“WHY am I here now? Why did I let myself be defeated by the desire to go to this mall when I have nothing to do here?” tanong ni Timothy sa sarili habang nasa kotse niya at nakatingin sa malaking mall na nasa harap ng parking area.
Timothy sighed and then got out of the car and started walking towards the mall he inherited from his Dad. Binati pa siya ng guwardiyang nakaabang sa entrance na sinagot lang niya ng tango at taas ang noon na tuluyan siyang pumasok sa mall.
Why is he here now when a busy person like him does not just go to a place where he has nothing important to do? Isa lang ang sagot sa tanong niya. Nandito siya dahil simula nang makita niya ang babaeng iyon ay sobra nang nagulo ang buong pagkatao niya. Pigilan man ni Timothy at pilitin huwag siyang isipin ay hindi pa rin mapaknit sa isip niya ang babaeng iyon.
Alam ni Timothy sa mga kilos at emosyon ng babaeng iyon nang makita siya ay nakilala siya nito kahit malaki ang pagbabago niya pati na rin ang buhay na mayroon siya ngayon. Sa totoo lang hindi rin naman talaga niya ini-expect na muli niyang makikita ang babaeng iyon, nagulat din siya nang pagdaan niya sa shop na iyon nang nakaraang-araw ay sumagi sa paningin niya ang isa sa tauhan ng shop at lumagpas na siya sa shop nang mapahinto siya at nagdesisyong bumalik at pumasok sa shop para makasiguradong hindi siya namamalik-mata.
Mabuti at hindi nahalata ni Kiana ang naging reakisyon at kilos niya nang araw na iyon kahit ng mga kasama niya pati na rin ang biglaan niyang pagbalik sa shop at pagpasok doon.
Mabilis ang lakad ni Timothy at kapansin-pansin ang mga taong nasasalubong niyang napapatingin sa kaniya at ang iba naman, ay bumabati lalo na ang mga shop na napuntahan niya noong dumalaw siya rito. Napahinto siya nang malapit na siya sa pinagtatrabahuan ng pakay niya pero muling naglakad siya at walang alinlangan na pumasok sa shop.
“Good morning—“
Hindi natuloy ng babaeng saleslady, ang pagbati sa kaniya nang tignan siya nito at nanlaki ang mga mata na napatingin sa kaniya. Tuluyan nang pumasok si Timothy saka pinagmasdan ang mga make-up na nakahilera sa estante habang dama niya ang titig ng babae na bumati sa kaniya.
Umikot pa ang mga mata niya sa paligid ngunit mukhang nag-iisa lang ang saleslady na nandito ngayong umaga sa shop.
“Sorry, Benilda, medyo na-late ako—“
Napalingon si Timothy sa nagsalita at nakita niyang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya ng bagong dating na isa sa tauhan ng shop na ito at ang babaeng dahilan kung bakit siya nandito at ang gusto niyang makita.
Ang babaeng gumugulo sa isip niya ay nandito na ngayon at kaharap niya.
Maganda ang babaeng dumating at talagang nakuha ang atensiyon niya nang makita niya ito sa shop nang nakaraang-araw at kahit pigilin niya ang sarili ay huminto siya nang araw na iyon saka muling bumalik sa dinaanan shop na pinagtatrabahuan nito.
Napatitig si Timothy sa maiksing buhok nito na bumagay sa maliit ang heart-shape nitong mukha at ang lalong naging sexy nitong pangangatawan. Hindi maiwasan na hangaan muli ang babae subalit pinigilan niya ang sarili at pinigilan ang sariling titigan pa ito lalo.
“S-Sir, ano po bang maitutulong ko sa inyo? May gusto po ba kayong make-up, na bilhin para sa girlfriend niyo?” tanong nang unang babaeng bumati sa kaniya saka lumapit na kaya napatingin siya rito.
Yumuko na ang dumating saka naglakad na nang tuluyan papasok sa shop kaya sinundan niya ito ng tingin.
“I want you to help me find beautiful and high-quality make-up because that is what I will recommend to the make-up artists in my entertainment company,” tugon niya habang pinagmamasdan muli ang babaeng dahilan kung bakit siya nandito.
“Ganoon ba, Sir? Maraming magaganda at de-kalidad—“
“I want her to help me,” putol niya sa sasabihin sana ng kaharap na babae saka tinuro ang kadarating lang na isang staff ng shop.
“Si Angelu po ba?” gulat na tanong ng babae na katabi niya. “Angelu, help mo raw si Sir,” tawag nito sa kasamahan.
Angelu. Napakasarap pakinggan sa tainga ng pangalan niya subalit ang pangalang iyon ang dapat hindi na niya pakatandaan pa.
Nagulat na napalingon si Angelu sa kanila saka tinuro ang sarili, na hindi makapaniwala.
“A-ako?”
“Is there a problem if you help me? All I know is it's your job so it shouldn't be a problem for you,” tugon niya kay Angelu.
“Tutulungan po kayo ni Angelu, Sir, magaling siya sa pagpili—“
“Mas magaling ka, Benilda!” putol sa sasabihin ni Angelu sa kasamahan niya. “S-si Benilda, Sir, maasahan niyo—“
“Tinatanggihan mo ba ang hiling ko sa'yo, as a customer, Miss?” seryoso na niyang tanong kay Angelu.
Nataranta namang lumapit ang kasamahan ni Angelu rito at may binulong pa ito kay Angelu bago tumingin sa kaniya na nakangiti.
“Pasensiya na po kayo, Sir. Nabigla lang po talaga ang kasama ko sa sinabi niya pero tutulungan niya po kayo. Wala naman kaming tinatanggihan na customer lalo na kung nagpapatulong sa pagpili ng mga product namin,” nakangiting sabi nito sa kaniya.
“That’s good to hear,” tugon niya saka muling tumingin sa mga lagayan ng make-up.
Umalis na ang kasamahan ni Angelu at napilitan naman si Angelu na lumapit sa kaniya.
“Sir, ano po bang klaseng make-up ang gusto niyo? May iba’t-ibang uri kami ng make-up pero nasisigurado ko naman po sa inyo na maganda at hindi nakakasira ng balat. May mga organic din po kami at kung gusto niyo, ay ipapakita ko po sa inyo ang lahat ng iyon,” mahabang sabi ni Angelu.
Hindi nagsalita si Timothy at nakatitig lang siya sa mga make-up na naka-display.
“Para kanino nga po ba ang make-up na bibilhin niyo?” tanong muli ni Angelu sa kaniya. “Kung para po sa girlfriend niyo, ay mayroon po akong maire-recommend na babagay sa balat ni Ma’am at mukha niya na siguradong magugustuhan niya.”
Tumingin na si Timonthy kay Angelu at nakita niyang napalunok ito dahil sa matiim na titig niya rito.
“Ikaw? Ano bang klaseng make-up ang ginagamit mo?” tanong niya kay Angelu.
“Ah, eh, hindi po kasi ako masiyadong mahilig sa make-up—“
“Why? Because you can't afford to buy expensive make-up like the one sold in this shop?” tanong niya kay Angelu na may halong pag-iinsulto.
Hindi nakapagsalita si Angelu at mukhang nailang sa naging tanong niya rito.
---
HINDI alam ni Angelu kung paano siya kikilos ngayon sa harapan ni Jin, sobrang kumakabog ang puso niya sa kaba at ilang, dumagdag pa ang tanong nito sa kaniya na parang may halong pang-iinsulto kaya parang may kung anong kumirot sa puso niya.
Pero hindi dapat siya magpahalata sa kaharap lalo kung totoo ang hinala niya na iniinsulto nito muli ang pagkatao niya. Matapang siyang humarap kay Timothy saka binigyan ito nang magandang ngiti na kunwari ay hindi inintindi ang sinabi nito kanina lang.
