He left me

1160 Words
Time went swiftly, its been four months that we're together pero ganoon pa rin. Kahit ayaw niya ay araw-araw pa rin akong naghahanda ng almusal at hapunan. Everything might seem useless but I won't waste this chance. "Kailan mo ititigil ang lahat ng ito?" Dom asked with bitterness, isang araw ng nasa hospital kami. Dad's situation became worst, sabi ng doctor bilang na ang araw ni dad. "I still have 2 months dom" Mas naging busy na ako, tuwing madaling araw umuuwi ako para ipaghanda ng almusal si Chase. Pupunta ng opisina upang asikasuhin ang mga daoar ayusin, business meetings tapos pupunta kay papa, uuwi ng condo upang ipaghanda siya ng hapunan tapos babalik na naman ng hospital. Mahirap pero I have to endure everything. "Nahihirapan ka na, I can see you hurting. Please, stop this already" concern flashed in his face "I can't, you know that I can't" "Excuse me ma'am, Mr. Rivera is looking for you" sabi ng nurse na lumabas galing sa kwarto ni Papa I nod and I looked at dom before going inside. "Laurice anak..."nahihirapang sabi ni papa "Y-yes dad?" I hugged dad at para bang may kung anong bumabara sa lalamunan ko "Anak, alam kong hindi na ako magtatagal. Nakakalungkot lang dahil ni hindi man lang ako nakapagpaalam at nakahingi ng tawad kay E-emilio"malungkot na wika ni Papa. Simula ng hiniling ni papa na makausap si tito Emil ay hindi ako tumigil sa paghingi sa kanila ng pagkakataon na magkausap sila ni Papa ngunit matigas itong tumanggi at ngayon di ko alam kung paano ko sasabihin kay papa na ayaw siyang makita ng dati nitong kaibigan at ang oalagi kong sinasabi kay papa, kailangan magpahinga ng Don at nagpapagamot lagi ito. I guess I need to tell the truth. I took a deep breath and gathered all my courage to tell papa the truth "Papa, may kailangan po akong sabihin sa iyo..." I haven't finished what I was going to say since Dom cut me off "Shane, may bisita kayo" nakita ko ang bahagyang pagkalito ni Dom pero mas nangingibaw ang saya sa mukha nito. He then opened the door widely. Namilog ang mata ko sa nakita, it was Don Emilio at nasa likod nito sa Cassey na siyang nagtutulak ng wheel chair nito. Nilingon ko si Dad and tears start to form on the brim of his eyes. His sad eyes is now glowing with disbelief and happiness. "Cass...Don E-emilio..." nilapit ni Cass ang wheelchair ng don sa gilid ng kama ni dad. Lumipat ako sa kabilang gilid kung saan naroroon ang sofa upang mabigyan sila ng espasyo. Tumabi naman sa akin si Cass pagkatapos, she smiled at me. Sabay kaming umupo ni Cass. "E-emilio...salamat at nagpunta ka" mahabang katahimikan ang namagitan bago muli nagsalita si papa "P-patawad sa mga ginawa ko sayo at sa pamilya mo. N-natakot lamang ako para sa aking anak kaya ko nagawa iyon. Sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako, p-patawarin mo ako. P-patawad E-emilio dajil sinira ko ang ilang taong pagkakaibigan nayin, naging sakim at gahaman ako. Patawad" umiiyak na sabi ni Daddy "Hindi naging madali para sa aming pamilya ang ginawa mo, naging mahirap ang sitwasyon namin. Namatay ang asawa ko, nawalan kami ng resources naging mahirap pati ang pag-aaral ng mga anak ko naapektuhan. Hindi naging sapat ang kakarampot na nakukuha namin sa kompanya, bumaliktad ang mundo namin. Galit na galit ako sayo, sa loob ng ilang taon galit at pagkapoot ang naramdaman ko sayo. Hindi ko lubos maisip na ang matalik na kaibigan ko ang ta-traydor sa akin, ang taong pinagkatiwalaan ko ang siyang ta-traydor sa akin. Sa totoo lang wala akong balak na makipagkita pa sayo, pero ng pinaliwanag na sa akin ni Cassey ang lahat nagbago ang lahat. Doon ko napagtanto na anuman ang nangyari kaibigan pa rin kita at matagal na kitang napatawad" umiiyak na ring sabi ni tito saka tumayo upang yakapin si papa Umiiyak na rin kami ni Cassey sa aming nasaksihan "S-salamat Emilio, makakaalis na rin ako ng payapa" turan ni papa "Magpalakas ka at marami pa tayong pag-uusapan hindi pa naman siguro huli upang tayo ay magsimula muli ng panibago" ani Tito na ngumiti at tumingin sa akin "Maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo Laurice. Nalaman ko na scholar si Cassey ng kompanya. Ikaw rin ang palihim na nagbibigay ng pera sa amin" nakangiti pa ring wika ni tito emil "Iyon po ang nararapat tito, nag-usap na rin po kami ni Papa ibabalik po namin ang lahat sa inyo Tito. Dalawang buwan na lang po at kumpleto niyo na pong makukuha ang lahat. Sana po ay pumayag kayo sa dalawang buwan na iyon tito" paliwanag ko "P-pero iha..." "Tito Emil, iyon po ang nararapat. Dadalhin ko po si papa sa amerika upang doon na manatili at upang mapagamot po siya" paliwanag ko at tiningnan si Papa Ngumiti si papa ng payapa at tumango tanda na gusto niya akong lumapit "P-papa?" Natataranta kong wika saka mabilis siyang nilapitan. Pilit na inabot ni papa ang aking muka saka nag wika na "maraming salamat Emilio pero hindi na rin ako magtatagal at Laurice Shane m-mahal na mahal kita, anak. S-salamat at ginawa mo ang mga hindi ko kayang gawin noon. I-i am so p-proud of you. Mahal na mahal ko kayo ng mama mo...payapa akongvaalis dahil alam kong aalagaan ka ni Constancia. I'm sorry I can't give you a happy day anak, h-happy birthday anak.please, be happy and I-i love you..." halos pabulong na sabi ni papa "I'm sorry papa. Mahal na mahal na mahal po kita. Please, don't let..." bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bumagsak ang kamay ni papa sa gilid and I saw him took his last breath "Papa? Papa! Gumising ka..Papa!" wala na si Papa. Wala na ang lalaking unang minahal at nagmahal sa akin. Wala na ang lalaking naging sandalan ko sa lahat. Wala na. I can hear tito emil, he is calling papa's name. Cassey is crying while holding his father. Dom came rushing at kasunod nito ang nurses at Doctor. Niyakap ako ni Dom, at hinila patabi upang mabigyang daan ng taga hospital. They tried everything they could to revive him but its too late, papa gave up already. He left me. "Time of death 2:11pm" deklara ng doktor "I am sorry Ms. Rivera" Tinakbo ko ang maliit na pagitan ng kama ni Papa "Papa! Please, papa naman oh" niyakap ko si Papa. Ayaw kong bitiwan siya, "papa, please papa wag mo akong iwan papa" pagsusumamo ko. Ngunit tanging ang iyak lang ng narito ang naririnig ko. "Shane, calm down please" it's Dom he is crying too "I am sorry Laurice Shane" it was Tito Emil na hilam na rin sa luha "S-salamat sa pagpunta Tito. S-siguro nga ang kapatawaran mo ang hinihintay ni p-papa" lumapit ako sa kanila ni Cassey at niyakap sila. Papa...bakit mo ako iniwan agad? Paano ko magagawa ang lahat ng dapat papa? Papa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD