Chapter 10

1836 Words
Tahimik si Love habang nakaupo ito sa backseat at kandong si Osha. Hindi ito kumibo mula pa kanina, nakatingin lang ito kay Osha. Pinaandar niya ang kotse ang habang sinusulyapan si Love. May nasabi kaya si mama na ikinasama ng loob ni Love. Dahil ba nagtratrabaho sa club si Love at nagalit ang mama niya. Wala namang sinabi kanina ito nang makausap niya. "Love?" tawag niya rito. "Sir?" Nagtaas ito ng tingin sa kanya at nagpahid ng luha sa mata. Umiiyak ba si Love? "Okay ka lang ba?" takang tanong niya. "Oo naman sir. Mabuti pong ina ang mama ninyo, mahal na mahal niya si Osha." Tumango si Art. "May nasabi ba si mama tungkol sa pagiging yaya mo kay Osha?" Umiling ito at hinaplos ang buhok ni Osha. "Sinabi lang niya sir, na kailangan kong alagaan ang kapatid mo at ituring na isang kapatid." Nakatingin pa rin ito kay Osha habang nagsasalita. "Sa club ka ba nakilala ni mama?" "Oo sir, pero hindi sa Seven Dragon Club. Mataas kasi mag-tip ang mama ninyo at waitress pa lamang ako noon at hindi dancer." "I see." "Nakikita ko ang nawawala kong kapatid sa kapatid ninyo, sir. Kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Nawala kasi siya sa amin nang pilitin siyang kunin nang mama ko at isama dito sa Maynila. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin sila nakikita." "Gusto mo bang tulungan kita? May mga kilala akong private investigator para matulungan ka." "Salamat sir." "Sabihan mo lang ako, Love. I'm willing to help." Nginitian niya ito. "Bakit nga pala hindi nakatira si Osha kay Senyora Morgana?" Bumuntong-hininga siya bago nagsalita. "Isang taon pa lamang si Osha nang iwan na siya ni mama sa pangangalaga ko. Hindi na nga umuuwi si mama sa bahay namin at 'ni anino niya hindi ko man lang makita. Nabalitaan ko na sa Casino siya namamalagi mula nang iwan niya sa akin si Osha." "Masama pala talaga siya," mahinang sabi nito. "Anong sabi mo?" "Sorry sir, nadala lang ako sa emosyon." Tinanguhan niya si Love at pinagpatuloy ang pagdra-drive ng kotse. "Hindi mo ba namimis ang pamilya mo?" "Sir?" "I mean... wala ka bang balak magbakasiyon sa inyo para madalawa ml ang pamilya mo?" "Salamat sir, pero pag-iisipan ko." "Sasamahan kita." "Sir!" gulat na sabi ni Love. Napangiti si Art gusto lang niyang gumawa ng paraan para mapalapit kay Love. Dahil gusto niyang makilala ang buo nitong pagkatao. #SASC Mahimbing nang natutulog si Love habang yakap nito si Osha. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na bahagyang sulyapan ang mukha nito. Wala pa ring pinagbago buhat nang una namin siyang makita ni Paxton. Mahigit isang buwan na rin pala mula nang magtrabaho siya bilang yaya ni Osha. Ramdam niyang mabait si Love base na rin sa nakikita niya. Dumako ang tingin niya sa labi nito. At napalunok siya. Ibinalik niya ang tingin sa daan, mabagal na lang ang patakbo niya. Gusto niyang makasama ng matagal si Love kahit na ngayon lang. Inakala niya sa sarili niya na hindi na siya magmamahal. Dahil labis siyang nasaktan nang mamatay si Lexi. Malalim ang iniisip niya nang biglang may humarang sa daraanan nila. Dalawang lalaki na nakasakay sa motorcycle. Tinted ang salamin ng kotse niya ngunit nakikita niya ang labas nito. Kinabahan si Art habang nakatingin sa lalaking pababa sa motor. "Love, gising!" bulyaw niya. Nagising si Love ngunit mahimbing pa rin ang tulog ni Osha. "Bakit, sir?" "Yuko!" Tumama ang bala ng baril sa kotse niya at paulit-ulit iyon. Dumapa na lang sila sa ibaba at hinintay na matapos ang pagbabaril ng lalaki sa kanila. "Sir." "Okay lang ako. Dito lang kayo, bantayan mo si Osha." Hinawakan niya sa balikat si Love. At ngumiti sa kagigising lang niyang kapatid. "Okay, sir." Lumabas si Art sa kotse at dahan-dahang pumunta sa likuran. Binuksan nang lalaki ang pinto sa driver's seat. At sinisiguro ang loob kung may natamaan ba ito. Pagkakataon na niya, mabilis niyang siniko ang batok nang lalaki. Bumagsak ito sa baba dahil sa lakas ng paniniko niya. Lumapit pa ang isang lalaki at tinutukan siya ng baril. "Pasensiya ka na Mr. Briton, trabaho lang." Hinintay niyang makalapit ang lalaki tsaka mabilis na hinila ang kamay nito. Inikot niya ang kamay ng lalaki pa likod. Nabaluktot ang kamay ng lalaki tsaka niya sinipa ang baril na nalaglag sa ibaba. "Sino ang nag-utos sa inyo para patayin ako?" bulyaw niya. "Hindi ko alam." Pinihit niya muli ang kamay ng lalaki gusto niyang baliin ito. "Si... si Damascus siya ang nag-utos." "s**t!" Binitawan niya ang lalaki at sinikmuraan ito. Malaking katangungan kung bakit siya gustong patayin ni Damascus. ******* Sa kabilang banda... "Nagawa na ba ang plano?" "Yes, bos." "Siguraduhin mo na mapupuruhan nila si Art. Masiyado na siyang madaming nalalaman sa samahan baka ilaglag niya tayo." "Oo naman bosing. Ako na ang bahala sa amo ko kapag hindi nagawa ang plano." ***** "Okay ka lang ba, Love?" nag-aalalang tanong niya rito. "Okay lang ako, sir. Sino ba ang mga lalaking 'yon?" Hindi niya sinagot ang tanong ni Love. Niyakap niya ito nang mahigpit. Nag-alala siya kanina, akala niya may masamang mangyayari na rito. "Sir, hindi ako makahinga." Kumalas ang yakap niya kay Love at ngumiti rito. Binalingan niya si Osha na nakakunot ang noo. "Sorry, Love. Natakot lang ako." Ngumiti si Love, lumabas ito sa kotse at tinignan ang dalawang lalaki na nakahilata sa daan. Ang isa ay wala ng buhay dahil ginawa niyang panangga sa lalaking kasama nito. Binugbog lang niya ang isa pang lalaki gusto niya itong tuluyan ngunit hindi niya ginawa dahil gusto niyang malaman kung bakit siya gustong ipapatay ni Damascus. Si Damascus din kaya ang pumatay kay Lexi? ------- TUMAWAG SILA ni Art ng pulis pagkatapos ng nangyari. Kilala niya ang isang pulis na rumispunde kanina. Nangigil siya ngunit pinipigilan lamang niya. Mahirap na baka lumabas na naman ang kaangasan niya. Nagpipigil lang siya kanina dahil kasama niya si Art. Isa pa alam niyang mabibisto siya kapag nakialam siya. Pumunta sila ni Art sa presinto para i-report ang pangyayari. Hindi binanggit ni Art ang kinalaman ni Damascus. Ano kaya ang plinaplano ni Art sa matandang 'yon? Hindi kaya ito na mismo ang magpapaligpit kay Damascus. Lalo tuloy siyang nagduda sa mga nangyayari. At malakas ang kutob niya na may nangyaring foulplay sa pagkamatay ni Lexi Santillan. Matapos ang mga tanong ng mga pulis ay pinauwi na sila ng mga ito. Ipinaiwan ng mga ito ang kotse ni Art sa pinangyarihan ng krimen para sa imbestigasyon. Kinokontak ni Art si Paxton nang lapitan siya ng isang pulis. "Sir, Agusto." "Maari ba kitang makausap, Agent Soraya?" Lumapit siya rito. "Ano 'yon, sir?" "Sino ba talaga ang humarang sa sasakyan ni Mr. Briton?" "Narinig ko ang lalaki kanina na umamin, sinabi niyang si Damascus ang nag-utos." "Bakit hindi sinabi ni Mr. Briton?" "Hindi ko alam, sir." "Mag-iingat ka, Agent Soraya. Madulas sa batas si Mr. Damascus dahil sa mga kapit nito sa itaas. Baka mapahamak ka sa ginagawa mo, Agent Soraya." Tumango siya. "Salamat, sir Agustos." Tinapik siya nito sa balikat niya. Dumako ang tingin niya kay Art na nakikipag-usap sa telephono. Maya-maya pa ang dumating na si Paxton. Agad itong bumaba sa kotse at nilapitan silang dalawa ni Osha, na nakupo sa hagdan. "Si bosing?" nag-aalalang tanong nito. "May kausap siya sa labas, hindi mo ba nakita?" "Wala siya sa labas. Okay ba kayo?" "Okay lang naman. Ipasok mo muna si Osha sa kotse at hahanapin ko si Art este si Sir." Tumango ito sa kanya. Hahakbang na siya palayo nang tawagin muli siya ni Paxton. "Mis maganda, umuwi na raw tayo sabi ni bosing. May importante raw siyang gagawin." Kinabahan siya, saan naman kaya pupunta si Art. Lumapit siya kay Paxton at hinawakan ito sa balikat. "Ikaw na ang bahala kay Osha." Mabilis ma sabi niya tsaka siya agad pumara ng dumadaan na sasakyan. "Miss maganda, mapapagalit---" Hindi na niya narinig ang huling sigaw ni Paxton. "Saan tayo, miss?" "Sa Seven Dragon Club, manong. Pakibikisan lang po!" "Okay, miss." Kinontak niya si Rima habang nakasakay sa taxi. Hindi ito sumasagot, naiinis na siya. "Rima, please. Pick up the phone!" "s**t!" Ibinulsa niya ang cellphone at binigay sa manong driver ang isang daan. "Keep the change, manong. Salamat." Mabilis na isinara niya ang pintuan ng taxi. Pagpasok niya sa loob ng club, may biglang humila sa kanya at marahas na isinandal siya sa pader. ---- *** Nagulat si Soraya nang makita ang kanyang papa na nakatingin ng maigting sa kanya. "Anong ginagawa mo rito ng dis oras ng gabi?" tanong nito. Inalis niya ang kamay ng papa niya sa balikat niya. Masama pa rin ang loob niya dito. Dahil sa nalaman niya kay Morgana. "Kayo, anong ginagawa n'yo rito!" "Private matter." Tinalikuran niya ito. "Soraya!" "Please 'pa may importante akong sinusundan." "Si Artemio ba?" tanong nito. "'Wag mong sabihin na may lihim ka nang pagtingin sa lalaking 'yon." "Pa, trabaho lang walang personalan. Hindi ako katulad ninyo na may tinatagong sekreto!" Imbes na pumasok siya sa loob ng club para tignan kung naroon nga si Art ay hindi na niya ginawa. Minabuti niya na ipaubaya na lang sa kanyang papa ang lahat. Tutal naroon naman na ito, ang hindi niya lang alam kung bakit ito naroon. Naiinis siya sa sarili niya dahil hanggang ngayon nagiging sunod-sunuran pa rin siya sa gusto ng kanyang papa. Lahat ng ginagawa niya ay minanapula nito, at nasasakal na siya. Sumakay ito ng kotse at nanatili siyang naglalakad. Huminto ito sa gilid niya at pinilit siyang pasakayin sa kotse. Alumpuhit na sinunod niya ang utos nito kahit na naiinis siya rito. "Soraya, mag-usap nga tayo! Bakit ka ba nagkakaganyan?" "Tinatanong n'yo ako 'pa. Bakit hindi ninyo tanungin si Morgana. Alam ba ninyo na siya ang magulang ni Artemio Briton? Kaya n'yo ba ipinapasa kay Kayson ang kaso dahil doon? Ano 'pa bakit hindi ninyo sabihin ang totoo." Bumuntong-hininga ito. "Ayoko lang na mapahamak ka, Soraya." "Ayaw ninyong mapahamak ako? Tskk... o ayaw ninyong malaman ko ang totoo." "Pakinggan mo muna ako!" "Okay!" "Aaminin ko na kaya ko ipinapasa kay Kayson ang kaso dahil ayokong mapahamak ka. Isa pa hindi tayo sigurado kung ano ang mangyayari. Hindi ko kayang may mangyaring masama sayo." "Wow, ngayon lang yata kayo nag-alala para sa akin." "Anak pa rin kita!" "At si Morgana?" Hindi nito sinagot ang tanong niya. "Hindi ako uuwi sa bahay. Ibaba n'yo na ako rito." Inihinto nito ang kotse sa tabi katapat ng malaking puno. Walang sinabi si papa bago ito umalis. Pinahid niya ang luha at umupo sa gilid ng daan. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. --- Inihinto ni Art ang kotse nang mapansin ang babaeng nakahilata sa gilid ng daan. Agad siyang bumaba ng kotse at nilapitan ang babae. Nakatakip ang mahaba nitong buhok sa mukha nito. Hinawi niya iyon at lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya sa mukha na kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD