Kabanata 20 Hindi malaman ni Julie kung papayag ba siya o hindi. Nasasayangan talaga siya sa renta sa kanyang apartment. Ngunit sa bandang huli ay napagtanto niya ring maganda ang offer nito. Ipapadala niya ang pera sa probinsya. Inilahad niya ang kanang palad sa nobyo. "Fifteen thousand," nakataas kilay niya pang sabi. Tumawa ang nobyo. "Silly!" Humugot ito agad sa pitaka at kumuha ng ilang libo. Ibinaba ni Julie ang kanyang kamay. "Hindi ka talaga nagbibiro?" Muling tumawa ang nobyo. "Of course not," sagot nito. Napangiwi si Julie. "Here cupcake," anito at inilagay sa kanyang palad ang pera. "Clayd naman," awat niya. "It's a deal cupcake." She despair. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang binata. Pero ito ang unang beses na umiyak ito sa kanyang harapan gayong hindi naman pala