Natapos na rin ang akin vacation leave. Balik trabaho na ulit ako. Haist ang bilis talaga ng araw, ang bilis lang matapos ang dalawang linggo namiss ko na rin sina mama at Papa. Hindi na rin ako nakapag paalam pa kay Alliyah nag chat na lamang ako at na intindihan naman ng aking kaibigan dahil alam nito ang klase ng aking trabaho. Mag ingat na lang raw ako dahil medyo busy rin ito dahil next week ay pupunta na silang mag asawa sa Germany kung saan bisitahin ang tatay ni jayson.
"Hmmm, kamusta naman ang galing sa vacation leave? Tanong ng kasamahan ko sa trabaho at close friend ko rin na si Selena.
"Ayos lang naman, medyo bitin nga e! pero need na bumalik ulit eh, alam mo naman si boss, kapag iyon ang nag binigay ng vacation, dapat andito na pag katapos ng vacation leave na ibinigay, kapag wala alam mo na ang mag yayari sigurado isang katutak na sermon ang aabutin ko! Natatawang wika niya.”
“Ay sinabi mo pa! Yung hindi nga lang ako nakapasok ng isang araw dahil na pagod ako sa byahe, aba pag pasok ko kinabukasan sermon ang inabot ko!! Pag kwento nito sa akin.”
"O diba, kaya need agad bumalik para iwas sabon ng dragon! Ani pa niya.”
"Korek dai!"
"Ma iba ako, Ano may nakita o nakilala ka bang boy'let noong nag bakasyon ka sa inyo!? Pabulong na tanong nito sa akin.”
“Nako!! Wala no! Ang inatupag ko lang habang nag vacation ako, ay ang mag bungkal ng mga lupa sa amin garden at mag tanim ng mga halaman yun lang, Nag relax talaga akong mabuti para sa pag balik dito sa trabaho ay may pumasok sa utak ko mahirap ang pinapagawa ni boss na gagawin movie at shows.”
“Kaya nga bruha grabe toxic ang inabot namin talaga kay Boss Connor, kailangan daw yun magiging FL natin medyo, kwela ngayon at ang ML ay may pag ka masungit ganon daw ang gusto ni boss Connor.!”
Nag kwentuhan pa kami ni Selena bago siya mag pasyang bumalik sa kanyang table ako naman ay nag simula na sa trabaho at nag type na ako sa aking computer para maipasa ko na kay boss Connor kung papasa ba ito sa kanyang pan lasa. Ang hirap din maging writer, akala ng iba madali lang gumawa ng isang kwent na papatok sa panlasa ng pinoy kaya di birong maging isang writer na tulad namin. minsan ay pupunta pa kami sa ibang lugar, upang makapag isip ng isang tema na pwede sa isang movie na gagawin namin tulad na lang nito. Baka sa ibang bansa naman kami mag gawa ng movie kaya kailangan namin pag handaan ito.
"Grabe kakabalik mo lang sa vacation? mukhang kailangan mo na ulit ah mukhang stress kana? Pag sisiyasat sa akin ni Selena.”
“Ang kailangan ko coffee gusto ko na uminom ng kape, dahil sobrang napagod na ko?!”
“Teka nga anong oras na ba? Tanong niya.”
“10:00 Pm na po need na natin umuwi, kapagod ang araw na ito!! Grabe mag pahirap sa atin si boss Connor. Reklamo pa nito sa akin.”
“Tara na nga uwi na tayo, pag aya niya rito. pero bago tayo umuwi kumain muna tayo at mag kape!! Gusto ko talaga ng kape, tara na sa paborito nating coffee shop, libre ko naman! Saad pa niya kay selena.”
“O sige tayo na baka sabihin mo pa hindi ako mabuting kaibigan sabihin mo pa hindi kita sinasamahan eh!!”
“Palusot kapa eh! Talaga naman sasama ka kasi libre, Sita ko rito.”
“Paano mo nalaman!? Natatawang wika nito sa akin.”
“Hmmm ikaw pa!? Kilala na kita kahit bihira tayo, mag kita o mag kasama sa trabaho. Alam kung kuripot ka no!”
“Aray naman dahan-dahan naman sa pag sabi ng kuripot! Hindi ba pwedeng nag titipid lang ang hirap po kasi ng buhay ngayon. Kaya need mag tipid, mariing sagot nito sa akin.”
“Oo na dami mo pa sinasabi eh!! Ililibre naman kita. Sa susunod ha ako naman ang ilibre mo ng coffee.”
"Oo ba! Basta kapag puti ng uwak at pag itim ng tagak! Natatawang wika nito sa akin.”
Inirapan ko lang ito sa sinabi.
“kailan pa kaya mag yayari yon!? Baka wala na ako sa mundo hindi pa umiitim ang tagak at pumuputi ang uwak. JUSKO bakit nagkaroon ako ng mga ganitong kaibigan!?”
Habang kami ay nasa coffee shop ni selena ay nagkwekqentuhan kaming dalawa.
“Ano kamusta ang vacation mo sainyo!? Sana naman sa naging vacation mo ay may nakita ka man lang fafa? Ani nito sa akin.”
"Bumontong-hininga muna ako bago sumagot rito.”
“Meron naman, kaso hindi maganda ang una namin pag kikita eh, pero yun malapit nang matapos ang akin vacation iyon doon lang kami naging mag kaibigan na dalawa, bago nga matapos ang aking leave ay lagi nasa bahay yon.”
"Ma'tanong kita Crush mo ba!? Tanong nito may nakakalukong ngiti sa akin.”
“Hmmm, oo na hindi, ewan!? Sagot ko kay Selena.”
"Ay parang sira naman ito!! Anong klaseng sagot yan? Asar na wika sa akin, ni Selena.”
"Ahh yon ang sagot ko eh! Nako wag na nga yan ang pag usapan natin. Mas okay na ubusin mo na'yan kape mo para makauwi na tayo. Inaantok na ko eh. Pag awat ko sa pag tatanong nito.”
Lumipas pa ang ilan sandali ay nag hiwalay na nga kame ni Selena.
kailangan ko na rin mag pahinga dahil bukas siguradong madaming gawain naman ang itatambak ng aming boss kaya mabuti pa mag pahinga na lang muna.
Aba mukhang ang saya ng akin pinsan ah" puna ni james sa akin.noon isang linggo pa ako na kabalik dito sa Germany, at sa akin company. malaki ang pasalamat ko sa akin pinsan, dahil siya ang naging ceo, nitong nag daan dalawa linggo pag kawala ko. gustohin man niyang, mag stay pa nang matagal ay hindi maari. dahil may sarili rin company pinapatakbo ang kanyang pinsan."
"Mukhang may magandang nang yari sayo? habang nag vacation ka kina kuya Jayson. pag siyasat pa nito sa akin.
mag kwento ka naman, kung ano pinag gagawa mo kina kuya?" Pangungulit pa nito.
"Ngitian ko na lamang ito.
wala naman ako ginawa doon, kundi tulongan si Insan Jayson, sa shop nito. minsan nakakasama ko rin ang mga kaibigan ni Insan. wika pa niya, at ang tanging ginawa ko lang doon, ay mag relax minsan. dagdag na saad pa niya.
"Talaga lang ha! wala ka bang nakilala kahit isang babae man lang, para ma kapag move on kana sa ex mo? mariing na sabi nito.
"hmm. meron naman pero hindi gaano nag tagal ang pag uusap namin. dahil bumalik na ito, sa kanyang trabaho.
"At sino naman ang ma swerteng babae, na kapukaw. sa wasak na puso ng amin pinsan. Ani pa ni James.
napapailing na lamang ako ng maalala ang una nilang pag kikita ni marfa, nag talo pa sila pag katapos hindi inaasahan. ay muli silang nag kita namin dalawa, pero ganon parin. parang n aso't pusa. pa rin kami dalawa, dahil nag talo naman kami sa pangalawang pag kakataon. na pangiti siya ng maalala niya ang dalaga,
"Kung na tandaan mo ang maid honour ni Alliyah?
"Mmm" Oo naman si marfa ang bestfreind ni Ate Alliyah! sagot nito pero bigla lumaki ang mata nito ang napaawang rin ang bibig ng. tumingin sa akin. kung may makakita sa itsura ng kanyang pinsan ay pag tatawanan ito.
"Tsk!! itikom mo nga yan bibig mo baka mamaya sa subrang nganga mo? ay pasukan kana ng langaw. sa subrang gulat.
"Talaga si Marfa" ulit nito.
"Oo nga paulit-ulit tayo?" angal niya sa pinsan.
"Sige na! umalis kana sa office ko. at marami pa ako gagawin. pag tataboy ko sa akin pinsan.
"Ay iba pag katapos nang lahat, tinataboy muna lamang ako? pag dradrama naman nito.
"Wag kana mag emote dyan, pinapalayas lang kita dito sa office ko dahil, need ko na mag trabaho. abala ka!" Pasaring niya rito.
"Sige na nga makalayas na. Pero mamaya sa dating lugar ah hintayin ka namin. Nina Gerald!" Ani pa nang kanya ng pinsan bago tuloyan lumabas ng office niya.