WALANG mapagsidlan angs nadarama ni Kiel ng mga oras na iyon. Sa wakas kasi ay nasungkit niya na ang matamis na oo ni Angz. Akala niya nga ay magtatapos ang panliligaw niya rito na hindi niya man lang nakukuha ang matamis nitong oo. Kaya nga nagkasakit siya dahil labis niyang dinamdam ang pagtataboy nito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Iyon pala ang nakita siya nitong kasama si Diane, bestfriend niya si Diane at sister in law na rin. Aminado siyang nahirapan siyang ligawan si Angz at ito lang yata ang babaeng nagpahirap sa kanya bago sagutin pero talagang mahal na mahal niya na ito. Hulog na hulog na siya sa babae at umaabot na sa punto na ito na ang kanyang obsession. Kay Angz niya na lamang ibinuhos ang kanyang oras maging ang mga babae sa kanyang buhay ay kinalimutan niya na. I