TUKSO

2807 Words

CHAPTER 17                 Wala kaming panahon na makapag-usap ni Eldrin. Bantay-sarado siya ng kanyang mga magulang at bodyguards. Pinagitnaan siya. Tanging mga panakaw na tinginan lamang ang piping saksi sa mga gusto sana naming sabihin sa isa’t isa. Nararamdaman kong napakarami niyang gustong sabihin sa akin at ako rin sa kanya ngunit wala kaming kalayaan. Sa ilang buwan na hindi ko siya nakita, lalo na siyang tumangkad, lumaki ang katawan at lalong naging gwapo.                 Nang na-set na ang pre-trial ng aking kaso at muli akong pinosasan para ibalik sa kulungan ay tumayo ako. Kitang-kita ko pa rin sa mga mata ni Eldrin ang awa sa akin. Hindi rin maitago ni Papa ang galit niya sa pamilyang nagdiin sa akin. Kanina pa pinipigilan ni Mama si Papa. Pipakiusapang tumahimik at umayos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD