SIX: I DON'T KNOW

2202 Words
Kumatok si Wella sa pintuan ng office ko kaya nagtaas ako ng tingin sa kanya. May tinitignan kasi akong mga dokumento mula sa isang factory company na nangangailangan ng mahigpit singkwenta na katao. “Yes?” She pointed the wall clock. “Lunchtime Ma'am.” “Oh. Nawala sa isip ko.” Pasado alas dose na pala ng tanghali. “Break na kayo. Lalabas na lang ako para kumain. Huwag mo na lang akong isali sa order. Salamat.” She grinned and that grin is telling me something. “Hindi mo na kailangan lumabas Ma'am. May nagpadala na po ng lunch para sa'yo.” She winked. Nagtaas ako ng kilay. “Seryoso ka?” “Ive never been this serious Ma'am. Teka at ipapapasok ko po ang pagkain nyo.” Nakanganga ako. Seriously? Sinong nagpadala? Hindi mawala ang ngisi sa mukha ni Wella nang pumasok ulit ito sa opisina. Isang delivery man na nakangiti rin sa akin ang pumasok kasunod niya. Tinuro ni Wella ang coffee table sa may sulok ng office ko at doon nilapag ng delivery man ang kanyang mga bitbit. “Jollibee?” Bigkas ko. Sinong magbibigay sa akin ng ganito? “Ma'am pakipirmahan na lang po.” Inabot sa akin nung lalake ang isang papel at pumirma naman ako. “Salamat. Uhm, sino ang nagpadala nito?” “Si Mr. Aragon po.” Ngiti nito sa akin. For a second, naguluhan pa ako kung sinong Aragon ang tinutukoy nito but then, Gab is not here so most probably Jack did this. “Si Sir Gab Ma'am?” Singit ni Wella. I just shook my head. Hindi pa ba nila nakilala ang kuya ni Gabriel? Nang umalis na ang delivery man ay hindi ko alam kung anong gagawin. Kakainin ko ba o tatawagan muna si Jack para magpasalamat o tetext na lang kaya? Nasapo ko ang noo ko nang maalalang hindi ko pala alam ang numero ng lalake. “Sabayan mo na lang ako sa pagkain, Wella.” Aya ko dito. Tumanggi ito. “Ma'am meron ding para sa amin. Lahat po kami ay may libreng lunch din. Kaya sa inyo lang po yan. Pakisabi po kay Sir na salamat.” She laughed. Pinagtatawanan niya ako dahil alam niyang hindi ko mauubos ang pagkaing nasa mesa. Pantatluhan ata ‘to eh! “Hindi ko yan kayang ubusin, Wella.” Reklamo ko. “Itabi nyo nalang po ang hindi n’yo makakain at ipauwi natin kay Manong.” Tukoy niya sa guard. “Wala ba siyang share sa pagkain?” “Meron po Ma'am. Ang dami kaya ng pinadeliver ni Mr. Aragon. Dala na ata pati hapunan.” Humagikhik ito at napangiti ako. “Sige.” Lumabas na ito para makapag-tanghalian sa table niya. Umupo ako sa single chair at pumangalumbaba sa mesa at nakatunghay lamang sa pagkain. May dalawang burger, fries, apat na chicken joy at dalawang rice na nakabalot pa. I sighed. Paano ko mauubos ang lahat ng ito? Anong tingin sa akin ng lalakeng yun, baboy? Ang dami kaya nito! Tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako para abutin iyon sa table ko. Unknown number flashed my screen. Hindi ako palasagot ng tawag pag hindi ko kilala ang caller but at the back of my mind, something is telling me to answer the call. I pressed the answer button reluctantly. “Hello.” Someone inhaled sharply. “Hi.”  I swallowed. Of course, it's Jack. “Are you eating now?” He asked. His voice was low, deep and husky. And again, his voice was utterly familiar. Saan at kailan ko ba narinig ang boses na may hawig sa kanya? “I was about to eat but you called. Ikaw ba umorder ng lahat ng ito para sa amin?” He sighed. “Love, it seems like stressing the obvious is your habit. Sino pa ba? May iba ka pa bang kilala dito sa Davao maliban sa akin? May iba ka pa bang kaibigan dito? Babae? Lalake?” Dumiin ang kanyang mga salita sa bandang huli. “I don't want to appear assuming, Jack. May pakiramdam kasi ako na bawat kilos at opinyon ko ay palaging mali pagdating sa'yo. Kaya mainam na yung klaro. And to answer your question, yes. I have a cousin here.” Umirap ako sa kawalan. He cleared his throat. “Okay. Bakit hindi ka pa kumakain? Lagpas alas dose na, Julianne. Eat now.” “Ang dami nito. Anong akala mo sa tiyan ko, refrigerator na pwedeng imbakan ng pagkain hanggang sa wala ng mapaglagyan?” He chuckled at pinigilan ko ang sariling ngumisi. “Refrigerator talaga? Pwede namang freezer muna o di kaya cooler.” “Joke yun? Corny ha.” I bit my lip. Tumawa ulit ito. “You're smiling.” I pouted. “I'm not, Jack.” “Sabi mo eh. Oh, don't think it as a peace offering again, Julianne. Sabi ko nga di ba, wala pa naman akong nagagawang mali sa'yo.” I wrinkled my nose. Wala pa daw e hinusgahan mo na agad ako! “Yeah yeah whatever.” Tumahimik ang kabilang linya. Mayamaya ay tumikhim ito. “Have lunch now, Julianne. Ayokong malipasan ka ng gutom at magkasakit. God forbids or my brother will kill me.” Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang sumakit ang dibdib ko. Para bang bumagsak ang puso ko o parang may mabigat na nakadagan doon. Hindi ko maipaliwanag. Pait na ngumiti ako. “Yeah. Okay, kakain na ako at baka magalit ang boyfriend ko sa'yo at sa akin na rin. Thanks for the lunch, Jack. Salamat din sa paglibre sa buong staff ko. Pero please lang, don't think of me as your responsibility. Ano man ang mangyari sa akin, labas ka na doon. Don’t feel obliged to do so Jack, just because your brother told you to look after me. Hindi na ako bata and I can definitely decide on my own. I hope this will be the last time you ever buy me lunch because modesty aside, I have enough money to last me a lifetime. Can I hang up now?” Small groan was all I hear. “Julianne, I didn't mean to—” “The food is getting cold Jack. Sayang naman kung itatapon ko lang. Bye.” “Shit.” He cursed before I pressed the end call. Nanghihinang napaupo ako sa aking swivel chair. I threw my head back against the headrest. What was just happened? Tama ang sinabi ko, di ba? Kung ginagawa niya ito para lang hindi magalit o sumbatan siya ng kapatid niya, then he's an asshole. I did not oblige him to do so, did I? Nakakainis lang na akala ko ay bukal sa loob niya ang pagpapadala ng pagkain, yun pala ay dahil sa obligado lang siyang gawin ito! Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit. My hope went downhill, and I don't know why I'm feeling this way! “Stop thinking, Julianne and eat now.” Bulong ko sa sarili ko at kahit nawalan ako ng ganang kumain ay pinilit kong lagyan ng laman ang sikmura ko. Binigay ko ang iba kay Manong at nagpasalamat ito dahil libre na daw ang hapunan ng kanyang mag-anak. Thank God at ang dami kong tambak na gawain kaya ibinaling ko na lamang sa trabaho ang aking isipan. Bandang alas sais ng hapon ay nakatanga pa ako sa aking office. Oras na ng uwian pero heto pa rin ako napako sa aking kinauupuan. I just received a text from my dearest cousin of mine na hindi daw kami tuloy mamayang gabi at may importante daw itong lalakarin. Nababanas ako. Alibi ko na sana iyon para hindi makauwi ng maaga sa condo. I don't want to go home yet! I don't want to see that man! Tumayo ako at lumabas sa office ko. Sa working area ay busy na sila sa pagliligpit ng kanilang mga gamit at naghahanda nang umuwi. “Ma'am, hindi pa kayo uuwi?” Tanong sa akin ni Vilma. Ngumiti lamang ako. “Maybe later. Nakalabas na ba ang last batch para sa orientation?” Sumagot si Samson. Isang staff ko na bakla. “Yes Ma'am. Kanina pa pong five.” Sa kanya kasi nakatoka ang orientation. Siya rin ang inductor. “Okay thanks. Mayroon pa ba kayong gagawin? Tutulong ako.” Nagkatinginan silang lima. Ang iba sa kanila ay nakauwi na. Pamilyado na kasi ang mga iyon at maghahanda pa daw ng hapunan para sa kanilang mag-anak. Ang mga natitira ay pawang mga single pa. Si Wella ay nasa bangko para magdeposito ng pera. Diretso na ang uwi nun pagkatapos. “Wala na po Ma'am. Naayos na namin lahat ng files.” Wika ni Samson. “Okay.” Matamlay kong sagot. “Umuwi na kayo. Bye.” “Bye Ma'am.” Sagot nila. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako tumalikod papasok sa aking opisina. Dito muna ako hanggang alas siyete. Pagkatapos ay dadaan ako sa Korean restaurant para maghapunan. Tapos pag uwi ko sa condo, diretso na ako sa room ko at bahala na siya sa buhay niya kung maaabutan ko siya doon. Narinig kong bumukas ang front door at nagsalita si Manong. “Sir, bukas na po kayo bumalik. Magsasara na po ang agency. Hindi po ito oras para mag-apply.” “Don't worry, I'm not here to apply and do I look like one? I am just going to fetch Ms. Gutierrez.” Ani ng baritonong boses na kilalalang-kilala ko. Wala sa sariling napakapit ako sa doorframe. Dahan-dahang umikot ako paharap sa front door. Naka black T-shirt ito at naka skinny jeans. Black leather shoes ang suot nito sa paa. His hands were inside his back pockets. He looked tired but it didn’t make him less gorgeous. “What are you doing here?” Sinenyasan ko si Manong na lumabas muna. He rolled his eyes. Oh! I'm stressing the obvious again! He hates it when I do that. Kakasabi lang niyang he's here to fetch me. I mentally note to stop asking him next time when I already know the answer. “You know what I'm doing here, Love. Get you things.” He ordered. My eyes hooded. “You're in my office so you can't order me around just like that.” He shrugged his shoulders. “Your office? The last time I checked, my brother owns this agency. Nalipat na ba niya ito sa pangalan mo? That fast eh?” Nagpupuyos ang dibdib ko. Sino siya sa akala niya para pag-isipan ako ng ganyan! Ang kapal talaga ng lalakeng ito! “But that doesn't mean you can order me around, Mr. Aragon. You don't own me. I can go home by myself.” Tumalikod na ako at binalandra ko ang pintuang de salamin at wala na akong pakialam kung mabasag ko man iyon. Nakakabuwisit! Panira ng gabi! Letse! Sunod-sunod na kalabog sa pinto ang narinig ko. I saw his silhouette standing behind the door. “Open the damn door, Julianne!” “Go away, Jack! Kung iinsultuhin mo lang din naman ako, mainam pang umalis ka na lang dahil wala akong balak na kausapin ka. I told you, mind your own fuvking business because I'm not minding yours!” “Being my brother's girlfriend, you are my business, Julianne. And stop cussing!” “Damn you! Ayokong sumama sa'yo! Bakit ba ang kulit mo? At wala kang pakialam kung gusto ko mang magmura!” Hiyaw ko at humalukipkip. “Just open the door, Love.” Kalmante niyang salita. Love? “Don't use endearments to me, Jack. Hindi mo ako pag-aari.” Isang mura ulit ang narinig ko sa kanya. “You are one stubborn woman! And Gab told me you are a sweetheart? You're not acting like one! Open the damn door or I'll break this!” I huffed. As if naman naman matatakot niya ako. Pero gayunpaman ay tumayo ako at ayokong gumastos pa kung sakaling sirain niya ang pinto. Binuksan ko ang pinto at namewang ako. Pinilit kong huwag pansinin ang postura niyang nakasandal sa hamba ng pinto, posing like a model. “Alam mo, mabait ako sa taong mabait sa akin. Magalang ako sa taong ginagalang din ako. But so far, wala ka nang ginawa mula nang magkita tayo kundi ang insultuhin at inisin ako, Jack. Don't expect me to be good towards you.” He raised an eyebrow. “Hindi mo kukuwentahin ang unang beses na nagkita tayo sa carpark? Dahil sa akin kaya ka nakapasok sa restaurant, love.” “Tatanawin kong isang malaking utang na loob ang ginawa mong iyon, Jack. Hindi ko iyon makakalimutan sa buong buhay ko.” Madamdaming pahayag ko ngunit nilakipan ko ng pag-uuyam. He sighed deeply. “Grab your things, Julianne. And stop fighting with me.” “Kaya ko ang sarili ko, Jack. Please, leave me alone.” “I'll be damned.” Malalaki ang kanyang mga hakbang habang papasok sa office ko. Nanlaki ang mata ko nang kinuha nito sa ibabaw ng aking mesa ang aking bag. “Give me my bag, Jack!” I shrieked when he swept me off my feet, picked me up and carried me, caveman style. “Put me down, Jack!” I yelled. “You are as light as a leaf, love. You should eat more often.” Salita nito habang naglalakad palabas ng office. Kahit sobrang nagagalit na ako ay hindi nakaligtas sa akin ang kanyang bango. His perfume filled my nostrils. It's intoxicating. Kita ko sa mukha ni Manong ang pag-alala nang binuksan nito ang front door. Jack spoke. “Don't worry Sir. She's alright. Please secure the agency and you can go home afterwards. I'll tell my brother to give you a raise.” Nakangangang tumango ng marahan si Manong. This is not happening. This is so embarrassing! Umikot kami sa passenger seat ng kanyang nakaparadang kotse at binuksan iyon ni Jack. He carefully put me down. Mabilis ang aking paghinga. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Gusto kong manapak. Gusto kong manakit. When he finally sat in the driver’s seat, hinarap ko siya. Hilam na sa luha ang aking mata. “Why are you doing this to me, Jack?” My voice faltered, broke. He swallowed. His eyes softened. He caressed my cheek using his thumb as he wiped the tears away. “To tell you honestly, love? I don't know the answer to your question.” He whispered huskily. He turned on the ignition of the car at pinaharurot niya iyon palayo sa lugar. Binaling ko na lamang ang aking mukha sa bintana at tahimik na umiiyak.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD