Chapter 37: Instrumento "Ha? Ano ang ibinigay nila Ty?" Mabilis kong tanong kay Tyler. "Sa nabasa ko ay isang freshman daw na minor de edad tapos from college of nursing raw ito." "Paanong naging freshman iyong killer? Eh ang maskulado ng katawan non." "Patingin nga ng pic." Si Tyler. Mabilis kong tiningnan ulit ang aking cellphone at dumiritso ng scroll down. "Ito." Iniharap ko sa kanila ang screen. "Hindi nga freshman kung titingnan ang taong ito." Si Kristen. Napapatitig siya. "Kung ganoon, sino iyong pinaratangan ng mga pulis?" Napaawang ang labi ni Tyler. Isa lang ang nasa isip naming tatlo. Kahina-hinala ang mga pulis na 'yon! Minabuti naming maghapunan muna. Nakakatuwa lang dahil dito sila kumain sa aking kwarto upang samahan ako. Kaagad kong naisip sina Mama at Papa, si