ISINAKDAL KO SI SIR
BY: PINAGPALA (JOEMAR P. ANCHETA)
CHAPTER 1
Sinipat ko ang aking orasan habang mabilis kong inakyat ang hagdanan papunta sa room 409. Iyon ang pinakamataas na palapag sa isa sa apat na building ng aking pinatuturuan. Araw ng lunes at iyon ang unang klase ko sa umagang iyon. Napansin ko ang padilim na kalangitan. Mukhang nagbabadya ng malakas na pag-ulan.
Tinatamad akong pumasok dahil inaakala ko na magsususpend ang aming Mayor ng klase dahil alam naman niyang may padating na bagyo. Nakailang bukas na ako sa f*******: page ng aming lungsod ngunit wala talaga siyang announcement. Wala akong magawa kundi ang magmadaling maligo at magbihis. Mabuti at hindi pa ako inabutan ng traffic sa Edsa dahil kung hindi paniguradong mas na-late pa ako sa klase ko.
First period ko ang aking ang aking advisory class. Late na ako ng fifteen minutes pero nakita kong marami pa rin ang mga mag-aaral sa pasilyo. Ibig sabihin marami rin sa mga katulad kong teachers ang umasa na walang pasok ngayon. Yung iba marahil pinanindigan na lang ang di pumasok. Umaasa na magpopost rin ang aming mayor na kanselado na ang klase. Iyon ang hindi magandang nangyayari. Saka lang sila mag-suspende ng klase kung kailan nasa paaralan na ang mga mag-aaral at guro. Sayang yung pamasahe at panahon ng mga mag-aaral. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga.
Binilisan ko pa ang aking paglalakad at baka mag-iingay na naman ang aking mga istudiyante. Nang mabungaran ako ng ilang mga mag-aaral na nasa pasilyo ay agad naman silang nagsipasok sa kanilang silid aralan. Takot na lang sila sa akin. Alam kasi nila na pagsasabihan ko sila kahit pa hindi nila ako guro. Kilala ako bilang masungit at istrikto ng mga hindi ko hawak na mga mag-aaral ngunit sa mga naging istudiyante ko at kasalukuyan kong mga hawak, alam nila na palakaibigan, mabait, matalino at maunawain akong guro. First year of teaching ko kaya naman kailangan kong magpagkitang gilas. Kailangan seryoso ako sa klase dahil kung hindi, kakainin ako ng buhay lalo na yung mga halos kaedad ko nang grade 10. Pero hindi naman ako all the time masungit na guro, approachable naman sa labas ng silid-aralan.
Sanay na rin ako sa mga kilig ng mga nadadaanan kong babaeng istudiyante na bumabati sa akin. Batid ko naman kung bakit. Hindi sa pagyayabang, ako ang pinakamaputi, pinakabata, pinakamatikas at pinakaguwapong guro sa aming paaralan. Hawig ko raw si Alden Richards kaya maraming mga babaeng mag-aaral na nagpapa-cute sa akin. Kung tinitignan ko sa salamin ang aking mukha hawak ang litrato ni Alden Richards, para nga kaming kambal. Pati yung biloy, kuhang-kuha ko. Kung sumali nga siguro ako sa lookalike ng noon ng Showtime, ako panigurado ang mananalo.
Napailing ako. Isang classroom na lang nasa room 409 na ako.
“Good morning po sir Crush,” bati sa akin ng isang Grade 10 na kalapit lang ng room 409. Napapansin ko na madalas ang maputi at magandang batang ito. Lantaran na kung magparamdam. Iba na talaga ang mga mag-aaral ngayon. Bumuntong hininga ako. Llantaran na kung sila ay lumandi.
Pagpasok ko sa aking advisory class ay naabutan ko pa silang naghaharutan ngunit nang makita nila ako ay tumahimik sila.
“Uy nandiyan na si sir!” sigaw nang nasa pintuan. Agad na nagsibalikan sila sa kanilang mga upuan at nanatiling nakatayo. Nakatingin sila sa akin. Nakangiti.
“Ang gwapo talaga ni sir,” bulong iyon ng isang babae kong mag-aaral ngunit nagkunwarian na lang ako na walang narinig.
Halos lahat na sila ay nakatayong nakatingin sa akin. Naghihintay sa aking sasabihin. Inilapag ko sa malinis nang mesa ang aking laptop, class record, stick na ginagamit kong panturo sa pisara at libro. Iniusog ko ang aking upuan. Halatang bagong punas. Lumingon ako sa likod ko, wala na rin nakasulat sa blackboard. Sinuyod ko nang tingin ang sahig, wala akong nakitang kalat sa aming classroom at maayos na rin ang kanilang mga upuan. Bagong dilig ang aming halaman sa bintana. Walang dahilang kagalitan ko sila bukod sa isa kong istudiyante na hindi pa rin tumatayo at patuloy pa rin sa pakikipagkulitan sa mga katabi niya.
“Salvador,” pagtawag ko sa kanyang pansin.
“Sir,” sinaluduhan pa ako at kinindatan.
“Ikaw ang inaatasan kong manguna sa ating dasal.”
“Ako na naman Sir,”
“Bakit, ayaw mo?”
“Kasi sir, ako na naman ho kahapon saka nang nakaraang araw.”
“Pwes, hanggang hindi ka nagbi-behave, ikaw lagi ang aatasan ko. At dahil ikaw ang huling tumayo ngayon, ikaw pa rin ngayon ang magli-lead ng prayer.”
“Okey,” sagot niya. “May option pa ba ako?” Napakamot.
“Sa ngalan ng ama, ng anak, ng ispirito santo, amen,” pagsisimula niya. Pumikit.
Sumunod kaming lahat na nag-sign of the cross. Yumuko kaming lahat. Naghihintay sa kanyang dasal.
“Who art in heaven, hallowed be Thy name; Thy kingdom come; Thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil. “
“Make it personal prayer.”
“Sir?”
“Gawin mong personal ang dasal mo.”
Huminga siya nang malalim. Narinig ko ngunit alam ng buong klase na ang dasal dapat sila ang gumawa na galing sa puso.
“Panginoon,” pagsisimula niya, “Nagpapasalamat kami sa araw na ito na kami ay ligtas na narito ngayon para sa panibagong kaalaman. Basbasan mo po ang aming guro na maramdaman niya na may lihim nagmamahal sa kanya. Bawas-bawasan mo po Diyos ko ang kanyang pagiging manhid at nawa’y bigyan mo ng kapal ng mukha ang nagmamahal sa kanya na sabihin na iyon sa kanya.”
Tinignan ko siya.
Nakangiti pa siya habang dinadasal niya iyon dahilan para matawa na rin ang kanyang mga kaklase.
“Si Miss Reyes ba ‘yan?” singit ng katabi niyang bakla na si Valerio na pasaway rin.
“Huwag kang magulo, nagdadasal pa ako ih,” siniko niya ito.
Tawanan na ang lahat.
Ipinalo ko ang stick. Naglikha iyon ng ingay. Tumahimik sila.
“Hindi ka talaga maasahan, Salvador. Umagang-umaga puro lang kalokohan ang nasa isip mo. Kagaya ng panahon ang utak mo ngayon, makulimlim.”
Tumawa ang ilan sa mga istudiyante ko.
“Okey naman, di ba sir?” kumindat pa siya.
“Contreras, ikaw na lang ang mag-lead ng ating prayer. Mukhang sabog pa si Salvador.”
Pagkatapos magdasal ang kalaban ni Salvador na pinakamatalino sa aming klase ay umupo na sila.
“Salvador, lumapit ka nga muna rito.”
“Patay ka ngayon,” pang-aasar ni Valerio, ang baklang barkada niya.
“Anong patay ka diyan? Peborit ako niyang si sir e, di ba sir?”
Tawanan ang lahat.
Nakangiti siyang lumapit sa akin. Napakamot. Halatang nagpapa-cute sa akin.
“Bakit sir.” Kumindat pa siya sa akin na lalo kong ikinairita.
“Hindi porke anak ka ng ating mayor e ganyan ka umasta sa klase ko.”
“Sir, wala naman akong sinasabing ganyan e.”
“Oo, wala kang sinasabi, hindi mo ipinagmalalaki pero yung angas mo at yung asta mo, parang ipinagsisigawan mo na untouchable ka! Tandaan mo, teacher mo pa rin ako at istudiyante pa rin kita. Hindi ko gusto yung inuugali mong ganyan.”
“Sir, nagdasal naman ako ah.”
“Tingin mo, maayos ang dasal mo?”
“Oho, ayaw niyo no’n. Kayo ang pinagdasal ko?”
“Sa pagsisimula ng klase, ganyan talaga ang sasabihin at inaasta mo? Dito pa lang sa unang period ko, kotang-kota na ako sa kakulitan mo.”
“Wala naman masama sa sinabi ko sir ah.” Napakamot siyang muli.
“Sige na, sa galing mong rumason, dinner na hindi pa tayo tapos.”
“Gusto mo sir?”
“Ang alin?”
“Diner with me?”
Tawanan ang buong klase.
“Kung di lang masamang magmura, minura na kita. Sige na, mag-usap tayo mamaya after my class. I-connect mo na lang ang laptop ko sa TV natin nang makapagsimula na tayo.”
“Okey sir.”
Tumabi siya sa akin. Nang buksan ko ang aking laptop ay iyon rin ang ginawa niya. Naramdaman ko tuloy ang paghawak niya sa aking kamay. Tinignan ko muna siya bago niya tinanggal ang kamay niya. Hindi ko alam kung napansin ng mga kaklase niya iyon.
Bumuntong-hininga ako. Naamoy ko ang kanyang mamahalin at lalaking-lalaki na pabango. Tinignan ko siya nang inabot ko ang HDMI cord. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa tuwing nakikita ko ang kanyang makinis at maamong mukha. Ang kanyang makapal na kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at mapula-pulang labi na tinutubuan na ng bigote. Kung tutuusin mas gwapo pa siya kay Daniel Padilla. Yung angas, gano’n na gano’n din kaya sino ba naman ako para hindi apektado sa kanya. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib sa tuwing dumadampi ang braso niya sa akin. May kakaibang kiliti na umuukilkil sa aking isip. Kung sana mas matanda pa siya nang bahagya. Kung sana hindi ko lang siya istudiyante. Kung sana hindi bawal sa katulad kong guro ang makipagrelasyon sa kanyang istudiyante. Kung sana walang ganong estado na siyang nagbabawal sa amin. Wala namang mali sa pagkagusto, mali lang kung sasabihin at isakilos na ito. Hanggang lihim na lang ang lahat at kuntento na akong araw-araw ko siyang nakikita, napagsasabihan at nakakausap. Sapat na iyon. Lilipas rin ang lahat. Ga-graduate rin siya. Baka sakali, balang araw, pwede na o baka balang araw, tuluyan rin itong mawaksi kapag graduate na siya at hindi ko na muli pang makita. Pero, huh! Ang gwapo talaga ng batang ‘to.
“Sir, tapos na. Okey ka lang sir?” Tinapik niya ang braso ko.
“Ha? Bakit?” nagulantang ako lalo na nang inilapit niya ang mukha niya sa aking at bumulong.
“Huwag mo masyadong ipahalata na gwapong-gwapo ka sa akin sir. Baka mapansin nila.”
“Ha? Anong sinasabi mo?”
“Kanina ka pa kaya natitig sa akin.”
“May iniisip ako.”
“Sus, ilang beses ko nang sinabi sa’yo na okey na. Nakabit ko na pero nakatitig ka pa rin sa akin na nakangiti.”
Tumawa ang mga nasa harap namin.
Namula ako. Kahit papaano ay napapahiya pa rin ako.
“Feeling mo naman. Hindi pwedeng may iniisip lang ako?”
“Iniisip mo na agad ako?”
“Hindi tayo talo Salvador ha. Maaring tinitignan kita pero hindi kita nakikita kasi abala ang isip ko. Hindi ka nag-e-exist sa utak ko.”
“Sus palusot ka pa e.”
“Ano?” tumaas ang boses ko.
“Wala sir.”
“Grabe ka Salvador. Ginagawa mong bakla si sir.” Singit ni Abad.
“Bakit, uso ang BL ah?”
“Kadiri ka naman, Salvador.”
“E di kayo na ang masarap at ako na ang kadiri.”
“Quiet!” ipinalo ko sa mesa ko ang hawak kong stick.
“Mag-usap tayo mamaya Salvador ha. Hindi ko gusto ‘yang ganyang inuugali mo at tabas ng dila mo.”
“Okey sir. Puntahan kita sa faculty pagkatapos ng klase namin.”
Matalino naman si Eldrin Salvador, medyo maligalig lang talaga at maangas. Iyon rin ang reklamo sa akin ng kanyang ibang mga subject teachers. Mabuti nga nauutusan ko raw o kaya napapakiusapan pero sa ibang mga teachers, kinakaya niya sila. Niraratrat daw niya ng mga tanong lalo na ang mga baguhang teachers hanggang sa mapapahiya na lang ang mga baguhang guro dahil wala silang maisagot sa kanyang mga tinatanong. Kahit pa mga batikang guro ay kinakaya niya dahil ginagawan niya talaga ng paraan na itanong ang mga alam niyang di pa pa alam ng kanyang mga guro. Noong una ako talaga ang pinuntirya niya noong unang araw ng klase kaya lang hindi siya sa akin umubra. Kung alam niyang kakayanin ka niya at masisindak ka, kakainin ka niya ng buo hanggang sa hindi mo na siya kontrolado ngunit kung sa una palang, nagawa mo na siyang tapatan, kahit pa nandoon yung kaastigan niya, mapapasunod mo pa rin siya sa iyong mg utos. Makikinig siya, sumasagot, gumagawa at nakikiisa mga group task. Bata pa kasi at hindi siya nahihiya. Siguro kasi alan na lahat na anak siya ng Mayor kaya sinasabi lahat ang gustong sabihin.
“Noong nakaraang Linggo, napag-usapan natin ang tungkol sa wika,” pagsisimula ko. Nanaig na ang katahimikan. “Ang tatalakayin natin ngayon ay ang antas ng wika. Pakibasa nga kung ano ang dalawang antas ng wika? Valerio.” Agad kong tinawag ang bestfriend ni Eldrin na bakla. Iyon rin ang hindi ko maintindihan kung paanong ang astig na katulad ni Salvador ay kay Valerio na baklang-bakla ang madalas niyang kasa-kasama at kadikit.
“Sir? Ano yung tanong?”
“Makinig ka kasi at hindi yung umagang-umaga nakikipagdaldalan ka sa katabi mo.”
“Sorry sir.”
“Sige na, tumayo ka at basahin yung nasa screen.”
Idinaan ko ang tingin ko kay Salvador na kaharutan ni Valerio kaya ko tinawag ang huli para matigil sila. Nakita ko na naman ang pagkindat niya sa akin. Minsan nawawala talaga ako sa focus lalo na kapag makapit ang mga titig niya tuwing nagtuturo ako. Hindi ko alam kung pinag-titripan lang ako o may gusto lang siyang patunayan. Ayaw kong mahulog sa kanyang patibong. Baka gusto lang niyang patunayan kung ano ang aking pagkatao at ipamalita sa lahat na totoo ngang Darna ako. Hindi pa naman nila alam sa buong campus ang tunay kong dugo at hindi ko pinangarap na sabihin iyon sa kahit sino. Kaya nga “big no” sa akin ang makipagrelasyon sa estudiyante. Ayaw ko ng isyu. At hindi sa kagaya ni Salvador ako patatalo. Hindi niya ako kaya sa patalinuhan kaya siguradong humahanap ng paraan para makuha niya ako sa ibang bagay. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang amoy niya ako at may mga ganoong banat siya sa akin. Grabe ang pula at ganda ng labi ng batang ito, ano kayang feeling ang kahalikan siya?
“Sir, okey ba siya?” tanong ni Valerio habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Salvador na nagtitigan.
“Anong okey ba siya?” kunot ang noo ko.
“Yung binasa ko ho, okey na?”
Nag-apir silang dalawa bago umupo si Valerio. Alam kong nakakahalata na yata sila. Pinamulahan ako.
“Okey sige, narinig ba ang binasa ni Valerio?” patay malisya kong pagpapatuloy sa aming talakayan. “May dalawa tayong antas ng wika, ang pormal at di pormal.”
“Ibigay nga sa akin, Corcuera ang mga uri rin ng di pormal na antas ng wika?”
“Sir, ito yung balbal, lalawiganin at kolokyal na mga salita.”
“Magaling.”
Nakita kong nagtatawanan pa rin sina Valerio at Salvador. Uminit ang bumbunan ko.
“Salvador, anong ibig sabihin ng Balbal at magbigay ka ng halimbawa. Gamitin ang halimbawang ito sa pangungusap.”
“Sir ah, ikaw ah. Gustung gusto mo kong magbalbal ah.”
“Ano?” tumaas ang boses ko.
“Balbal, lalaki ka sir alam na alam mo ‘yon” nakita ko ang simpleng galaw ng kamay niya at alam ko ang kanyang tinutukoy.
Tumawa ang mga lalaki.
Nainis ang mga babae.
“Salvador, alam mo ba yung salitang respeto? Yun yung dapat meron ka. Ugaling dapat hindi na itinuturo sa’yo sa ekwelahan kundi dapat nagsisimula iyan sa inyong tahanan.” Bumuntong hininga ako. Namula siya. “If I can’t handle you, our Guidace will or our Principal might call your parents for futher disciplinary actions.”
Yumuko.
“Class, kung kagalang-galang ang inyong mga magulang lalo na kung nasa public service sila, dapat kayong mga anak nila, kayo ang dapat walking and living example nila. Naging Mayor rin naman ang papa ko pero maayos akong makitungo sa mga tao. Bakit ko sinabi at isinali ang mga magulang ninyo rito? Kasi, kung anong ugali ang ipinapakita ninyo sa ibang tao lalo na dito sa paaralan , iyon ang iisipin ng lahat na upbringing nila sa inyo sa inyong tahanan. Iyon ang nakikita ninyo sa kanila na maaring nagagaya na ninyo. Kung wala kayong respeto sa amin na pangalawang magulang ninyo, malaki ang posibilidad na gano’n kayo sa inyong mga tahanan. Huwag dalhin sa paaralan ang ugaling iskwater. Baka nga marami pa sa mga iskwater na kilala ko na kilos edukado kaysa sa mga nakatira sa bahay na bato na ang ugali ay barumbado.”
Tumahimik ang lahat. Yumuko na akala mo pagkaamo-among mga tupa.
“Sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Kung alam mo ang sagot, manatili ka sa upuan mo pero kung hindi, lilipat ka sa harap sa tuwing ako ang guro ninyo, maliwanag?”
“Opo sir.”
“Anong ibig sabihin ng balbal at magbigay ka ng isang halimbawa at gamitin mo ito sa pangungusap.”
“Ang balbal ay mga impormal na antas ng salita na may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Ito ay mga salitang pangkalye o panlansangan.”
“See? Alam mo naman pala ang sagot. Kailangan pang simulan mo ng bastusan bago ka sumagot ng maayos. Okey, sige, tama. Manatiling nakatayo, hindi pa tayo tapos.”
Ibinaba ko ang hawak kong stick.
“Class tama ang sinabi ni Salvador. Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. Pinakamababang antas ito ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Naintindihan?”
“Opo,” halos sabay na sagot ng mga mag-aaral.
“Okey, Salvador. Magbigay ka ng halimbawa at gamitin mo ito sa pangungusap.”
“Si Xyrine ay chipipay dahil chipangga ang kanyang mga kasuotan.”
“Mali.”
“Sir? Paanong mali, ang chipipay at chipangga? Ito ay mga halimbawa naman ng salitang balbal.”
“Oo, mga salitang balbal nga naman ang ginamit mo sa pangungusap ngunit tama bang sabihin mong mumurahin ang isang tao dahil sa mumurahin niyang gamit? Ikaw, gusto mo bang sabihin kong basura ka dahil basura ang iyong inuugali?”
“Pero halimbawa lang naman ‘yon sir ah.”
“Hindi porke halimbawa lang ay pwede mong gamitin ang mga iyan for the sake na makasagot lang. Kailangan ring tignan natin ang substance ng ating ibinibigay na halimbawa. Kung ang paggamit ng salitang balbal sa inyong diskurso ay makapanakit sa tao, huwag itong gamitin. Ang chipipay ay para sa gamit hindi para sa tao. Maliwanag?”
“Opo sir,” sagot ng ibang mga mag-aaral.
“Sige, makipagpalitan ka kay Abad. Dito ka sa harapan.”
“Sir, please. Huwag naman oh.”
“Sino bang guro sa ating dalawa? Ako ba o ikaw.”
“Ikaw.”
“Sino ang dapat nasusunod sa loob ng silid aralan, ang mag-aaral ba o ang guro?”
“Ang guro siyempre.”
“Sino uli ang guro sa ating dalawa?”
“Ikaw.”
“Anong ikaw? Kayo ho, okey? Paggalang. Respect.”
“Okey ho. Kayo ho,” matigas ang pagkakasabi no’n. Halatang pikon na.
“So, malinaw na sundin mo ang utos ko.”
Narinig ko ang kanyang pagbunot ng malalim na hininga. Umiling siya. Kinuha ang bagpack. Naglakad siya paharap. Pabagsak na umupo sa harap.
“Bago ka umuwi mamaya, mag-usap tayo. Huwag mong hintaying ipatawag ng Principal ang Daddy mo.”
“Kayo ho ang guro, kayo ho ang masusunod.”
Sasagot pa sana ako pero hindi na iyon ang tamang lugar para disiplinahin siya. Isa pa, hindi lang siya ang student ko. Maraming gustong matuto kaya tinantanan ko na muna siya. Tumatakbo ang oras. Kailangan ko nang tuldukan ito bilang adviser niya. Napapagod na ako sa mga sumbong ng mga subject teachers niya sa akin.
Pagkatapos ng klase ko sa kanila ay nagsimula nang sumungit ang panahon. Bumagsak ang malakas na ulan. Tinanggal ko ang cord ng HDMI. Nahalata kong hindi siya kumilos para tulungan ako. Nakayuko lang siya at may isinusulat sa kanyag kwaderno. Kahit nang magpaalam ako, hindi rin siya sumabay sa pagbigkas ng “Paalam Ginoong Villamer, Mabuhay.” sa kanyang mga kaklase. Mukhang dinamdam niya ang aking mga sinabi. Nang dumaan ako sa harap niya ay hindi niya pilit kinuha ang mga dala ko para ihatid ako sa susunod kong klase tulad ng kanyang kinagawian. Hindi ko rin siya pinansin. Hindi ako ang dapat bumaba sa kanya, guro pa rin niya ako at kailangan niyang makinig sa akin.
“Sir! Sir!” Sigaw niya habang naglalakad ako pababa sa hagdanan. Hindi ko siya nilingon.
Hanggang sa hinarang niya ako. Humihingal.
“Ano?” tanong ko.
May iniaabot siyang nakatuping papel sa akin.
“Ano ‘to.”
“Apology letter sir.”
“May paganito ka pa.”
“Basahin mo sir ah?”
“Sige basta mag-usap tayo mamaya ha. Faculty Room.”
“Ayos, bye sir.” Muling siyang kumindat.
Kinilig ako nang hawak ko ang sulat niya. Ibinulsa ko muna iyon.
Ngunit paano kung paglalaruan kami ng tadhana? Paano kung malalaman kong ang astig at gwapo kong istudiyante ay may matindi rin palang pinagdadaanan?