ELISHA'S POV Hindi ko na mabilang kung nakailang bali-baligtad na ako sa higaan. Alas dose na ng hatinggabi pero gising pa rin ako. Kung sabagay, bilang anghel, hindi ko naman sana kelangang matulog. Pero dahil tao na ako, kaya kelangan kong sundin ang nightly routine nila. Kung hindi kasi, siguradong manghihina at magkakasakit ang katawang lupa ko. Base na rin sa napanood ko noon sa TV. Medyo nasanay na rin naman ako. Nitong mga nakaraang araw lang ako medyo nahihirapang matulog. Sa tuwing pumipikit kasi ako, nakikita ko ang Numina. Na para bang pinapauwi na ako. Dapat nga matuwa ako. Kasi, pahiwatig lang 'yon na malapit ko ng mapagtagumpayan ang secularibus curis ko. Mukhang maayos na rin naman na kasi ang buhay ni Flynn, eh. Nagdesisyon kasi ang