I was awakened by the sound of my alarm clock. Antok na antok pa ako. Pinindot ko ang ibabaw na button niyon at napigilan ito sa pag-iingay. Paisa-isa kong binuka ang aking mata. Pumapasok na ang liwanag sa aking kwarto mula sa mga siwang ng kurtina. Bakit tingin ko'y mataas na ang sikat ng araw?
Inabot ko ulit ang maliit kong alarm clock to check the time. Nanlaki ang mata ko nang malamang alas nueve na ng umaga! Imposible! I set the clock at six thirty AM!
Napasulyap ako sa kabilang side table kung saan nakapwesto ang telephone. Tama ba yung nakikita ko?
Bulaklak?
Umupo ako at sumandal sa headrest. Inabot ko ang bouquet of tulips. Sinilip ko ang card sa baba nito. Binuksan ko ang card at binasa ang nakasaad doon.
Smell me.
Utomatikong umangat ang kilay ko. Paano nagkaroon ng bulaklak dito? Gayunpaman ay hindi ko napigilang samyuhin ang bango nito. I smiled. I love flowers.
“Oh gosh!” Agad na bumangon ako nang maalala na iniwan ko pala si Jack sa sahig kagabi. Sobrang bigat niya kaya hindi ko siya naibalik sa pagkakahiga sa sofa. Kinumutan ko lamang siya dahil baka sipunin sa lamig ng aircon. Ni hindi ko na siya nagawang suotan ng bagong tshirt.
Masyado kasi akong naguluhan sa damdamin ko ngayon. Hindi ko alam kung tama o mali ba ang mga ganitong reaksyon ko sa tuwing kasama ko siya, sa tuwing malapit siya. Sa tuwing kausap siya. Kaya ang ginawa ko ay bumalik na lamang ako sa room ko at iniwan ito sa carpeted floor.
Agad akong lumabas sa aking silid at dumiretso sa living room. Ngunit tanging nakatuping kumot lamang ang nakikita kong nakapatong sa sofa.
“Jack?” Tawag ko. Baka kako nasa silid niya ito ngunit nang buksan ko ay iyon ay malinis ang kwarto at halatang hindi ginamit.
“Nasaan kaya ang taong yun? Maaga siyang nagising?” Di ba pag lasing, late nang gumigising?
Bumalik ako sa living room at naupo sa sofa. Bumuntong-hininga ako. Naaalala ko ang kanyang mga sinabi kaninang madalaling araw. He was drunk, I know. At alam ko ring hindi niya alam ang kanyang mga sinasabi. He didn't mean those words, surely? O baka nga ibang tao ang tinutukoy nito. Naguguluhan din ba siya katulad ko?
Tamad na nagtungo ako sa kusina. May mga nakatakip doon sa ibabaw ng dining table na ikinapagtataka ko. Isa-isa kong tinanggal ang mga food cover.
Toasted bread, sausage, ham, hotdogs and eggs ang naroon. May post-it notes pang nakadikit sa gilid.
Eat Me.
I stifle a laugh. “Parang bata.” Bulong ko.
Sa loob ng refrigerator ay may isang tumbler na may nakadikit na note din. Tinignan ko ang laman niyon at fresh orange juice pala ito. Tinanggal ko ang sticker note na nakadikit at may nakasulat na Drink Me.
Pinaikot ko ang mata ko. “Alangan namang itapon kita. Sayang naman.”
Bumalik muna ako sa aking silid para maligo at gumayak. After nun ay magana akong kumain. Jack did all of this and it lighten up my mood pretty well.
I put the flowers in the vase at nilagay ko sa center table ng kusina. Where is he now, by the way?
Tumawag ako sa office para ipaalam na male-late ako ng pasok. Ewan ko pero kakaiba ang boses ni Wella. Para itong naeexcite na ewan. Aligaga at parang kinikilig. Weird.
Sa labas ng agency ay nasumpungan ko si Manong na busy sa pagbibigay ng number sa mga aplikante. Binati nila ako at gumanti rin ako. Si Manong ay ngiting ngiti sa akin. Pinilit kong itago ang pagtaas ng aking kilay. Kakaiba ata ang aura ni Manong ngayon.
“Good morning.” Bati ko sa kanila. Nagkumpulan kasi ang mga ito sa isang sulok at may pinagchichismisan? “Oras ng trabaho guys. Hindi ito oras ng chismis.” Ngiti ko.
“Good morning, Ma'am!” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nila. “Waaahh! Ma'am!”
“Hindi ako bingi. Grabe naman kayo. Hindi rin ako celebrity para tilian nyo ng ganyan. Ano bang nangyayari sa inyo?”
“Ma'am ako na lang po muna mag-interview sa mga applicants. Chill muna kayo sa office n’yo.” Wella was grinning from ear to ear.
“Oo Ma'am. Kami na muna bahala dito.” Segunda nila Samson.
I curved a brow. “All of you are creepy today. Kahit si Manong wagas makangisi sa akin. Hmmp. Bahala na nga kayo.” Nagmartsa na ako papasok sa akong opisina.
“Kayaaaa!” Tili ni Samson na sinundan ng iba kaya natigil ako sa pagpihit ng seradura ng pintuan ng aking office.
“Samson! Ano ba kayo! Ano bang nangyayari sa inyo? Susme!” Gusto kong mairita pero natatawa ako sa ekspresyon ng mga mukha nila. Para silang kitikiti na hindi mapalagay sa kanilang kinatatayuan.
“Kinikilig lang kami Ma'am! We can't help it!” Tili ulit ng bakla.
Inirapan ko lamang silang lahat na nagbubulungan ngayon. Pinihit ko ang seradura at binuksan ang pinto.
Ngunit nang makita ang loob ng office ko ay tumigil ako sa paghakbang. Punong puno ng bulaklak ang opisina ko!
“What the hell—”
“No cussing, love. Magtatampo ang araw.” Someone chuckled behind me. I could feel his breath at my nape. Tumindig ang balahibo ko.
Agad kong nilingon ang tao sa likod ko, but I guess it was a wrong move. Dahil sa paglingon ko ay gahibla na lamang ang lapit ng mukha ko sa kanya. Halos dumampi na ang tungki ng aking ilong sa ilong niya. Dahil sa gulat ay nawalan ako ng panimbang. Ngunit maagap na nasalo ni Jack ang likod ko. His one hand snaked around my waist, gripping me. His other hand holding my arm.
“I got you, love.” He whispered huskily.
Bumaba ang mata nito sa kamay kong nakakapit sa kanyang dibdib. I'm not aware how my hands went there. And our bodies are so close not even air can go through.
“Tha—thanks, Jack. I'm fine now.” I stuttered. Bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin. Ang lakas ng pintig ng puso ko.
In my peripheral view, nakita ko pa ang pagtalikod ng mga staff ko at kunwari ay may ginagawa. Pero alam kong nakita nila ang pangyayari. Nag-init ang pisngi ko.
Pumasok ako ng tuluyan sa aking opisina. Nilapag ko ang bag sa ibabaw ng aking table. I heard the click sound of my door and Jack's footsteps behind me. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ulit ako humarap sa kanya.
Napaigtad ako dahil ang lapit na naman pala niya. I moved away from him discreetly. Hindi pwedeng magdikit ang aming katawan. May kung ano kasi sa tiyan ko ang nagwawala. At hindi ko alam kung ano iyon.
Umupo ako sa swivel chair at kunwari ay nag-aayos ng mga papeles.
“Julianne.” Tawag niya.
“Hmm?” Hindi ako nagtaas ng tingin at inabala ang sarili na lamang.
“I'm sorry for disturbing your sleep this morning.” Malalim ang kanyang boses.
“Wala yun.”
“Thank you.” He added.
I looked at him. “Para saan?”
He shrugged his shoulders. "I don’t know. I just want to say thank you.”
Naalala ko ang paghanda niya ng pagkain sa akin kaninang umaga. “Thank you din for giving me flowers and for the breakfast.”
“No sweat. I owe you one for what you did to me. Maliit na bagay lang iyon. And besides, nakita ko ang isang pakete ng noodles sa trashcan. I assumed that was your dinner, Julianne. You refused my invitation to dine out tapos noodles lang pala ang kakainin mo? Tsk.”
Tumayo ako at hindi na lamang ako umimik pa. Pag sinagot ko siya ay magtatalo lang kami. Nilagpasan ko siya. Lumapit ako doon sa mga cabinets para i-check ang mga folders na naroon sa loob.
“Julianne.”
My hair prickled. Ang kanyang hininga ay naramdaman ko sa aking batok. I need to tell him to stop doing this madness.
“Jack. Stay away from me. Para saan ba ang lahat ng ito? Why are you giving me flowers?” Suddenly, I questioned all his moves. Para saan nga ba ang mga ito? Ano ba ang kanyang intensyon?
“Turn around and look at me, please.” Paki-usap nito sa malamig na boses.
Yumuko ako. My hands were shaking. My body started to tremble. My knees turned into jelly. Wala pang ginagawa ang lalakeng ito sa akin ngunit kakaiba na ang nararamdaman ko.
Pumihit ako dahan-dahan paharap sa kanya. Both his hands leaning against the metal cabinets behind me.
He used one finger to tilt my chin up. My eyes met his. His expression subdued, soft and sad.
“What have you done to me?” He breathed. He traced the contours of my cheek down to my lower lip. His touch is so light that I wanted to close my eyes and feel it.
“I'm not doing anything to you, Jack.” My voice husky and quieter than usual. I can't even meet his gaze.
“Just the way you mention my name entice me. You beguiled me, love. In every single way that no other woman ever does to me.”
I—I don't understand you, Jack. You should stop behaving like this. This is not right. Kung ano man ang intensyon mo sa akin, please tumigil ka na.”
“Julianne, I think it's too late. Because I can't even stop myself from thinking of you. I can shake you off my head. I can't get you out of my mind.”
I sighed exasperatingly. “This is crazy, Jack!”
Hinuli nito ang magkabilang palapulsuhan ko. “Then let's be crazy, Julianne! This feeling that I have for you is making me crazy! I know you feel the same way.”
I shook my head deliberately. “No! Naririnig mo ba ang sarili mo? Mali ito Jack! Ilang araw palang tayong magkakilala. I don't think I can affect you this much in just a short time. At nakalimutan mo na ba kung bakit ako naririto? Kung sino ba ako? Let me remind you, I am your brother's girlfriend and soon to be fiancée when he gets back, so back off Jack.” Dinuro ko siya sa dibdib.
Umiling ito. “Try harder, Julianne. Sa tingin mo ba ay hindi ko napapansin ang mga kinikilos mo pag nasa malapit ako? I can even hear the fast beating of your heart when I'm this close to you! Your body trembles. Your knees weaken. Ipinagkakanulo ka ng sarili mong katawan. I make you nervous and excite you at the same time, Julianne. Accept it! Tell me, ganito rin ba ang nararamdaman mo sa ibang lalake? Does he make your heartbeat go faster, katulad ng kung gaano ito kalakas pumintig ngayon para sa akin?”
Nanginig ako and my eyes watered. I pushed him with all my might. “Shut it, Jack! I know why you are doing this to me! Gusto mong patunayan sa sarili mong tama ka nga. Na mabilis akong bumigay. Na masama akong babae at hindi karapat-dapat sa kapatid mo. Well, guess what? I won't give in to your satisfaction! I will prove you wrong! I'm not gonna succumb to your seduction even if you’re the last man on earth!”
He smirked. Agad niya akong ginapos ulit sa kanyang katawan at sinandal sa pader. He held my chin. “What if I will kiss you right now, Julianne? Hindi kaya magbabago ang isip mo? Ibang tao pa kaya ang iisipin mo? I don't think so.”
His eyes lingered at my half-opened mouth. He gasped. Tumama ang mata ko sa kanyang nakaawang na mga labi. His lips are red like cherry, naturally pouty and most of all, inviting.
I wonder how sweet those lips are?
He smiled lopsidedly. “You want me to kiss you, Julianne. Nababasa ko iyon sa mga mata mo.”
His breath fanning on my face and he smelled liked mint. So masculine and manly. It's enticingly delicious.
Unti-unting bumaba ang kanyang mukha papunta sa akin. Nanatili ang kanyang titig sa aking labi.
I closed my eyes but suddenly, Gab's face came in my mind.
Umiling ako. “Don't Jack. Or I'll loathe you to death.”
Naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa akin.
I opened my eyes and only to see his expression are weary. Tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ako nasasaktan ng ganito?
He combed his hair using his fingers. “Hide your feelings very well, Julianne. Itago mo yan hangga't kaya mo. Dahil alam nating pareho kung ano ba talaga ang nararamdaman natin. This is unbelievably fast; I have to agree with you. Dahil kahit ako ay nagugulat sa sarili kong kilos. But we can't deny these immense feelings we have right now for each other. I heard your cries this morning, Julianne. I was drunk, yeah. But not too drunk to not hear your sobs. I could still feel your fingers tracing my back softly, love. Admit it. Admit that you are now having special feeling towards me.”
I sniffed. “Why are you doing this, Jack? Nobya ako ng kapatid mo!”
He closed his eyes intently. And when he opened them, pain crossed his eyes. “Alam ko. At kahit gusto ko mang magalit ay hindi ko magawa. Bagkus nagpapasalamat ako. Dahil kung hindi ka nobya ng kapatid ko, hindi sana kita matatagpuan. Wala ka ngayon sa harap ko. I'm really happy you came into my life Julianne, regardless of the reasons why you're here. And no matter how painful those reasons are, I'm still glad I found you.” Lumapit ito sa akin at humalik ng buong pagsuyo sa aking noo.
Napapikit ako. I wanted to clung to him. I wanted to embrace him. I wanted to bury my face against his hard chest. I wanted to feel his body against mine. But I held back. Dahil alam kong hindi tama. Alam kong mali.
“I'll be leaving now. Enjoy the rest of the day, love.” He pressed his two fingers against my lips and put them on his lips after.
Pagkalabas niya ay bumalik ako sa swivel chair at umupo doon. Nanghihina ako. At hanggang ngayon ay tahimik pa rin akong umiiyak.
Why am I crying? Dahil ba sa naiinis ako sa kanya? O dahil naiinis ako sa pagkakataon kung bakit ngayon lang kami pinagtagpo?
Wala sa loob na inabot ko ang bugkos ng bulaklak at hinalikan ko ang mga iyon. A card dropped on my table and I get and read the inside.
Love,
Have dinner with me, tonight. Please? *puppy face*
Jack
I laughed while my heart was breaking.
“Oh Jack. I ask you the same question, where have you been all my life? Nasaan ka nga ba noong mga panahon na mag-isa pa lang ako? Bakit ngayon lang kung kailan may masasaktan na tayong ibang tao?”
Sumubsob ako sa aking palad. Hindi ko kayang saktan si Gabriel.
Why am I in this kind of situation? I feel like I am caught between a devil and a deep-blue sea. But I might choose either way. Na kahit parehong mapanganib, pipiliin ko pa rin para lang sa ikakalaya ng namumuong damdamin ko sa taong hindi ko dapat gustuhin.