One week had passed. It wasn't a good week but not bad either. Kumbaga in between lang. Siguro kasi mas nagpakabusy pa ako sa trabaho. Minsan sa gabi ay nakikipagkita ako sa lukaret kong pinsan na kahit paano ay napapatawa ako nito. Pero madalas ay mag-isa lang ako at nasusumpungan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa dilim ng walang dahilan.
Wala akong problema. Kung tutuusin ay hindi nga ito matatawag na problema eh. Hindi lang siguro madaling umakto ng normal lalo na kung may namimiss kang tao.
Kung dati iisa lang ang namimiss ko, ngayon dalawa na sila. Masama bang makaramdam ng ganun?
Minsan kinukwestyon ko ang sarili ko. Pag nagmahal ka na ba sa iisang tao, dapat lang ba hindi ka na mag-alala sa isa pa? Dapat bang balewalain mo na lang ang ibang tao dahil may nagmamahal na sa'yo?
Pag nagmahal ka ba sa iisang tao, wala ka na rin bang karapatang humanga sa iba? Siguro nga. Kataksilan na ang tawag doon. Pero hindi naman ibig sabihin ay mawawalan ka na rin ng pakialam sa ibang tao. Hindi naman tama ang ganung ugali. I believe that humans are compassionate in nature.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ko nararamdaman ang ganito sa iba kung may minamahal na ako?
Naguguluhan ako sa mga sarili kong tanong. I wish I knew the answers to these questions. Sa ngayon ay hindi ko pa masabi ng buo na oo, mahal ko na nga si Jack. Dahil kahit ako ay nag-aalangan pa sa sarili ko. Ang alam ko lang sa ngayon, may parte ng pagkatao ko na siya lamang ang nakakapukaw.
I don't want to compare the two brothers because that's unfair. Kailangan ko na sigurong makita si Gabriel sa lalong madaling panahon para matapos na ang kalituhan sa isip at puso ko. Hindi sapat ang tawagan lamang. At ang tawagan pa na iyon ay madalang pa sa patak ng ulan.
Or maybe because I'm just lonesome. Suddenly, I'm tired being alone. I'm tired being lonely. But where am I to go? How can I make myself happy being on my own? Kaya siguro malakas ang epekto ni Jack sa akin dahil sa nanibago akong may ibang taong nakikialam sa buhay ko. May ibang taong pumapansin sa akin. May ibang taong gumugulo sa tahimik kong daigdig.
Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Midnight Blue sa radio. Why, he's so mysterious. And now he's back. Napag-alaman ko kasing nagbakasyon daw ang naturang DJ ng ilang araw. Marami kasi ang tumatawag at nagtatanong kung nasaan ito.
“I'm back, my dear listeners. Though I don't know if this idea of coming back is for the betterment of everyone. But I missed you all. This song I'm going to play is for all the women who are tuning in right now. And to you, my love, if you're listening, I want you to know that I miss you so bad.” He sighed. “Here's a song from Kenny Rogers titled Lady.”
My heart somersaulted when he said, my love. It's Jack's endearment to me. Somehow, Midnight Blue lift my spirit. May kakaiba talaga sa boses niya na nagdadala sa akin sa kung saan. He reminds me of Jack. I smiled sadly. Hindi muna ako makikipag-unahan sa tawag. Wala rin naman ako sa mood din kasi na makipag-usap sa iba kahit kay Midnight Blue pa. Hinayaan ko na lamang ang sarili kong lunurin sa mga kantang pinapatugtog niya ngayon.
**********
Gumagayak na ako para pumasok nang mag ring ang aking cell phone. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo sa harap ng tokador para abutin ang aking cellphone.
Napakagat labi ako nang makita ang number ni Gabriel sa screen. My heart jump out of excitement. “Gabriel?”
“H—hi honey.” Mahina at mabagal na bigkas nito.
Kumunot-noo ako. Kakaiba ang boses nito ngayon. Walang kalakas-lakas at hindi halatang excited na marinig ang boses ko.
“Gab? Are you okay? You sound sick.”
“Yeah. I got sick. Pero pagaling na ako, honey. I have a sore throat too kaya hirap akong magsalita.”
Binalot ng pag-alala ang puso ko. Kakaiba kasi si Gabriel pag nagkasakit. Siya yung tipo na hindi madadala sa simpleng inom lang ng paracetamol. Kailangan talaga siyang dalhin sa doctor kasi nanginginig ang katawan nito. Naaalala ko pa noon. Halos kalahating araw ko siyang hindi nakita habang nasa loob ito ng room sa ospital. Ang sabi lang sa akin ay kailangan magpahinga ng pasyente at dapat ay walang bisita.
I founf it weird dahil simpleng trangkaso lang naman iyon pero sumunod ako sa paki-usap ng kanyang doctor. Siguro nga ay ganun lang talaga dahil maselan si Gabriel.
I glanced at my wristwatch. I still have time. “Video call tayo Gab? I wanna see you.” I missed him. Dinampot ko na ang aking shoulder bag at tumungo sa sala.
He coughed again. “Sorry Julz, I'm in a bad shape. Ayokong mag-alala ka pa. I'll be fine, don't worry. Tumawag ako kasi may sasabihin akong importante.”
Tumango ako at naglakad patungo sa sofa. Naupo ako doon. “Ano yun Gab?”
Tumikhim ito ulit at halatang pinilipit pa na makapagsalita.
“I talked to kuya and told him that you will be living under one roof with him. Pwede bang sa mansion ka muna tumira pansamantala, Julz? Habang wala pa ako.”
Hindi halos nagsink-in sa utak ko ang kanyang sinabi. Staying under one roof with Jack?
Staying with Jack!
“What? Bakit ko kailangan manatili sa mansyon nyo, Gabriel? Okay na ako dito sa condo mo. I'm happy here. I'm safe here.”
“Honey, you don't get my point. I want you to live in the mansion for your own sake. Mas maraming tao doon sa mansyon. Mas magiging maayos ka doon. May mag-aalaga sa’yo doon.”
“Maayos ako, Gabriel! I can take care of myself! Ano bang pinagsasabi mo!”
“Calm down, Julz.” He coughed kaya huminahon ako. Nakalimutan kong may sakit pala ang kausap ko.
“Ano ba ang pinupunto mo, Gabriel?”
“Gusto ko lang na mas marami ang mag-aalaga sa'yo. I don't want you to be alone while I'm gone, Julz. Hindi ko naisip ito nung tumulak ako patungo dito. Alam kong nakasanayan mo na ang mag-isa pero gusto ko ngayon ay ibang tao naman ang mag-alaga sa'yo. Let them take care for you. Let them love you.”
“I'm happy being on my own, Gab.”
“No, you're not, Julz. Being alone doesn't make you happy.”
I huffed. “It doesn't make me lonely either.”
“But you are lonely. C'mon, Julz. Please, pagbigyan mo ako one last time? This will be my last request, Julz.”
“Gab, please. Mag-a-adjust na naman ba ako sa bagong environment? Panibagong pakikisama na naman ba ang gagawin ko? Alam mong hindi ako komportable sa mga bagong kakilala lang. How much more if stay with them under one roof. I don't like the idea, Gab. If you really insist, then I'd rather choose to stay at Brenda's unit.”
“Julianne, please.”
It's Julianne now. Pag buo na ang pangalan ko ibig sabihin he's starting to get pissed. Well, news flash! I'm getting pissed too!
“It would be a lot easier if you and kuya are staying at one place. Alam kong minsan ay umuuwi siya diyan sa condo pero madalas, lalo na pag weekends ay sa mansyon talaga ito umuuwi. You will love our mansion Julz. The view there is breath-taking. It's been a long time since I last saw it. Mas gumagaan ang pakiramdam ko sa ideyang nandoon ka sa lugar kung saan ako lumaki. Sooner or later you will live there with me. Kuya Jack told me he'll give the mansion to us once we got married.”
“Hindi ko alam ang isasagot ko, Gab.” I answered. I've no interest with that mansion.
“Julz, yung totoo. Ayaw mo ba kay kuya Jack? You don't like him as a family? I told you he's a good guy. He'll take care of you.”
Napasabunot ako sa sarili kong buhok at madiin na napapikit. Gab, if you only knew. Kaya nga dapat lang na layuan namin ang isa't isa eh! Dahil napapaso kaming pareho pag makalapit!
“Gab, can you give me time to think things over? Besides, I'm late for work.”
“Of course, honey. I understand. I'll call you again, okay? I love you.”
Napalunok ako. “I love you too.”
Imbes na tumayo ay sumandal ako pabalik sa sofa. Ang palad ko ay nakatampal sa aking noo. Hindi ko maisip na titira kami sa iisang bubong ni Jack. At sa teritoryo niya mismo!
“Things are just getting better.” I murmured sarcastically.
Buong araw lang ata akong tumunganga sa aking opisina. Pina-cancel ko ang meeting sana ng isang kompanya sa Tagum dahil puro hangin lang ang nasa utak ko.
Ang nagawa ko lang ata ay ang pumirma ng tseke para sa payroll ng staffs ko at magsalansan ng mga folders ng mga applicants na tapos nang nainterview nila Samson and Wella.
Dapat nga ay ako ang mag-o-orient sa mga applicants na nakapasa na pa-abroad. Ngunit sadyang wala lang talaga sa hulog ang utak ko ngayon.
Bakit ginagawang komplikado ni Gabriel ang sitwasyon? Nag-usap na kami ni Jack at lalayo na isa't isa! Bakit pakiwari ko ay pinaglalapit niya kami sa isa’t isa?
“Maam?” Kumatok si Wella sa aking pintuan kaya napatingin ako sa kanya.
“Uwian na ba?” s**t. Kahit ang pagdaan ng oras ay hindi ko na namalayan.
“Pauwi na po. May naghahanap po sa inyo sa labas.”
I raised an eyebrow. “Sino daw?”
“Family driver daw po ng mga Aragon? She answered reluctantly.
“Huh?”
“Nasa labas po. Puntahan nyo na lang Ma'am. Ayaw pong pumasok eh.”
Tumango ako ng alanganin. Anong ginagawa ng driver ng mga Aragon dito?
Agad na tumalima ako at lumabas ng agency. Isang medyo may edad ng lalake ang nakasandal sa pinto ng BMW. Naka white polo shirt ito at black pants.
“Manong, hinahanap nyo po ako? Ako po si Julianne.”
“Magandang hapoN, Ma'am.” nagpunas muna ito ng palad sa kanyang damit bago naglahad sa akin.
Napangiti ako at tinanggap ko iyon.
“Pinapasundo po kayo ni Sir, Ma'am. Kung tama po ang tantiya ko ay oras na po ng uwian ninyo?”
Natilihan ako. Sino ang tinutukoy nitong Aragon? Wala pa naman akong ibang nakakakilalang lalake mula ng dumating ako dito sa Davao.
“Sino pong Aragon ang tinutukoy n’yo?”
Napakamot ito sa batok. “Si Sir Jack po. Kilala n’yo po yun?”
My heart skipped a beat. “Bumalik na siya?”
“Yes Ma'am, kahapon pa. Sakay na Ma’am.” Magiliw niyang paanyaya sa akin.
“Saan po tayo pupunta, Manong?”
“Sa Mansyon po.”
Mansyon. I sighed deeply. Ano naman kaya ang gagawin ko doon?
“Bakit daw po niya ako pinapasundo?” Tanong ko nung nasa loob na kami ng sasakyan.
Ngumiti ito. “Hindi ko alam Ma'am. Ang alam ko ay gusto kayong makilala ng mga tao sa mansyon. Gusto nilang makilala ang nobya ni si Sir Gab.”
I nodded asI remained silent along the way. Nakabalik na pala siya kahapon pa pero hindi niya man lang pinaalam sa akin.
Silly you, Julianne. Bakit naman niya ipapaalam sa'yo! Sino ka ba sa buhay niya!
Hindi pa gaanong kumakagat ang dilim sa buong paligid kaya nakikita ko pa ang kagandahan ng tanawin na aming nadadaanan. Malayo nga ito sa kabihasnan. Tinitignan ko ang bundok Apo na tanaw mula rito.
Pumasok kami sa isang magarang subdivision.
Royalty Village. Iyon ang mga nakasulat sa malaking arko ng gate. Dalawang guard ang nasa harap ng aming sasakyan at may hiningi na kung ano kay manong driver. Nang tumango ang guard ay dumiretso ang andar namin papasok sa marangyang subdivision na iyon.
Yes marangya. Dahil malapalasyo ang mga bahay na nadadaanan namin. Malalayo ang distansiya ng bawat mansyon.
The name of the subdivision speaks for itself.
Huminto kami sa kulay itim na bakal na gate. Utomatikong bumukas iyon at umarangkada kami papasok.
Pagkahinto ng kotse sa entrance ng mansyon ay bumaba ako ng kusa. Hindi ako amo para ipagbukas pa ng pinto ni manong driver.
Inikot ko ang aking paningin sa labas ng kabahayan. The facade of looks like from European renaissance era. But there are modern parts of the mansion. From classic to modern. How impeccable!
Isang may edad na babae ang lumapit sa amin. “Julianne? Ikaw ba si Julianne?” She asked politely.
Ngumiti ako bago tumango. “Ako nga po Señora.” She's pretty even if she's past her youth.
“Nako, don't call me Señora. Tiya na lang. Tiya Leonora. Malayong kamag-anak ako ng ama nila Jack. Pumasok tayo, hija. By the way, you're very pretty.”Puri nito sa akin.
Agad na nag-init ang aking pisngi. “Salamat po sa papuri, Ti—Tiya.” I bit my lip. Nakakahiyang tawagin siya ng ganun agad-agad.
“Ang ganda po ng mansyon nyo.” Tumitingin ako sa mga gamit nila. Napakaganda! Para akong nasa Roma!
Napanganga ako nang tumingala at makita ang nakapalaking crystal chandelier. Wow!
Tumawa ang matanda sa akin. Bigla tuloy akong nahiya sa aking kilos.
“Dahil maaga pa naman para sa hapunan, dadalhin muna kita sa iyong silid tulugan.”
“Silid tulugan po?”
“Pwde kang magpahinga muna doon hija, at ipapatawag na lamang kita kapag oras na ng hapunan. Halika ka.” Hinawakan ako nito sa siko at umakyat kami sa grand staircase ng mansyon.
Panay ang tingin ko sa bawat kasangkapan at sulok ng mansyon. Even the paintings that are hanging on the walls are legit. Those paintings cost a fortune! Nakakamangha talaga ang karangyaang dito. I'm in awe. At tinalikuran ito lahat ni Gabriel!
Naka-carpet din ang pasilyo. Huminto kami sa isang pinto. Binuksan ito ni Tiya Leonora at nalaglag ulit ang panga ko.
“Ang gara po!” Sabi ko at tumawa lamang ito.
“Ang kasunod na pinto nito ay kwarto ni Jack. Kung gusto mo siyang kausapin ay kumatok ka lang sa kwarto niya. Nagpapahinga lang ata ang batang iyon.”
Tinignan ko ang kabilang pinto. “Pwede ko po ba siyang kumustahin?” Wala na man sigurong masama? Tatanungin ko na rin ito tungkol sa kalagayan ni Gabriel.
“Of course, hija. Anyway, bababa na ako at titignan ko kung nakahanda na ba ang lahat sa kusina. Maiwan na kita.”
Tumango ako at pinagmasdan ang kanyang likod palayo sa akin. Ibinalik ko ang aking tingin sa kabilang pinto at humakbang papunta doon.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago kumatok.
Nakarinig ako ng yabag at bigla na namang tinatambol ang puso ko sa kaba at excitement.
Pagpihit ng pinto ay sumilay na agad ang nahihiya kong ngiti.
“Hi Ja—ck.” I stopped, stunned by the person who opened the door. I was appalled. Startled. Bewildered.
“Julianne! Hi! Nandito ka na pala!” Bungad sa akin ni Wendy.
Magulo ang buhok nito na hanggang balikat. Her lipstick was smeared. Hawak-hawak nito sa dibdib ang puting kumot na nakatapis sa kanyang katawan.
“Wendy. I—I'm sorry I didn't know you're here.”
She giggled. “Surprise! Nasa shower pa si Jack—”
“Who are you talking at, sweetie?”
Napalunok ako pagkarinig ko sa boses ni Jack. Wendy opened the door wider at tumambad si Jack na nakatapis lng ng tuwalya. Water droplets were dripping from his hair down to his torso.
My heart sank again, and I wish for the floor to be opened apart at lamunin ako ng lupa.
Wendy went to Jack and started licking his neck.
Jack was just there, standing and looking at me with stoic eyes.
I swallowed hard.
“I'm sorry for disturbing you.” Hindi ko naitago ang pag piyok ng boses ko.
Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko inakala na sa ganitong eksena ko madadatnan si Jack.
“No, not at all, Julianne.” Wendy chuckled again as she kissed Jack's lips, grinding her hips against Jack's body.
I looked away.
Pakiramdam ko'y tumigil sa pagtibok ang puso ko. At kahit ang paghinga ay hindi ko magawa.
This pain. This pain is so strange to me. I never knew such pain exists in me.
“I'll talk to you after dinner, Julianne.” Jack spoke plainly.
“Of course. See you later.” Pinakita ko sa kanilang dalawa ang pinakamatamis kong ngiti and prayed na sana pati mata ko ay nakangiti rin dahil ang totoo, konting kalabit na lang at tutulo na ang mga luha ko.
Tumalikod ako sa kanilang dalawa at pumasok sa kwartong inalaan sa akin. I locked the door at tinakbo ang kama.
I cried hysterically.
Why am I hurting?