“Hind naman po namin kailangan bumili ng mga make-up sa shop dahil may binibigay sa aming free kada-dating ng mga products namin dito. Ginagamit ko rin po ang mga iyon kapag kailangan lalo na kapag may mga importanteng kasiyahan na pupuntahan.
“Sa ngayon, Sir. Ang gamit ko ay ang BB-Cream na ito.” Kinuha ang BB-Cream sa estante saka ipinakita kay Jin. “Long lasting po kasi siya at hindi rin sticky. Kahit buong maghapon sa trabaho at bumiyahe pa ako pauwi sa bahay namin, ay hinding-hindi ako naha-haggard dahil sa ganda ng cream na ito,” nakangiting sale talk niya sa product na hawak.
“Hindi ba talaga siya sticky?” tanong ni Jin at nagulat siya nang hawakan nito ang pisngi niya saka hinaplos dahilan para mapaatras siya.
Mukhang nagulat din si Jin at biglang ibinaba ang kamay saka muling tumingin sa estante ng mga make-up.
“Hindi po talaga siya sticky sa mukha at hindi rin po mainit,” aniya.
Habang hindi nakatingin si Jin sa kaniya at abala sa kakatingin sa mga make-up ay napasadahan niya nang tingin ang kabuuan ng binata at ngayon, ay nakasuot lang ito ng simpleng pantalon at polo T-shirt pero halatang mamahalin. Lalo tuloy siyang nagtaka kung bakit nagpunta rito ang binata samantalang hindi naman ito nakapormal na suutin na dating suot nito nang magpunta rito.
“Angelu,” tawag ni Benilda dahilan para mapalingon siya rito. “Tumawag si Ma’am at nasa parking na raw ang sasakyan ng mga bagong product ng shop. Pupunta na muna ako doon para asikasuhin at maiiwan na muna kita rito,” paalam ni Benilda na ikinalaki ng mga mata niya.
Maiiwan siya rito na kasama ang lalaking ito?
Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mukhang nagmamadali na si Benilda at saka lumabas ng shop na wala man lang lumabas sa bibig niya.
“Are you really the only two people here? Why hasn't your boss hired other staff so that when there are many customers, not only one will be left here when a product comes?” untag na tanong ni Jin sa kaniya dahilan para mapatingin siya muli rito.
“Nasa plano ng mag-hire si Ma’am ng bagong staff ,” tugon niya.
Tumingin si Jin sa kaniya mula ulo hanggang paa na ipinagtaka niya at lumakad palapit sa kaniya dahilan para mapaatras siya. Mas lalong kumabog ang puso niya at ang hiling niya ay sana hindi marinig ni Jin ang tunog niyon para hindi ito mag-isip ng kakaiba sa kaniya.
“What is your name, Miss?” tanong ni Jin sa kaniya. “For me to tell your boss that I liked your service here in the shop and you helped me a lot in buying make-up that I will recommend to the make-up artists of our company.”
Pakiramdam ni Angelu ay hinati ang puso niya sa tanong na iyon ni Jin. Hindi siya kilala nito samantalang may nakaraan sila at hindi lang iyon, ibinigay niya ang buong tiwala sa lalake pati ang pagkab*bae at nagbunga pa ng kambal, na hindi naman nito alam at wala siyang planong ipaalam.
Malaking insulto rin iyon sa kaniya dahil hindi lang basta-basta ang ibinigay niya kay Jin at hindi lang siya kung sino lang siyang babae, na dumaan sa buhay nito noon pero base sa pagtatanong nito ngayon at hindi na siya matandaan, ay sa tingin niya ay balewala lang talaga siya para kay Jin.
“Miss?” untag ni Jin sa kaniya.
Napatingin siya kay Jin at pinatatag ang kalooban. Hindi siya dapat magpahalata ng nararamdamang ngayong sakit at kung hindi siya kilala nito, ay dapat ganoon din siya.
“Angelu Bernardo po ang pangalan ko,” nakangiting tugon niya. “Salamat po dahil ibibida niyo sa boss ko ang nagawa ko.” Pinasaya pa niya ang boses para mas kapani-paniwala ang ipinapakita niya rito.
Tumitig sa kaniya si Jin pero mayamaya ay inalis din nito ang tingin.
“Papupuntahin ko ang mga tauhan ko bukas para sila na ang mamili ng mga make-up sa kompanya ko,” anito. “Ako nga pala si Jung Timothy Kim,” pakilala rin nito sa sarili.
“Jung Timothy?” hindi napigilang tanong na bulalas niya.
Hindi Jung Timothy ang pangalan ni Jin kaya nagtaka siya na ganoon ang pagpapakilala nito sa kaniya saka hindi Kim ang apelyedo ni Jin kundi Delgado. Paanong nagbago ang pangalan ngayon ni Jin?
“Yes,” tugon ni Jin saka nagtatakang tumingin sa kaniya. “May problema ba sa pangalan ko?” tanong nito sa kaniya.
“W-wala, Sir,” mabilis niyang tugon. “Naalala ko kasi ang pangalan niyo, na parang nabanggit sa balita. Hindi ko lang alam kung saang balita,” pagsisinungaling niya na may halong katotohanan dahil minsan narinig niya sa radio ang ganoong pangalan.
“Ah, yes. May entertainment company kasi akong pag-aari at hindi lang ang mall na ito kaya nabalita ang pagdating ko rito sa Manila kasama ang fiancée ko,” tugon ni Jin.
Nagulat man sa sinabi ni Jin si Angelu pero hindi na siya nagpahalata at ngumiti na lang siya.
“Napakayaman niyo naman po pala, Sir,” nakangiting komento niya.
“Yes,” tugon ni Jin sa kaniya.
Napansin niya ang malamig na tingin ngayon sa kaniya ni Jin pero umiwas siya ng tingin sa binata saka inayos ang mga nagulo niyang make-up kanina na ipinakita niya sa binata.
“I'm leaving. Just wait for the staff that I will send here tomorrow,” paalam ni Jin.
Tango lang ang sinagot niya saka na umalis nang tuluyan si Jin at doon ay malakas siyang napabuntonghininga. Doon ang ngiting kanina ay ginagamit niyang maskara sa harapan ni Jin, hindi, Jung Timothy pala ay naalis na at napalitan ng kalungkutan na kanina pa gustong lumabas.
“Kung kinalimutan mo na ako nang lubusan at parang wala lang ako na naging parte ng buhay mo ay hindi ko na rin talaga dapat pa na ipaalam sa’yo na nagkaanak tayo. Dahil baka hindi mo rin sila kilalanin at ayokong masaktan nang kagaya ng nararamdaman ko ngayon ang mga anak ko,” sabi niya sa sarili.
Doon naman dumating si Benilda na kasama ang mga nag-deliver ng mga products ng shop nila saka nagmamadaling lumapit sa kaniya.
“Nasaan na ang CEO?” takang tanong nito sa kaniya.
“Umalis na. Bukas daw may darating para sa make-up na bibilhin nila,” tugon ni Angelu saka tinalikuran si Benilda at planong i-check ang mga product na nasa box pa.
“Palagay ko type ka ng CEO na iyon kasi nandito naman ako ikaw pa ang gusto niyang mag-asikaso sa kaniya—“
“Benilda, saka na tayo magtsismisan kapag natapos na natin ayusin ang mga products na dumating. Marami ito kaya baka gabihin tayo kung tsismisan ang uunahin natin,” putol niya sa sasabihin sana ni Benilda.
Ngumisi naman ang kaibigan sa kaniya na mukhang hindi napansin na naiirita siya sa usapang gustong buksan nito.
“Oo nga pala. Ang sarap kasi talagang magtsismis,” anito saka lumapit na rin sa isang box at binuksan iyon.
Nagpapasalamat si Angelu dahil mukhang wala talagang napansin si Benilda at parehas na silang naging abala sa trabaho kahit sa totoo lang ay namimigat ang dibdib niya dahil kay Jin o Jung Timothy.