chapter 14

1458 Words
Habang kumakain kaming apat katabi ko si JC sa upuan. Katulad noong una kaming kumain ng magkasama dito sa bahay ay nilagyan naman niya ako ng pag kain sa aking plato kaya sinamaan ko ito ng tingin ngunit ang hudyo ay nginitian lamang ako. “Hoy, Hindi ko sinabi lagyan mo ako ng pag kain sa plato ko, hindi ko yan mauubos!! Alam mo naman, katatapos lang natin mag meryenda busog pa ako. Mariing saway ko rito.” “Ubusin mo yan kaya ang payat mo hindi ka kasi kumakain ng marami!! Ang sarap pa naman ng mga luto ni tita! Sagot naman ng lalaki sa akin.” Grabe hindi ko akalain na makulit pala ang lalaking ito. “Alam mo ang kulit mo pa nga no!?” Nag kibit balikat lamag ito sa akin, habang pinag patuloy na sa pag kain nito. "Anak sure na ba ang balik mo sa trabaho mo? tanong ni papa kaya napatingin ako sa gawi nito.” "Opo pa, Nag email na rin po ang boss ko, Marami ho kami ngayon project sa office namin na kailangan tapusin kaya, need ko na po bumalik sa trabaho. Malumanay na sagot uli niya.” Bumontong-hininga muna ang ama niya. “Maiiwan naman pala kami ng mama mo dito sa bahay.” Ani pa ni Papa sa akin. "Pa/Ma, Kapag may Off po ako uuwi ho ako dito sa atin. Saka kapag hindi po masyado busy sa trabaho. Saad ko na lang sa akin magulang.” “Hays, wala naman kami magagawa ng mama mo! Ang hiling ko na lang talaga, ay mag asawa kana para naman tumigil kana sa iyong trabaho anak, At mabigyan mo na kami ng Apo. Dahil hindi kami pabata ng iyong Ina, tumatanda na kami, turan pa ng kanyang Papa.” “Nako JC kapag sinagot ka nitong anak ko ay pakasalan mo na agad ha!? dagdag na saad nila kay JC.” Nasamid ako sa aking narinig sakto umiinom ako ng tubig, nang mag salita si papa. “Jusko naman!! Hindi nga naliligaw saakin yung tao kung makapag sabi ng ganon si papa hays nakakahiya! Saad ng isipan niya.” “Pa sinabi ko na nga po hindi ako nililigawan ni JC nakakahiya po sa tao. Mama, si papa ang kulit sinabi ko na nga po hindi ako nililigawan ni JC.“ Mariing wika niya sa magulang. “Julio, wag mona pangunahan ang dalawa, Aamin din ang mga yan. Wag kang excited!! Turan ni Mama. Napatanga na lang talaga ako sa akin magulang.” “Pasensya na kana saakin magulang. Paghingi niya ng pasensya kay JC.” “Okay lang yon! Nakangiting wika nito sa akin. parang okay lang dito ang mga sinasabi ng aking magulang. “Ako na lang ang nahihiya talga, sa mga pinag sasabi nila.” Nag patuloy ang aming pagkain ng hapunan na ang topic ay sa amin dalawa ni JC na binabalewala ko na lang, ayaw ko na makipag talo pa. “Hay, Salamat sa lumipas na oras ay natapos na rin kami sa aming hapunan.” “Salamat sa dinner, marfa! At pasensya na rin napasarap ang kwentuhan namin nila tito at tita inabot tuloy ng gabi. Saad pa nito sa akin.” Inihatid ko ito sa labas ng bahay namin. Pauwi na ito pagkatapos mamipag kwentuhan ng matagal sa aking magulang. "Wala yon! Ako nga itong hihingi ng pasensya dahil sa mga pinag sasabi ng magulang ko tungkol sa panliligaw. Sorry talaga!! Paghingi ko ng paumanhin kay JC.” “Okay lang yon! Nakakatuwa nga ang magulang mo dahil bihira na ang ganyan magulang na pinipilit na mag karoon ng asawa ang anak. natatawang saad nito sa kanya.” “Ikaw natutuwa, Ako hindi no!! Ano bang masama kung wala pa ako boyfriend!? Eh bata pa naman ako eh. Nasa 25 years old lang ako. Maka pag demand agad ang aking magulang para naman napaka tandang dalaga kona!? Mahabang turan ko kay JC na tinatawanan lang ako.” “Sige na umuwi kana, pag tataboy ko dito. Baka, may balak ka pang dito matulog!! Saad ko pa dito.” "Bakit!??? Gusto mo ba!? Pwede naman at okay lang din kung ikaw ang aking makatabi walang problema iyon saakin! Sabay kindat nito saakin.” "Sinuswerte ka naman kung ganon no!! Umuwi kana dahil gabi na at ako'y matutulog na no!! Masyado mo na akong inabala. Mariing wika ko sa kay JC.” "O sige uwi na ako! Sweet dreams Marfa, Sa muli natin pag kikita. Paalam nito sa akin pag katapos ay pumasok na sa sasakayan nito.” “Wag na baka imbes na payapa ang tulog ko bangungutin ako, kapag ikaw ang aking mapaginipan!! Angil ko dito na tinawanan lang ako!.” “Sige na pumasok kana sa loob ng bahay ninyo!" Tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Narinig ko na lang ang papalayong, tunong ng sasakyan. Napapailing na lang ako sa aking sarili. “Parang kailan lang para kami aso't pusa!" Wala na sila mama at papa sa sala marahil ito ay umakyat na sa kwarto ang mga ito. POV JC Habang nag dradrive pauwi ng bahay ng pinsan ko, hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, kung bakit ganon na lang ang naramdaman ko simula ng hinalikan ko si marfa hanggang sa tinulungan namin ito sa mga lasing na kalalakihan palengke at kapag nakikita ko ang mga ngiti nito ay hindi na mawala sa isipan ko si marfa. Kahit sa kanyang pag tulog ay ito ang nasa kanyang panaginip. Kaya hindi ako mapakale hanggang di ko ito nakikita kaya gumawa ako ng paraan para mag pasama kina elmer para bumili ng isang halaman na Begonia na ang meaning ay peace. Para maibigay ko ito kay marfa. Masaya ako na nakausap ko ang pamilya nina Marfa. Lalo na ang ama nito may pag ka conyo. Sa kakaisip ko sa pamilya ni marfa hindi ko na namalayan nasa tapat na pala ako ng bahay ng pinsan ko. Pinarada ko na ang aking sasakyan at pag katapos ay bumaba na ako. Napansin ko na bukas pa ang ilaw sa loob ng bahay at mukhang gising pa ang aking pinsan kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay. "Hi insan! Magandang gabi sayo! Magandang bati niya rito. Habang nakatutok ito sa harap ng laptop nito.” Umangat ng tingin ang kanyang, pinsan. "Hmmm,!? Anong meron at bakit ganyan ang ngiti mo abot hanggang tenga!? Puna nito sa kanya.” "Bakit? bawal na ba ngumiti ngayon!? Sagot niya sa pinsan niya habang umupo siya sa tapat na upuan nito.” “Si Eli at Alliyah? Tanong niya rito.” “Nasa kwarto na, pinapatulog na si eli ni Iya. sagot naman nito.” “Nag email lang si James sa akin, kaya andito ako.” “Malapit na pala matapos ang bakasyon mo dito diba!? Tanong nito sa akin.” “Yeah, Balik na ulit ako sa trabaho. Pag balik ko doon siguro ay magiging busy ako.” “Saka nga pala insan, diba may balak kayo pumunta sa Germany? Tanong niya pa dito.” “Ahh, Oo next month ko muna, ang mga kailangan gawin dito bago kami pumunta kina dad. Nais na kasi ni daddy na doon muna kami para naman makasama daw nila si Eli. Napag usapan din naman ni iya na doon kami mag second honeymoon. Ngisi pa ng pinsan niya sa kanya.” “Wag mo sabihin may balak ka agad sundan si eli? Dudang tanong niya rito.” “Why not?! Natatawang sagot nito para naman meron ulit kaming baby. Gusto ko kahit si iya ay gusto din niya kami mag ka baby kahit isa pa. Mas okay na raw na mag kasunod para hindi nag kakalayo ang edad nila mag kapatid kung makabuo ulit kami. Saad nito saakin” Napailing na lamang ako sa aking pinsan. “Talaga lang ha!” “Kamusta naman ang panliligaw mo sa bestfriend ng aking asawa!? Pasado kaba sa magiging byenan mo!? Tanong nito.” “Anong nililigawan!? Para ka din tatay ni Marfa eh! Akala niya nililigawan ko ang anak nila.” "Bakit hindi ba?! “ “Ikaw rin maunahan ka pa ng iba kapag nag babagal ka. Nakikita ko sayo noon pa naman kahit sinusungitan mo iyong tao ay mukhang may gusto kana sa kanya eh.” “Nakikipag kaibigan lang ako sa tao! Walang ibang ibig sabihin yon! Gusto ko lang na wag na kami mag bangayan na dalawa.” “Ayos yan tapos ligawan mo na! Saad pa nito sa akin.“ “kung ako sayo matulog kana!! Ako’y mauna na sayo. Inaantok na rin ako. Maiwanan na kita rito. Sabay kapit sa aking balikat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD