Chapter 3 SPG 18

1820 Words
DAHAN-dahan ipinasok ni Jin ang daliri nito sa loob ni Angelu at sa umpisa ay talagang mahapdi lalo pa at nakasagad na sa loob niya iyon. Mabuti na lang, hindi naman iginalaw ni Jin ang daliring iyon sa loob niya at mukhang inaantay nitong mag-adjust siya. Hindi komportable si Angelu dahil parang may kung anong nakapasak sa pagkab*bae niya pero dahil sa pagnanasang nararamdaman ay nakakadama siya ng sarap at unti-unting namamasa ang bahaging iyon ng katawan niya. “Basa ka na,” pansin ni Jin sa kaniya. “Handa ka na ba? Gagalawin ko na?” tanong nito sa kaniya. “O-oo,” tugon niya. Dahan-dahang gumalaw si Jin at napaungol siya dahil nasasarapan na siya sa ginagawa ng nobyo at napapaliyad na rin ang bewang niya kaya sinasalubong na iyon. Mas lumakas at nasarapan si Angelu nang pati ang labi ng nobyo ay sumabay sa daliri nito at sinalubong niya ang lahat ng ginagawa ng asawa. “J-Jin,” halinghing niya. Hindi tumigil si Jin sa pagpapaligaya sa kaniya at bigla siyang nanginig dahil naabot niya ang sukdulang nais na maabot saka nanigas ang mga daliri ng paa niya. Tumingin si Jin sa kaniya na may ngiti sa labi. “Anong pakiramdam mo?” tanong sa kaniya ni Jin. “M-masarap,” tugon niya. Tumayo si Jin saka inalis ang tuwalya na nasa ilalim ng bahagi ng katawan nito at nanlaki ang mga mata niya dahil tumambad sa kaniya ang pagkal*lake ng asawa na tayong-tayo na at hindi niya akalain na ganoon iyon kahaba. “Kakasya ba sa akin iyan?” tanong niya sa sarili saka napalunok ng laway. “Hindi kaya mawasak ako dahil diyan?” Dumagan si Jin sa kaniya at tumitig sa mukha niya. “J-Jin, ang laki ng ano mo,” sabi niya. “Aayaw ka na ba?” tanong nito sa kaniya. Napalunok siya at muling tumingin sa pagkal*lake ng nobyo na sa tingin niya ay handang-handa nang sumabak sa labanan at nakakahiya namang umayaw na. “B-baka mawasak ako dahil diyan,” tugon niya, Natawa naman si Jin sa kaniya. “Masakit talaga sa umpisa, mahal, pero hindi mo naman ikakamatay kapag pinasok kita. Pero nasa iyo naman ang desisyon kung gusto mong ituloy ang lahat ng ito,” anito. Napalunok na naman si Angelu ng laway pero ayaw niyang biguin ang nobyo lalo pa at nag-umpisa na sila. “Ituloy na natin,” tugon niya. Hinalikan na naman si Angelu sa labi ni Jin at maalab na naman ang halikan nilang iyon nang maramdaman niyang unti-unti at dahan-dahan na ipinasok ng nobyo ang pagkal*lake sa loob niya na dahilan para mapaiki siya. Bumaba ang kamay ni Jin sa pagkab*bae niya at minasahe iyon habang pumapasok sa kaniya kaya kahit masakit at dama niya ang hapdi ay nasasarapan din siya dahil sa ginagawa na pagmasahe sa kaniya ng nobyo. “Ohh,” ungol niya. “Ang sikip mo, mahal,” sabi ni Jin nang maghiwalay ang labi nila at hindi kaagad ito gumalaw. “Ang laki mo at parang sobrang na-adjust masiyado ang ano ko,” tugon niya at naramdaman ang hapdi ng pagkab*bae. “Huwag ka munang gagalaw, masakit,” utos niya. Hindi naman gumalaw ang nobyo at hinayaan na makapag-adjust talaga siya sa laki nito. “Gumalaw ka na,” utos niya. “Kaya mo na ba?” tanong nito sa kaniya. “Kakayanin ko,” tugon niya. Gumalaw si Jin at napakagat siya ng labi dahil mahapdi pa rin kaya huminto si Jin saka nag-aalala na tumingin sa kaniya ang nobyo. “K-kilos na,” utos niya sa nobyo. “O-okay,” anito. Muli ay dahan-dahan na naman na umulos ang nobyo kahit paano ay nawawala na ang sakit at ‘konting hapdi na lang saka talagang naka-adjust na ang pagkab*bae sa laki ni Jin. Muli ay namuo na naman ang pagnanasa sa katawan niya at sumalubong na sa paglabas-masok ng nobyo. “J-Jin!” bulalas niya dahil sa pagnanasang nadarama. “Mahal,” ungol ni Jin saka hinalikan siya sa labi habang panay ang ulos nito sa kaniya. Iniyakap ni Angelu ang dalawang binti sa nobyo habang umuulos at kahit ang braso niya ay mahigpit na yumakap sa katawan ni Jin. Pinagpapawisan na silang dalawa subalit hindi pa rin tumitigil sa pagsalpukan ng mga katawan nila upang maabot ang sukdulan at maramdaman ang luwalhati. “Malapit na ako,” sabi ni Jin sa kaniya. “A-ako rin! Ako rin!” bulalas niya at mabilis na umulos sa kaniya. Nanginig ang mga katawan nila at naramdaman niyang naabot na niya ang sukdulan habang mariin na nakapikit. Dama niya ang init ng k*tas ni Jin na sa loob niya pumasok at hindi kaagad inalis ng nobyo ang pagkal*lake sa loob niya. Hinalikan siya sa labi ni Jin na ginantihan naman niya saka humiga sa kama sa tabi niya at niyakap siya. “Hindi ka ba talaga nagsisisi dahil ibinigay mo sa akin ang katawan mo?” tanong ni Jin sa kaniya. “Oo. Kasi sa mahal ko naman ibinigay ang katawan ko at alam kong mahal na mahal din ako,” tugon niya na may ngiti sa labi. “Mahal na mahal talaga kita at pakakasalan pa kita,” tugon ni Jin sa kaniya saka hinalikan ang noo, pisngi, tungki ng ilong niya at ang labi niya. “Ang saya ko dahil dumating ka sa buhay ko, Jin,” puno ng pagmamahal na sabi niya sa nobyo. “Mas masaya ako dahil sa pagdating mo sa buhay ko, Angelu, mahal ko,” sinsirong tugon sa kaniya ni Jin at niyakap siya nang mahigpit. “Hinding-hindi ko hahayaan na mawala sa buhay ko. Akin ka lang,” anito. Napuno ng kilig at pagmamahal ang puso ni Angelu at nakangiti niyang niyakap ang nobyo. Hubad man ang katawan nila ay hindi siya nahihiya dahil kanina lang ay nagsanib ang mga katawan nila at ibinigay na niya sa nobyo ang pinakaiingat-ingatan na alam naman niyang hindi niya pagsisisihan. “Matulog na tayo. Hindi ba maaga ka bukas para sa exam mo?” aya at tanong ni Jin sa kaniya. “Alas-diyes naman ang pasok ko. Gigising na lang ako ng alas-siyete para umuwi at makapagbihis,” tugon niya sa nobyo. “Ihahatid kita bukas—“ “Huwag na! Maag pa ang pasok mo, eh,” kaagad niyang tanggi. “Half day na lang ako.” “Hindi na. Ayokong pati trabaho mo naabala ko,” aniya. Hinalikan siya sa labi ni Jin subalit saglit lang naman. “Hindi ka naman abala kaya ayos lang,” pangungulit pa rin nito sa kaniya. “Pumasok ka at huwag kang mag-half day dahil baka kaka-absent at half day mo ay mawalan ka ng trabaho. Sayang din naman,” tugon niya kay Jin. “Sige na nga po,” nakangiting payag ni Jin. “Sunduin na lang kita sa school niyo. Text mo na lang ako kung uwian na kayo.” “Sige, hihiramin ko na lang muna ang cell phone ni Ate para masundo mo ako,” nakangiting payag na niya sa gusto ng nobyo. “Pagka-graduate mo magpakasal na tayo,” sabi ni Jin dahilan para magulat siyang mapatingin dito. “Kung papayag ka lang naman. Hindi naman kita hahadlangan na magtrabaho para makatulong ka pa sa mga magulang at kapatid mo kaya kung ayos lang sa’yo ay magpakasal na tayo kapag nakapagtapos ka na,” mahabang dagdag ni Jin. Napangiti si Angelu saka niyakap ang nobyo at walang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya ngayon dahil sa simpleng pag-aalok ni Jin sa kaniya ng kasal kahit palagi naman nitong sinasabi na magiging mag-asawa sila pagdating ng panahon ay iba pa rin pala talaga ang pakiramdam kapag nag-alok na ito ng kasal sa kaniya. “Pakakasal ako sa’yo, Jin,” nakangiting tugon niya sa nobyo. Masayang ngumiti si Jin saka mahigpit siyang niyakap na tinugunan din niya ng yakap. Ngayon ibinigay na niya ang lahat kay Jin ay wala na rin siyang alinlangan pakasalan ito dahil alam naman niyang wala na siyang ibang mamahalin pang lalake kundi ang nobyo niya ngayon at gusto na rin niya itong makasama ng panghabang-buhay. Ikakasal sila matapos ng pag-aaral ni Angelu at bubuo sila ng pamilya. Naiisip pa lang ngayon ni Angelu ang senaryong mag-asawa na sila at magkakaanak ay napapangiti na siya sa sobrang saya at mangyayari iyon ilang-taon na lang ang lumipas. Mapait na napangiti si Angelu nang bumalik ang alaala niya sa reyalidad saka napailing siya. “Pero hindi nangyari. Hindi ginawa ni Jin ang sinabi niya sa aking pakakasalan niya ako dahil matapos nang gabing iyon ay bigla na lang siyang naglaho na parang bula at hindi man lang nagpaalam sa akin,” mapait na sabi niya sa sarili. “Tapos nang nagkita kami ay may kasama na siyang ibang babae at ang masama pa ay ang sasakit na salita ang natanggap ko mula sa kaniya,” dagdag niya at hindi na naman napigilan ang mga luhang dumaloy sa mga mata niya. “Sa tingin mo ba talaga seseryosohin ko ang boring na babaeng kagaya mo?” nakangising sabi sa akin noon ni Jin habang puno ng insultong nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Pinaglaruan lang kita, Angelu, at nang makuha ko na ang gusto ko ay doon na rin natapos ang paglalaro ko sa’yo at tapos na ang kunwaring relasyon natin.” Sobrang dumurog sa puso ni Angelu ang mga sinabing iyon ni Jin at dahil sa insulto at sakit na dinanas niya ay hindi na niya ipinagpilitan ang sarili sa dating nobyo pero hindi niya alam, na may nabuo pala sa naganap sa kanila at nalaman niyang isang buwan na pala siyang buntis. Hindi na niya muli nahanap pa si Jin noon para sana humingi siya ng tulong sa dinadala niya dahil itinakwil siya ng mga magulang at kahit ang kapatid ay pinagbawalan ng mga magulang na tulungan siya. Mabuti na lang talaga may matalik siyang kaibigan at si Shania nga iyon na tumulong sa kaniya. Sinundo siya ni Zanray noon sa inuupahan niyang apartment para patirahin sa isang magandang apartment sa Cavite at binigyan pa siya ng pera pangnegosyo ng mga kaibigan para makapag-umpisa siya kahit nag-iisa. Kahit nasa ibang bansa na si Shania ay tinutulungan pa rin siya nito kaya malaki ang naging utang na loob niya sa kaibigan at hinding-hindi niya iyon kakalimutan kailan man. Napatingin si Angelu sa dalawang anak na mahimbing na natutulog. Si Jolo at Juliet ang naging lakas niya noon para mabuhay at ang naging saya niya lalo na ngayon lumalaking malusog at masaya ang mga anak niya. Napangiti siya kahit pa patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata niya. “Salamat sa inyo, Jolo, Juliet. Dahil kung wala kayo ay baka hindi ko na nakayanan pang mabuhay sa kabiguang naramdaman ko sa Papa niyo,” sabi niya sa mga anak. “Kayo na lang ang lakas at buhay ko ngayon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD