NAPATINGIN ako sa kamay niya at napansin iyon ni Yuwano, kaya dali-dali niyang inalis ang kamay ito. Siguro para hindi masaktan ang aking kalooban at agad hinawakan niya ang aking palad. "We had dinner at the restaurant." And Yuwano smiled at her. Napansin ko ang biglaang pagkalungkot ng mukha niya, At nakayuko itong umupo. Pero hindi ako nagpaapekto sapagkat pagod na akong masaktan. "I'm sorry, Honeylet. Pero magiging selfish muna ako ngayon dahil ayaw kong mawala si Yuwano sa buhay ko," bulong ko sa aking sarili. Hindi ko siya pinansin at lumapit ako kay Don Celso para magmano. "Saan kayo galing, Lolo?" nakangiti kong tanong rito. "Nag-dinner kami sa labas." Sabay kindat niya sa akin at naintindihan ko na iyon. "Lolo, uuwi pala ako bukas sa bahay at doon ako matulog. Pero sab