EPISODE- 32

1548 Words

LUMAPAG sila sa hacienda Montemayor, at kahit nais magtanong ni Reegan sa kanyang asawa ay pansamantalang tumahimik na lang muna siya. Lalapitan sana niya si Kathleen nang makitang kausap pa ng asawa ang kapatid nitong si Mr. Jordan. Kaya nagpasya siyang hintayin na munang matapos sa kung anong pinag uusapan ang mga ito. Bago siya lumapit at kinausap ang asawa. “Mahal, ano pala ang sinabi ng kapatid mo at parang napakaseryoso ng pag uusap nyo kanina?” Hindi mapigilan ni Reegan ang mag-isip ng negatibo. Baka tungkol sa kanila ng ama ang pinag-usapan ng nga ito. “Tinanong lang ako ni Kuya Jordan kung hanggang kailan tayo sa lugar na ito. Sinabi rin niya na bago tayo bumalik ng Manila ay tawagan siya at susunduin tayo ng chopper dito.” “Hindi ba siya nagagalit na naririto kami ni Papa?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD