Chapter 6

1175 Words
Matatapos na ang school year nila. Nalulungkot siya dahil baka hindi na sila maging mag-school mate ni Cherry. HRM kasi ang kukunin nito samantalang siya, ay kukuha ng kursong Marine Engineering. Magiging limited na rin ang kanilang pagkikita dahil paniguradong pareho silang magiging abala sa kanilang pag-aaral. “Chubs, saan ka mag-aaral ng college?” kasalukuyan silang nakalublob sa pool ng mga ito nang araw na iyon. “CLC sa Olongapo. Ikaw ba?” nilingon pa siya nito. Napangiti naman siya sa isinagot nito. Akala niya talaga magkakalayo sila ng school. Buti na lang at doon din pala ito mag-aaral. “Doon din. Syempre kung nasaan ka, nandoon din dapat ako. Dahil hindi pwedeng iwan ang magandang kagaya mo ng mag-isa,” nakangisi pang saad niya rito. “Sira ka talaga, puro ka kalokohan!” Winisikan pa siya ng tubig nito. “Ahhh ganyanan pala ang gusto mo ha?” Sinabuyan rin niya ng tubig si Cherry saka lumayo rito. “Buwiset ka talaga Tobby! Bumalik ka rito!” Lumangoy ito palapit sa kaniya upang habulin siya. Nang mahawakan siya nito ay agad siyang dinamba nito at umangkas sa likod niya. Tatawa-tawa naman siya habang inaawat ito sa paglunod nito sa kaniya. “Chubs, tama na hahaha!” Sa wakas ay tinantanan na siya nito. Agad din namang bumitiw ito saka siya winisikan ulit ng tubig. Bago nagmamadaling lumangoy palayo sa kaniya. “Ayan na ako Chub— bilisan mong lumayo!” Saka siya lumangoy palapit dito. Nagtititili naman ang dalaga at nagkakakawag ito nang mahawakan niya ang isang paa nito. “Ano ba ‘yan, para ka namang kinakatay ka piggy oink, oink!” sabi niya rito nang bitiwan niya ang  paa nito. “Piggy oink, oink pala huh!” Saka siya hinampas nito. “Aray! Tama na Chubs! ‘Wag kang mag-alala, sa lahat ng piggy ikaw ang pinaka love ko!” Wala pa ring tigil ito sa sa paghampas sa kaniya. “Heh! Mukha mo!” Saka siya muling hinampas nito. “Ang bigat ng kamay mo Chubs. Tama na! Grabe daig ko pa ang nabugbog. Hindi nga ako napapalo sa bahay, solve naman ako sa pambubugbog mo.” Naiiling na lang niyang sabi rito, habang tinitingnan ang namumulang braso. “Hmp! Kasalanan mo naman kung bakit kita hinampas eh!” saad pa nito sa kaniya bago ito umahon na sa pool. Napalunok pa siya nang makita ang makikinis at mapuputi nitong hita. Agad niyang iniiwas ang paningin nang bigla itong lumingon sa kaniya. Kakamot-kamot na lang siya ng ulo saka umahon na rin mula sa pagkakalublob niya sa pool. ‘Lord, ilayo mo ako sa napaka healthy’ng tukso!’ Pabirong dalangin pa niya. “Pa-miryenda ka naman diyan Chubs!” Ungot pa niya rito nang makaahon na siya sa pool. “Sa kusina madaming pagkain. Kaya mo na iyan, malaki ka na,” patamad na sabi nito habang tinatali ang roba nito sa bewang nito. “Wow grabe napaka maasikaso mo talaga!” Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo saka nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain. “Thank you Tobby! Dala ka na rin ng chips ha?” sigaw pa nito sa kaniya. ‘Kung hindi lang kita mahal babae ka. Naku naman talaga!’ bubulong-bulong pa niyang kausap sa kaniyang sarili. “Oh, Tobby, tapos na kayong maglangoy ni Cherry?” Ang mommy ni Cherry iyon. “Opo tita. Kukuha lang po sana ako ng miryenda. Saka chips daw po sabi ng healthy baby girl ninyo.” Natawa naman ang ginang sa kaniyang sinabi. “Ikaw talaga Tobby naku, kayong dalawa talaga. Hindi na ako magtataka kung isang araw magka-in love-an kayo ng anak ko,” sabi pa nito sa kaniya. “In love na nga po yata ako sa tabachingching na ‘yun eh,” halos pabulong na sagot niya rito. “Huh? May sinasabi ka ba hijo?” nakakunot noong tanong pa nito sa kaniya. “Ahhh wala po tita sabi ko po, dadalhin ko na ang mga ito sa pool. Salamat po tita!” Sabay kuha sa tray na naglalaman ng kanilang pagkain. ‘Muntik ka na Tobby,’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. “Oh, mahal na prinsesa, ito na po ang inyong pagkain!” Sabay lapag niya ng tray sa tabi nito. “Huyyy, nandito na ang pagkain, bakit parang wala kang naririnig riyan?” untag pa niya rito nang hindi ito umimik at nakatingin lang sa kaniya. “W-wala. Puwede ba Tobby, magsuot ka nga ng bathrobe mo. hjhkjhkk.” Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito. “Huh? Ano ‘yung huling sinabi mo?” tanong niya rito. “Meron ba akong sinabing iba pa? Sabi ko lang naman magsuot ka ng bathrobe mo.” Sabay abot nito ng juice at ininom iyon. “Hindi eh may karugtong ‘yung sinabi mo eh,” hindi naniniwalang saad niya rito. “Wala nga! Gutom ka lang siguro kaya kung ano-ano na iyang naririnig mo!” sabi nito sabay abot sa kaniya ng sandwich. Nakakunot pa rin ang noo niya habang inaabot ang sandwich sa kamay nito. Sigurado siyang may iba pang sinabi ito bukod sa pagsusuot ng bathrobe. Nagkibit balikat na lang siya nang mukhang wala namang balak sabihin nito, kung ano ‘yung huling sinabi nito sa kaniya. Cherry’s POV… Hayyy ito na naman ang sutil na lalakeng ito. Kanina lang malungkot ito, pero bigla ring naging masaya. Daig pa ang babae kung magpalit ng mood. Inasar na naman ako ng buwiset na lalakeng ito kaya naman sinugod ko siya at sumampa sa likod niya. Ayun na naman ‘yung parang kuryenteng gumapang sa katawan ko. Kagaya nang kuryenteng naramdaman ko nang halikan ko siya sa pisngi niya noong gabi ng prom. Kaya naman agad din akong bumitiw at lumangoy palayo sa kaniya. Pero dahil nga sutil siya, sinundan pa rin niya ako at hinila ang paa ko. Nang magtititili ako, sinabihan ba naman akong parang kinakatay na baboy. Siraulo talaga! Tapos sasabihin niyang sa lahat ng baboy, ako ang pinaka love niya? Paano ko naman paniniwalaan ‘yun eh puro siya kalokohan? Nang umahon ako nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. Agad din naman siyang nag-iwas ng tingin saka umahon. Shet! Ang ganda ng katawan niya. Nawawala ako sa sarili ko kaya inutusan ko na lang siyang kumuha ng miryenda. Nang makabalik siya mula sa kusina, sus ko day! Kitang-kita ko ang malalaki niyang muscles sa kanyang kuwan… sa kaniyang braso. Kayo huh! Kaya naman sabi ko isuot niya ang bathrobe niya dahil nadi-distract ako. Buti na lang hindi niya iyon narinig kundi, yari ako! Baka mabuko ako ng ‘di oras na pinagnanasaan ko siya. Alam ko namang hindi siya naniniwalang wala na akong ibang sinabi. Pero syempre kailangan kong magsinungaling. Ayaw ko ngang mahuli niya akong pinagnanasaan ko siya hehehe. Hmmm, paano na lang kaya kapag nagka-jowa na ito? Syempre maeetsa pwera na ang ate niyo. Kaya naman sana, ‘wag siyang mag-jowa muna. Ako na lang jowain niya. Charot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD