CHAPTER FIVE

2961 Words
Chapter Five: Friend  Pagkatapos ng first period ay kaagad na kaming nagsilabasan. Sobrang nakakapanibago lang dahil bawat estudyante na aming nakakasalubong ni Tyler ay nag-iiwas ng tingin. Sa tingin ko’y lahat ng estudyante ang binigyan babala ng mga professor sa first period. Ang noo'y maraming nag-iingay na mga college students, ngayon ay nababalot na ito ng katahimikan. Sa aking palagay, lahat ay nagluluksa sa mga nangyayari ngayon. At may iba, natatakot lang dahil walang nakakaalam kung sino ang susunod na mawawala. “Gab, umuwi na kaya tayo? Alam mo, iniisip ko palang na umuwi mamayang hapon ay natatakot na ako. Diyos ko baka nandiyan lang ang killer sa daan, inaabangan tayo.” “Ano ka ba, kalalaki mong tao tapos na natatakot ka? At kampante naman ako na hindi sasalakay kung sino man iyon sa ganitong karaming tao. At ano bang pinagsasabi mong killer? Wala pang nakakapagsasabi na patay na ang mga ito.” “So hihintayin pa na makita nag bangkay para masabi patay na?” Napahinto si Tyler. “Parang ganoon na nga at huwag na nating pag-usapan ang mga ganyang bagay Tyler. Hindi ka makakaoag-focus sa discussion niyan.” Kahit ako ay kanina pa binabagabag sa mga nangyayari. Pilit ko lang talagang winawaglit sa aking isipan dahil ayokong mawala sa focus lalo pa’t mahihirap ang mga subject namin ngayon. “Sa bagay may punto ka rin...tara na nga, baka mahuli tayo sa next subject.” Ito na ang nagkusang kumladkad sa akin patungo sa next subject. Pagpasok namin sa room ay sobrang tahimik ng lahat. Pinakiramdaman ko ang bawat isa sa aking mga kaklase. Lahat ay tulala, tila iniisip parin ng mga ito ang nangyari. “Alam mo, parang ikaw lang yata ang hindi napa-praning sa atin lahat rito.” Bulong sa akin ni Tyler, tiningnan ko ulit ang mga kaklase namin. Parang may mali. Binaliwala ko nalang ang aking iniisip. Napansin ko ang isang upuan sa unahan, last week bakante ang ang upuan na iyon. At walang sinuman ang umuupo. Pagdating ng aming professor ay agad napaupo ng tuwid at tumingin sa kanya. Ganoon din si Tyler na nasa tabi ko. “Goodmorning class.” Malungkot na bati ni Professor Marcus[K1] . Bakas sa kanyang mga mata ang labis na pangungulila. “Goodmorning sir.”  Mahinang bati namin. Malungkot rin iyon ngunit bakit? “Hanggang ngayon ay wala paring balita sa inyong kaklase.” Parang naiiyak si Professor Marcus. Hindi ko makita ang kanyang luha dahil malayo ako sa harapan ngunit sa kanyang boses ay ramdam na ramdam kong naiiyak siya. “Sinusubukan na namin ang lahat ngunit wala paring lead upang matunton si Mr. Calvez.” “Gab, bakit umiiyak iyang si Professor Marcus?” Inilapit ni Tyler ang mukha niya sa akin para lang magtanong. “Hindi ko alam.” Maging ako ay nagatataka rin. May katandaan na si Professor Marcus sa tingin ko’y magkasing edad lang sila ni Papa. “Classmate, bakit umiiyak si prof?” Kahit kailan talaga ay chismosa itong si Tyler. Ngayon ay tinanong niya ang babaeng estudyante sa kanyang harapan. Sumagot ang kaklase namin ngunit hindi ko marinig. Sobrang hina ng kanyang boses dagdagan pang may sinasabi ang professor.” “Ahh.” Patango-tango lang si Tyler. Kaagad naman akong naintriga kaya ako naman ngayon ang naglapit ng mukha kanya. “Bakit raw?” “Kasi pamangkin niya si Calvez.” “Iyong nawawala?” Hindi ako makapaniwala sa narinig. Ang sakit siguro sa part niyon ng Professor lalo pa't nasa iisang University lang sila dalawa. “Ano ka ba, kasasabi nga lang niya diba? Kaya siguro umiiyak siya dahil sinisisi niya ang kanyang sarili dahil si Professor Marcus ang nagsisilbing guardian ni Calvez.” “Ahh.” Patango-tango lang ako. Kaya pala ganoon nalang ang emosyon na lumabas kay Professor Marcus, pamangkin pala niya ang nawawalang si Calvez. Pamilyar sa akin ang apelyedong Calvez pero hindi ko matandaan kung ko siya naging kaklase. Last month pa kasi ang pasukan namin kaya may mga bagong kaklase palibhasa floating kami ng schedule ni Tyler. Pagkatapos ni Professor Marcus sabihin ang update ay nagtuloy na siya sa kanyang pagtuturo. Pero alam niyo iyon lutang ang isang tao? Minsan napapahinto si Professor Marcus at napapatingin sa kawalan. Sobrang naaawa ako sa kanya bigla ko tuloy naisip si Papa paano kung sa kanya nangyari ang nararamdaman ngayon ni Professor Marcus o sa mga magulang ni Calvez? At paano rin kung ako ang nawawala at pinaghahanap ngayon? Diyos ko, kung saan man ngayon ang mga nawawalang estudyante nawa’y nasa maayos silang kalagayan kahit mukhang malabo. Nakakalungkot isipin na mangyayari ang lahat ng bagay na ito sa hindi malamang dahilan. “Class dismissed.” Iyon lang ang nasabi ni Professor Marcus nang matapos niya ang first lesson. Masiyado pang maaga ng thirty minutes para pumasok sa third period. Sa pagkakataong ito ay minabuti na muna namin  ni Tyler na tumambay sa loob ng room. Tatlo nalang kaming natira. Ako, si Tyler at isang babae na katabi nong bakanteng upuan sa unahan. “Sandali lang.” Si Tyler at lumapit ito sa babae. Kahit kailan talaga ang babaero ng lalaking ito. Sa pagkakaalam ko ay may nililigawan itong babae sa ibang department. Tiningnan ko lang siya habang kinakusap niya ang aming kaklase sa subject na ito. Minabuti kong huwag na munang mag-isip tungkol sa nawawalang estudyante. Ang dapat kong asikasuhin ay iyong babae sa aking panaginip. Hindi ko siya nakita ngayong umaga, kailan ko kaya siya makikilala? Kapag tinatanong ko kasi siya sa aking panaginip ay ayaw naman niyang sumagot. Sa halip na sagutin ako ay naghuhubad siyang ng kanyang bestida at saya. Sobrang napakahiwaga niyang babae. Paano niya kaya niya iyon nagagawa? Ang pumasok sa aking panaginip. May kinalaman kaya ang belo na iyon? Medyo malabo naman dahil bagay lang iyon at walang buhay. Nababaliw na ako kung iisipin ko na siya iyong belo at nagiging babaeng malandi siya kapag gabi. “Gabriel.” Mahinang tawag sa akin ni Tyler kaya napatingin ako sa kanila. “hali ka dito.” “Bakit?” Wala akong balak na makipag-kwentuhan sa kanila sigurado naman ako na tungkol kay Calvez ang kanilang pag-uusapan. “Basta, may mahalaga kang marinig.” Sobrang hina na ng kanyang boses at sa tingin ko’y parang confidential ito. Tumayo nalang ako at lumapit sa dalawa. Kukulitin lang ako ni Tyler kapag hindi ko siya pinagbigyan. Umupo ako sa tabi ng babae. Pinagitnaan namin siya ni Tyler. Pagtingin ko sa kanyang mukha ay napaawang ang aking labi. Ang ganda niya. Para siyang si Angel Locsin at morena ang kanyang beauty. Ang ang kanyang labi, ang lambot-lambot tingnan. Para akong nahahalina sa kanyang kagandahan. “May sasabihin ka ba sa amin...” Napahinto ako dahil hindi ko alam ang pangalan niya, “ano nga pala ang pangalan mo?” Bahagya akong napakamot sa aking batok. “Ako si Angel[K2] .” Pakilala niya at ngumiti ng tipid. Wow! Kakaisip ko palang kay Angel Locsin sa kanya. Mukha nga siyang artista at bagay sa kanyang ang pangalang Angel. Pati ang kanyang boses ay ang sarap sa aking tenga. “Diba sinabi ko saiyo na may huling nakakita kay Calvez?” Si Tyler. Natandaan ko nga na sinabi niya iyon sa akin kanina, “oo, bakit?” Medyo na curious ako. Tumignin ako kay Angel at napayuko siya ng ulo. Huwag niyang sabihin na siya ang huling nakakita sa estudyanteng nawawala? Naghintay kami ni Tyler na manggaling mismo sa kanyang bibig ang nakuha naming “Ako ang huling nakausap ni Calvez.” Malungkot ni Wika ni Angel. Hindi na ako nagulat, sa mukha ekspresyon palang ng kanyang mukha ay alam ko na. Inayos niya ang kanyang upo at patingin-tingin siya sa paligid. “Last week.” Pagsisimula niya, “ ako ang huli niyang nakausap. That was seven in the evening, matagal kaming umuwi dahil sa project na aming tinatapos. Sabi niya sa akin ay mauna na akong umuwi dahil may pupuntahan pa siya. Tinanong ko siya kung saan.” Napahinto si Angel at tumingin na naman sa paligid. Mukhang labis talaga siyang nag-aalala lalo na siguro sa kanyang siguridad. Sa panimulang kwento niya ay parang unti-unting nagsitayuan ang aking mga balhibo. Ngayon lang ako nakaramdam ng kilabot sa tanang buhay ko. Kahit na lalaki akong tao ay nakakaramdam parin ako ng ganoon sa sarili. “Ipagpatuloy mo lang Angel,” ani ni Tyler. Hindi siya makapaghintay, kagaya niya ay ganoon din ako. Gusto kong malaman ang dahilan kahit hindi man lang exact information Humugot muna ng malalim na hininga si Angel. Napatingin na naman siya sa paligid ng room. Alam kong natatatakot siya kung sino man na makarinig. “Sinabi niya sa akin na pupunta siya sa sementeryo.” “Ha? Bakit? Anong gagawin niya sa sementeryo?” Hindi makapaniwalang tanong ni Tyler. Nanatili lang akong tahimik. Pilit kong sini-sink in lahat. Medyo napaka-creepy ka non bakit sa sementeryo pa? “Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan basta’t pupunta daw siya sa sementeryo. Sa gabing iyon ay parang tolero si Calvez, parang may malalim siyang iniiisip. Halos ako na nga lang ang gumagawa ng aming assignment.” "Teka, hindi mo lang ba tinanong kung bakit sa sementeryo? At kung bakit doon na gabi." Sa wakas at tanong ko. "Gusto ko rin iyon itanong ang kaso naisip ko na baka Mama niya lang na pumanaw last month. Sobrang lapit ni Calvez sa kanyang Mama kaya nong pumanaw ito ay halos hindi niya matanggap." Napatigil si Angel, "kaya iyon ang aking dahilan kung bakit siya pupunta sa sementeryo." "Pero hindi ka pa rin ba nagtaka?" Si Tyler. Mas lalo pang sumeryoso ang kanyang mukha. "Siympre nagtaka, pero nang gabing iyon ay parang may ka-text siya." "Ka-text?" Naisatinig ko. "Oo pero di na ako nagtanong kung sino kasi personal na 'yon at privacy pa." "Pero alam mo, duda akong may rason pa bukod sa dadalawin niya ang kanyang ina sa sementeryo." Napatingin sa kawalan si Tyler at tila may malalim itong iniisip. Sa sinabi ni Angel ay prang may kikitain lang si Calvez. Baka doon ang kanilang tagpuan, malakas ang kutob kong may taong kakilala niya na behind sa kanyang pagkawala, ngunit sino? Peo ang hirap naman magbintang o manghula. “Mangako kayong walang pagsasabihan nito?” Seryosong wika ni Angel. “Natatakot ako na baka ikakapahak ko pa ang pagsabi ko sa aking mga nalalaman.” “Sandali, nasabi mo na ba ito sa mga otoridad?” Kailangang malaman nila ito para magkaroon sila ng lead. At kapag nangyari iyon ay madali na nilang matutunton si Calvez. “Oo ngunit gaya ng kanilang sinabi ay wala na, hindi na nila matukoy, sinuri nila ang mga CCTV sa lahat ng sementeryo ngunit walang makita na Calvez.” “Naku, baka inambangan talaga si Calvez sa daan.” Natatakot na wika ni Tyler. Kung hindi makita si Calvez sa maaaring tama si Tyler o hindi kaya ay dito mismo nawala si Tyler sa University. Malaking palaisipan parin iyon kung walang kahit na anong clue tungkol sa pagkawala ni Calvez. Medyo mahihirapan nga ang otoridad sa case na ito. Pero sana nagtanda na sila, hindi lang uang beses na may nawawalang estudyante. Pangatlo na ito at dapat natuto na sila. “Mauna na ako sainyo.” Tumayo si Angel at hinarap kami, “kung ano man ang inyong narinig ay sana sa atin lang iyon lahat.” Aniya tiyaka tumakbo palabas ng room. “Hindi ko siya maintindihan Gab. Ayaw niya raw ipasabi sa iba gayong alam ng otoridad ang kanyang ikwenento.” “Hayaan mo nalang siya, baka iba ang sinabi niya sa otoridad.” Ani ko, kung ayaw  niyang ipasabi iyon sa mga pulis baka may hindi pa siya sinasabi sa amin o hindi kaya mga nag-iimbistiga. “Sandali, sino ba ang Calvez na iyan? Nakita ko na ba siya?” Kanina pa namin siya pinag-uusapan ngunit wala akong alam kung sino ba talaga si Calvez sa nalaman kong pamangkin ito ng Professor. “Hindi mo siya kilala?” Dismayadong wika niya, “iyong estudyanteng nakaupo diyan.” Tinuro ni Tyler ang bakanteng upuan na kanina ko pa napapansin. “Siya pala?” Ngunit malabo ang alaala ko sa kanya. Nakalimutan ko ang kanyang mukha. Sa tuwing papasok kami sa subject na ito ay hindi naman kami nakikipag-usap o nakikipag-interact sa iba. Kaya pala medyo familiar ng kaunti ang kanyang pangalan. “Oo siya, iyong mga kaklase natin dito ay blocked schedule sila, tayo lang ang floating.” “Ahh.” Patango-tango lang ako kay Tyler[K3] .   Naisipan namin ni Tyler na lumabas na at pumunta munang cafeteria. Medyo nagugutom na rin ako. Habang naglalakad sa hall way patungong cafeteria ay palinga-linga ako. Baka sa pagkakataong ito ay makita siya. “Gab, napapansin ko lang ha.” Medyo inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, “kakaiba ang tingin ni Professor Sotto saiyo.” “Ha?” Napahinto ako sa aking paghahanap at tiningnan ko siya ng pa-seryoso. “Bakit mo naman nasabi?” Kahit maging ako ay napapansin ko iyon. Nagkukunwari akong parang natural lang. “Tingnan mo siya.” Sinundan ko ang mga mata Tyler at nandoon si Professor Sotto sa labas ng isang room na nakasandal ang likod sa pintoan. Sa akin siya nakatingin at kakaiba pa rin iyon. “Alam mo kahapon ko pa siya napapansin na ganoon.” “Tumahimik ka muna baka mapansin ka ni Prof.” Baka magalit pa ito sa amin dahil pinag-uusapan namin siya. Nang malapit na kami kay Professor Sotto ay sabay kaming ngumiti ni Tyler at mabilis namin siyang nilagpasan. Sobrang nakakailang mga titig niya sa akin at parang hindi siya propesyunal na umakto. Magaling pa naman si Professor Sotto sa subject na kanyang tinuturo. “Baka may pagnanasa siya saiyo, Gab.” Natatawa si Tyler habang sinasabi niya iyon. Gago.” Marahan ko siyang itinulak at nagmadaling maglakad. Ayokong mag-isip ng ganoong bagay tungkol sa Professor. Wala namang bahid ng kabaklaan ang ayos ni professor at maging kanyang mga sinusuot. The way siya magsalita ang lalaking-lalaki rin. Kaya hindi iyon magandang isipin bilang isang motibo. “Hintay!” Sigaw niya sa akin at hinabol ako. Pagdating namin ni Tyler sa cafeteria ay may kaunti lang na estudyante. Tahimik lang mga ito at mukhang hot topic parin ang pagkakawala ni Calvez[K4] . Nagpunta kami sa harapan at nag-order ng pagkain. May napansin akong donut at kaagad akong natakam ngunit dali-dali ko ring naalala si Papa. Aya niya pala na kumakain ako ng sobrang matatamis na pagkain. At isa pa may donuts pa ako sa bahay hindi ko naubos ang mga iyon kagabi. “Bakit nakatingin ka lang sa mga donuts? Ayaw mo ba niyan?” Si Tyler. “Hindi na ako nasasarapan.” Pagsisinungaling ko. Paraan ko lang iyon para hindi na matakam. “Sigurado ka? Noong freshmen pa tayo rito ay panay na ang kain mo niyan halos oras-oras ka ngang bumibili. “Noon iyon, health concious na ako.” Giit ko sa kanya, “tara na.” Kinuha ako ang pasta at naunang tumalikod sa counter. Napansin ko ang bakanteng table kaya doon ako nagtungo. Sumunod si Tyler sa akin at agad niyang inilapag ang kanyang pasta ring pagkain. “Let’s eat.” Aniya. Kakaumpisa palang naming kumain nang maamoy ko ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Bigla nalang kung may anong dumaan na hangin sa aking likuran. Binitiwan ko ang tinidor at nagpatingin-tingin. “Hoy! Anong nangyayari saiyo?” “Ha? Wala-wala.” Ani ko. Muli kong hinawakan ang tinidor at dumukot ng kaunting noodles. Pasubo na ako ng pasta nang mapansin ko si Professor Sotto sa may bukana ng cafeteria. Saglit akong napahinto at bahagyang ngumiti. Inirapan ko siya at kumain na. Sobrang weird na niya, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya parang nasaniban ng kung anong espiritu. “By the way, next month na pala ang laboratory assessment natin.” “Oo nga paka, nakalimutan ko iyon. Magda-disect kami ng aso para sa anatomy. Ang ibig sabihin nito ay kailangan puspusan ang aming pag-aaral at before ng assessement kailangang nandidito kami sa Univerisity buong magdamag. “Hindi ba ipinagbawal na pumarito beyond given time?” Baka hindi kami nito makapag-aral. Iyong mga libro na gagamitin namin ay hindi puwedeng dalhin sa bahay. “Hindi ko rin alam, eh. Kung papayagan tayong pumunta rito nagdadalawang isip akong mag-stay, bibili nalang ako ng libro sa online baka makahanap ako.” Sa bagay parang ako nga din ay hindi papayagan nina Mama lalo pa’t sinasabi nila na buwan rin ng Setyembre nang may huling nawala last year. Hindi naman ganoong hot topic iyon, nababahala lang ang mga tao ngayon dahil mukhang naulit na naman. “Sa tingin ko rin kung papayagan tayong mga vetmed student ay may mga kasama naman tayong professor at magdadagdag sila ng security personel.” Dagdag ni Tyler. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nakatuon sa kanya. Bumalik ang tingin ko kung saan nakatayo si Professor Sotto. Wala na siya roon at mukhang nakaalis na. “Hoy, ano ba ang tinitingnan mo diyan, ha?” Napalingon siya sa aking tinitingnan, napakunot lamang ang kanyang noo nang wala naman itong nakikita. “Si Prosessor Sotto kasi, nakatingin na naman siya sa akin kanina.” Masiyado na siyang obvious. Natatakot ako kung anuman ang iniisip ng professor sa akin. Parang may mali talaga kung paano niya ako tingnan. “Kausapin mo kaya?” “Gago, ayoko.” Bukod sa nakakahiya at natatakot rin ako. “Para malaman mo ang dahilan kung bakit ganoon nalang siya tumingin saiyo. Kung ako ang nasa sitwasyon mo ngayon ay kikilabutan ako.” Tama si Tyler. Iyon nga ang paunti-unti kong nararamdaman. Habang tumatagal ay parang nababahala na ako. “Bahala na siya, basta ako, wala akong ginagawang masama. Wala namang problema sa akin na titigan niya ako ngunit huwag naman sana na sa tuwing nakikita niya ako ay ganoon siya.” “Tama ka. If I were you, kausapin mo siya...duda rin ako na type ka niya.’ “Sira ka talaga.” “Anong sira, alam mo bang may nakakita raw kay Professor Sotto na may kasamang ibang lalaki.” “Kasama?” Medyo na-curious ako. “Oo, last week yata ‘yon at mukhang estudyante.” “Sigurado ka?” Ngayon ay medyo kinilabutan ako. Possible kayang si Calvez ang kasama ni Professor Sotto? “Baka si Calvez.” Mahina kong wika. “Hoy gago, iba! At nasa engineering department.” “Ay iwan ko saiyo.” Inirapan ko si Tyler at nagpatuloy na kumain. Nagmimistula kaming mga tsismoso rito. Bilib rin ako sa lalaking ito, sobrang daming nalalamang chismis! Pero kahit ganoon siya ay ang saya niya lang kasama. Parang hindi mabubuo ang aking pag-aaral sa University kung walang ganitong kaibigan at kaklase.  Sobra akong thanful kay Tyler dahil kahit papaano ay nagagawa kong makipag-social life rito at somehow nagiging bridge ko siya to meet other people.  Minsan naiisip ko na para ko no siyang kapatid. Gusto ko siyang maipakilala sa aking mga magulang para naman masabi nilang nakikipagkapwa ako. Noon pama'y wala akong naipakilala sa kanila baka this time or soon madala ko si Tyler sa aming bahay. Pero hindi pa sa ngayon. Haist! Ganito siguro kapag only child ka. Naghahanap ka ng kapatid sa ibang tao at nakikita mo silang pamilya na dahil gustong-gusto mo talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD