahhhh" sigaw ni feelingerang student girl 4
Ano ba yan ako na lang ang nahihiya para sa mga kaklase kong babae uso naman maging DALAGANG PILIPINA YEAH!
Luh pati itong si Faye ay nakitili na din don ko lang napansin na magkatabi kame sa upuan
"Enough girls! Mr Hanseko you may sit now" saway ni Ms Levana buti nga tsk ang iingay e agad naman itong naglakad papunta sa bakanteng upuan.
"CHUPAPIII" sigaw ng kaklase kong baklita na ayaw paawat.
Napuno ng tawanan ang buong classroom
------------
"frenny anong gagawin ko?!di sinasagot ni sweetipay mga tawag at text ko ano bang dapat kong gawin para mapatawad nya koh!" halos naiiyak na si Neng
Kaya naman pala tahimik ito habang papunta kame ng canteen yun pala ay may war sila ng sweetipay nya.
"bakit?ano ba ang nangyare?" pagusisa ni Faye.
"Pano kase napatili ako kanina don sa bagong guy na transferee kaya ayon nagalit sya at umalis pero pramis d-diko sinasadya yon nadala lang ako sa mga kaklase naten" . paliwanag neto saamin
"As if naman na maniniwala kame sayo" nginisian ko pa ito ng todo na ngayon ay masama na ang tingin saken
"O-ona pero slight lang naman kase diba gwapo naman talaga sya tapos lakas pa ng appeal!" halatang di mapigil ang kilig base sa reaksyon ng mukha neto.
"Nako kahit ako naman na jowa mo ay talagang magagalit ako" kibit balikat nitong sabi habang nilalantakan ang carbonara na order nya.
"hala anong gagawin ko mga frenny, help me naman oh" pagsusumamo neto saamin dalawa
"Hindi ka namen matutulungan pagdating dyan Neng ang mabuti pa siguro ay bigyan mo muna sya ng time ngayon tapos bukas mo suyuin ng suyuin pwede rin dalhan mo sya ng cookies o kaya naman ayain mong mag momol tiyak di makakatangi yun" pagmamalaki pang suhestyon ni Faye
"Oo nga noh! ang bright talaga ng idea mo faye! Panigurado di yun makakatangi sa beauty ko!" sabay flip ng kanyang buhok at nilantakan na ang kanyang sandwich natatawa nalang ako sa dalawang to iba talaga ang tama ng mga to
"Oy Ekang" sabay sundot saken sa tagiliran ni Neng.
Napansin kong may mga nagsisitilian pero hindi ko ito nilingunan dahil ang atensyon ko ay nasa pagkaen tsaka sanay na ako sakanila may tawag nga ako sa kanila e The TILI GIRLS WAHAHA
"Ano ba yun?" tanong ko sakanya habang panay pa din ang lamon ko ng pagkaen sarap na sarap ako sa kinakaen kong burger at sinasabayan ko pa ito ng fries.
"Si Alvin yung crushie mo" bulong saken ni Neng na ikinabigla ko naman kaya napatigil ako sa pagkagat ko ng burger nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong sa may table namen sya nakatitig grabe diko mapigilan ang mas humanga pa sakanya mas pomogi kase ito at mas nagmatured ang itsura na mas bumagay ito sakanya.
"ehem excuse me lang ah bigla yata akong nakaramdam ng sakit ng tiyan natatae yata ako saglit lang ah mag c-cr lang ako" dali dali itong lumisan at lumabas ng canteen
"Anyare don namumutla?parang nakakita yata ng multo" takang tanong ni Neng saakin
"Diko rin alam e baka nga natatae na sya" kibit balikat kong sagot sakanya tiningnan ko ang direksyon ni Alvin ngunit wala na ito kaya naman bigla ako nakaramdam ng lungkot dahil saglit ko lang syang nakita pero ok na din yun saken.
"Weird" mukhang di pa rin makapaniwala si Neng sa kakaibang rason ni Faye kanina tsk weirdo na ba kung natatae si faye kaya nagmamadali itong lumabas ng canteen hayss hindi ko nalang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lamang ang naudlot kong pagkagat sa burger kanina owYUMMY!