Chapter 16: Kuwentas Nakahinga ako nang maluwag, “takti naman Tyler, papatayin mo ako sa gulat.” Napabuntong hininga ako. “Saan ka galing? Hindi kita nakita kanina palabas ng gym, ha?” Nang magsilabasan ang lahat ay diko na rin siya napansin. Mukhang natangay nga ang aking konsentrasyon sa kakasunod sa multo na babae. “May kinausap lang ako. Nakita kitang nakatayo rito at titig na titig ka sa building na 'yan," aniya. "Teka, are you not afraid sa building na 'yan? Eh, diyan nainirahan ang multo at mula nong minulto ka diyan hindi na ako dumadaan. "Siyempre naman natatakot pero at the same time naku-curious ako." "Ayan na naman tayo. Curiosity kills, diba? Tayo na, may mga guard nang lumilibot rito.” Hinila ako ni Tyler. Curiousity kills nga kapag hindi kikontrol ito ng maayos. Uma