CHAPTER FORTY-ONE

1509 Words

HINDI alam ni Wayne kung paano niya sasabihin kay Joebbie ang masamang balita na dala niya. Abalang-abala ito sa pagpipinta at napakaseryoso ng mukha. Kahit na nakawheelchair ito ay hindi iyon naging hadlang para hindi ito magpinta. Ang katunayan nga niyan ay napakagaling nitong magpinta kaya naman napapahanga siya nito. Iyon nga lang ang gawa nito ay napakalungkot. Tila kaybigat sa dibdib. Isang babae na nakasalampak sa sahig at umiiyak ang ginagawa nito. Nakikita niya ang sarili kay Joebbie. Lahat ng sakit ay ibinuhos sa pagpinta pero ang resulta ay nakakaantig ng puso. Tumikhim siya upang maagaw ang pansin nito. "Yan ba ang undergraduate sa arts? Pinahanga mo ako," wika niya sa babae kaya napatingin ito sa kanya. Ngumiti sa kanya si Joebbie. Sa ilang araw na pananatili nito sa bahay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD