TAHIMIK si Ivan nang pumasok siya sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung iiyak ba ito o ano. Ang alam niya ay maganda ang trabaho ni Ivan. Vice president ito sa isang bangko----sa bangko na pinagtratrabahuan ni Angz. Hindi niya nga lang alam kung saang branch ito naglalagi. Kaya rin nakakalabas pasok siya sa pinagtratrabahuan ni Angz dahil kay Ivan. Ginagamit niya ang pangalan nito. Hindi pa nito nakilala si Angz dahil ngayon lang naman naging sila ng nobya. "May gusto ka bang sabihin?" pagbasag niya ng katahimikan sa pagitan nila ni Ivan. "Wala na kami ni Gwen," sagot ni Ivan na nakatingin sa daan. Tama nga ang hinala niya. Hindi magiging ganito si Ivan kung wala itong problema. Tila ito naiiyak habang sinasabi sa kanya ang tungkol kay Gwen. "Paanong wala na kayo? Hindi ba ikakasala n