Chapter 42: Exorcism of the House Natapos kami ni Tyler sa pag-iihaw. Wala pa rin ang sinasabing pari ni Angel. Maging ang dalaga ay nag-aalala na din kung saan na iyon. "Tawagan mo nalang kaya ulit, Gel?" Saad ni Kristen. Nakahanda na kami para sa salu-salo pagkatapos ng blessing. "Sige," Iyon ang ginawa ng dalaga. Hindi na umalis si Angel sa aming harapan. Sandali lang na nag-ring ang cellphone na tinawagan nito at may sumagot kaagad. "Hello Father." Bungad ng dalaga, "saan na po kayo?" May naririnig kaming boses pero hindi malinaw. Masyadong mahina ang ring tone ni Angel. "Po? Tama po yong address na ibinigay namin...Sige, bubuksan ko ngayon din ang GPS ko Father." Kumunot ang noo ko. Ba't kailangan pa ng GPS? Nang matapos ang usapan nila ay napabuntong hiningang hinarap n