Chapter 40: Malignong Agta Mula sa masangsang na amoy ng sigarilyo ay napalitan iyon ng medyo kakaibang baho. Hindi ko matukoy kung ano 'yon. Kaagad akong na-curious. I wanna know kung saan nanggagaling ang aming naaamoy ni Kristen. Nakadalawang hakbang pa ako nang pigilan ako ng babae. "Baka kung anong maligno 'yan Gab." Ang lakas ng kapit ni Kristen sa aking braso. Takot na takot siya. "Hindi naman natin siya gagambalain, eh. At isa pa wala tayong gagawing masama." "Kahit na Gab. Baka ano pa ang gawin niya sa atin." Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Talagang mababakas sa dalaga ang takot. Napabuntong hininga ako. "Sige, pero isasara ko na lamang ang pinto." Hahakbang sana ako nang pinigilan na naman niya ako. "Isasara ko lang. Wala akong gagawing ikakapahamak natin." Paninigu