TEN: GONE

2140 Words
Naalimpungatan ako sa kaluskos na nagmumula sa labas. Wari ko pa nga ay may nabasag na kung ano. Ano na naman kaya iyon? Tinignan ko ang aking radio clock at napagbatid kong mag-aalas kwatro na ng madaling araw. Gising pa ba si Jack sa mga oras na ito? Bumangon ako at kumuha ng cardigan. Kahit nakaroba kasi ako ay nilalamig pa rin ako. Pagkatapos kong isuot iyon ay tuluyan na akong lumabas sa aking silid. Madilim pa rin ang living room at tanging post lamp lamang ang nagsisilbing tanglaw. Mula dito sa living room ay pansin kong may aninong kumikilos sa balcony ng condo. Bukas kasi ang sliding door niyon. Hindi ako nagdalawang isip na tumungo doon dahil anino pa lang nito ay kilala ko na. Bakit gising pa ang lalakeng ito? Sumilip ako at nagisnan ko si Jack na nakaupo sa settee. Ang isang kamay nito ay hawak ang isang shot glass at ang isa naman ay iniipit ang nakasinding sigarilyo. He seems restless and tense. Tumikhim ako. Nilingon niya ako na may gulat sa kanyang mga mata. Agad niyang nginudngod ang sindi ng sigarilyo sa ashtray na nasa mesa sa harap niya. “Bakit gising ka na?” He asked. “May narinig lang akong ingay. Parang may nabasag.” “Oh. Hinagis ko lang ang basyo ng alak sa basurahan. Hindi naman siguro nabasag yun.” He chuckled without humour. Humalukipkip ako at tinitigan siyang mabuti. Nilipat ko ang tingin sa mesa. May isang bote na Red Label ang mukhang kakabukas pa lang. Kung ganun ay nakaisang bote na ito? “Don't look at me like that, Julianne. Nagpapaantok lang ako.” napapalatak ito. “You smoke.” It's a statement from me. “Occasionally. Pag ganitong may gumugulo lang sa isipan ko. The last time I smoke was ages ago.” “Grabe pala yang gumugulo sa isipan mo noh? Nakakasampung stick ka ng sigarilyo eh.” Sarkastiko kong sagot. Kung tama ang bilang ko ay sampung upos ng sigarilyo ang nasa ashtray. He shrugged his shoulders. I sighed. “I know I should mind my own business. And meddling with other's affairs isn't my cup of tea, but I'm sorry for asking you, Jack. What's bothering you? May problema ba?” “Wala Julianne. Everything is under my control." “Then why are you acting like that? You smoke. You're drinking alcohol. At hindi ka pa natutulog. Kung ang problema mo ay tungkol sa pag-ibig, I mean with Wendy, malalagpasan n’yo rin yan.” Umiiling-iling ito na natatawa. “Wendy and I are fine, Julianne.” Tinapik nito ang gilid ng upuan. “Come, join me.” Naglahad ito ng palad at inabot ko iyon. He chuckled once more. “And my problem is a far cry from love issues, my love.” Tumango ako. “So may problema ka nga?” “It's not a problem, I'm more of worried.” Sumandal ito sa pader na naghihiwalay sa living room at balcony. “Worried saan? Kanino? Definitely not with Wendy dahil kakakita nyo pa lang kagabi.” “Wendy is a just a friend, Julianne, kung nais mong malaman. At katulad nga ng sinabi ko, we're okay.” “I didn't ask what kind of relationship you have with her, Jack. It's purely none of my business.” “Alam ko. I'm just informing you.” “So you're friends. Friends with benefits, I presume.” Binaling ko ang aking atensyon sa ibang direksyon. Alam ko ang sagot but then, I dread of what he's going to say. “You can say that again.” Napapikit ako. I know right. “Julianne.” Kinuha nito ang aking palad at nilapit sa kanyang labi. “I don't beat around the bush. Wendy and I have been good friends for a long time now. And we are both matured. We definitely enjoy each other's company.” I nodded again. “I can see that Jack. I don't get why you're explaining this to me.” “Dahil gusto kong kahit paano ay may idea ka sa pagkatao ko. You hardly know me.” “Gab told me some things about you. So technically, I know you.” Pasimple kong inagaw ang aking palad at pinagsalikop ang mga ito sa aking kandungan. “Really? I hope it's all good.” “Walang tinatagong sikreto sa akin si Gab. Though when it comes to family matters, he seldom talks about it and I respect it. Ang alam ko lang base sa mga kwento niya ay isa kang responsableng kuya. You looked after him after your parents died. Kahit ba half-brother mo lang siya ay alam kong mabuti kang kapatid sa kanya.” He smirked. “Mabuti nga ba, Julianne? I don't think so. Inaamin kong nasakal ko siya. I wanted to protect him all the time. I'm willing to kill and die for him. He's the only one left for me. At hindi ko kayang isipin na mawawala siya sa akin. But I let him go and gave himself the freedom he wanted. Hinayaan ko siyang mag grow sa sarili niyang sikap. And so far, he's doing a good job when it comes to business.” “Masikap siyang tao, Jack. I can absolutely attest to that. Simpleng tao lang siya na may simpleng pangarap.” Tumingala ako at tinignan ang kalangitan. Ilang oras na lang at sisikat na ang haring araw. “He's far different from me.” He commented at nagsalin ulit sa kanyang shot glass. “It doesn't matter Jack. Ang mahalaga ay pinapahalagahan n’yo ang isa't isa. That's what brothers do.” Tinungga nito ang laman ng alak at inisang tungga. “Sigurado ka bang wala siyang nililihim sa'yo?” I frowned. “I'm sure about it Jack. Bakit, meron bang dapat ilihim?” He peeked at me at umiling. “Wala Julianne. Wala.” Mabuway na tumayo ito at tinukod ang mga siko sa barindilya ng balcony. May tinitignan itong kung ano sa ibaba. “Jack huwag kang masyadong yumuko. Baka mahulog ka.” Takot ako sa heights. Kaya pag nasa balcony ako ay hindi ako lumalapit sa barindilya at hindi tumitingin sa ibaba. Nakakangilo siyang pagmasdan. He laughed his heart out. “Ginagawa mo akong bata, Julianne. Paano naman kaya ako mahuhulog eh may harang?” “Lasing ka Jack. Nakakatakot. Umupo ka nga ulit dito.” Tnapik ko ang pwesto niya kanina. Panay pa rin ang kanyang halakhak at talagang tumingkayad pa ito at yumuyuko! Pinanindigan ako ng balahibo! “Stop it, Jack!” “Mahuhulog ako, Julianne! Mahuhulog ako!” Pang-iinis pa nito na mas lalo kong ikinairita. Ang takot ko ay mas lalong lumakas at ang sikmura ko'y humapdi na para bang masusuka na ako. Alam ba niya kung gaano ako natatakot ngayon? Akala ba niya ay nagbibiro lang ako? Tumayo ako at hinila siya sa T-shirt niyang suot. “Gago ka talaga! Umalis ka dyan!” Ginamit ko ang buong lakas para mahila ko siya. Nagpatangay ito kaya halos mawalan kaming dalawa ng panimbang. Maagap na sinalo nito ang aking likod na muntik nang bumangga sa pader. Humikbi ako. Sobra akong natakot. Nakainom siya! Paano kung wala ako dito! Paano kung nagpatuloy ito sa pagyuko! Sigurado akong mahuhulog siya! Sa tangkad niya ay hindi sapat ang taas ng harang. Nanginginig ako sa kaba. Hindi ko na napigilan ang pag-daloy ng mga luha ko. “Hush love. I'm sorry. Nagbibiro lang ako. Hindi pa naman ako lasing, Julianne. I know what I am doing. Niloloko lang naman kita.” Bulong niya sa ibabaw ng ulo ko. My face was buried against his chest. He held me so tight that I couldn’t breathe. “Damn you, Jack! You scared me! It's not a good joke!” Hinampas ko siya sa dibdib. Humigpit pa lalo ang kanyang yakap sa akin hanggang sa kumalma ako. Mayamaya lamang ay lumuwag ang kanyang pagkakayapos sa akin. He glanced down at me at hinaplos ang aking pisngi. “Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang nakita ni Gabriel sa'yo. You are spontaneously honest. Very caring and loving. You are naturally beautiful inside out. Ang swerte ng kapatid ko sa'yo. I'm sorry for judging you, Julianne. Malinaw na sa akin ngayon na mas bagay kayong dalawa. I am no good for you. You’re out of my league, Julianne. Mas deserve n’yo ni Gabriel ang isa’t isa.” Malamlam ang kanyang mata at nabasag ang kanyang boses. Sumasakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na mapahikbi ulit. Bakit pakiwari ko ay nagpapaalam siya? Ano bang dapat kong sabihin? Ano ba ang tamang salita ang gagamitin kong sagot sa kanya? “Jack, believe me when I say that I care for you. Kahit sandaling panahon lang kita nakilala, I truly care for you.” Mahinang sagot ko dito. Pumungay ang kanyang mata sa pagngiti. “I know you do. Thank you. Pwde ko bang tanungin kong ilang taon na ang relasyon n’yo ni Gabriel?” “Two years.” He nodded and sighed afterwards. “You should have met me three years ago, love. Maybe you will like me then.” Mapait itong ngumiti. Nanubig ang mata ko. I bit my lower lip to stop it from trembling. Why is it so painful? “I like you, Jack. I have learned to like you now.” He leaned his forehead against mine. “But I can never have you for myself. I can't be selfish with you. Mahirap tibagin ang dalawang taong pinagsamahan n’yo. At mas lalong mahirap kalabanin ang sariling kadugo. Naging padalusdalos ako, Julianne. I literally harassed you, I'm guilty of that. Masyado akong naging mapusok sa mga kilos ko. But I can't blame myself because you are a force to be reckoned with. Nadistorbo mo ang payapa kong mundo. You literally swept me off my feet, love. You affect me so easily with just a drop of a hat.” He smiled bitterly. “Thank you for painting wonderful colours into my dull life even if those colours are just temporary.” He added. “Hindi ko maintindihan. Are you saying goodbye Jack?” Hinawakan ko ang kanyang braso. “I'm afraid yes. I'll be leaving for US tomorrow and I'll be gone for days. I don't know when I'll be back. I need to see Gabriel too and talk to him about some things. And maybe I'll do some soul searching as well.” He chuckled. “Baka sa pagbalik ko, mag-iba na ang ihip ng hangin. Baka sa pagbalik ko, pwede na kitang ituring na sister-in-law. Baka sa pagbalik ko, wala na itong nararamdaman ko sa'yo.” Malungkot niyang pahayag. I hiccupped. My heart is breaking. I know it’s not right to feel this way, but this is exactly what I feel right now. “Jack, I—I don't know what to say. All I know is I'm sad hearing these words from you.” “You shouldn't be, love. I'm doing this not just for myself but for you as well. I don't want us to be trap in a triangle. Dahil alam kong sa ating tatlo, ako ang magpapagulo. And I don't want it to happen. I don't want to hurt you and most definitely don't want to hurt my brother.” I nodded. I understand. “Naiintindihan kita, Jack. Kung ganun ay nagpapasalamat ako sa'yo. Thank you for thinking that way.” “It's for the best.” “It's for the best.” Sang-ayon ko pero ang puso ko ay tila pinipiga. He kissed my forehead once more. “Aubrey Julianne, I want you to know that the past few days were the best days of my life. Thank you for coming into my life even if I have to let you go so soon.” He smiled bitterly. Humikbi ulit ako. Ang mga salita niya ay literal na humihiwa sa puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. “Magkikita pa naman tayo di ba? I mean, you live here.” Umiling ito. “This isn't my home. I have a mansion na malayo sa siyudad. Ginagamit ko lang ang condo na ito pag wala na akong oras para umuwi. But of course, we'll still see each other soon.” I nodded. “Mag-iingat ka sa biyahe Jack.” He wiped my tears away. He gave me a smack kiss on the lips na ikinagulat ko. “You take care my love.” Tumingala ito sa langit. “May ilang oras pa bago mag-umaga ng tuluyan. Go back to sleep.” Hinila niya ako papasok sa living room. “Hindi na ako makakatulog pa ulit Jack.” Ani ko at bumitaw sa kanya. He sat on the sofa at naglahad ng palad. “Come here.” “Huh?” “Just take my hand, love. Trust me.” Lumunok muna ako bago ko iyon inabot. Puno ng pag-iingat na hinila niya ako at tinangay niya sa kanyang paghiga sa sofa. Pinaloob niya ako sa kanyang mga bisig. Nakaunan ang ulo ko sa kanyang balikat. “Close your eyes, love.” He whispered above my head. And I did. I heard him humming. Napangiti ako. I know that tune. It's Aubrey song which reminds me of Midnight Blue. At sa hindi malamang kadahilan ay bumigat ang talukap ko at pumikit. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa aking noo bago ako hatakin sa kadiliman. Sa paggising ko ay mag-isa na lamang ako sa sofa. Ang alaala kaninang madaling araw ay nagpaiyak na naman sa akin. Ngunit nang makita ko ang mesa at makitang may nakahanda ng almusal sa akin ay tuluyan akong nanghina at humagulhol. Jack is gone.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD