FLYNN'S POV "Mom... please, sabihin niyo naman sa'kin, o. N-na hindi totoo ang lahat ng nalaman ko." Tiningnan ko rin si Daddy na noo'y nakatayo sa harapan ko. "D-dad, please... I'm begging you." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagwala at kung gaano na rin kadami ang sedatives ang itinurok sa'kin ng mga nurse para kumalma ako, sa tuwing sinasabi nila sa'kin ang katotohanan daw. Hindi ko na alam kung ilang beses na rin akong nagmakaawa sa kanilang lahat na sabihin sa'kin na ngayon ako nananaginip at hindi noong mga oras na kasama ko pa si Elisha. Ang sabi sa'kin ni Mommy, last year daw, naaksidente ako nang minsang pauwi ako at nagmamanehong lasing. Pero ang sabi ng mga nakakita, sinadya ko raw na ibangga ang kotse ko sa isang malaking truck. Halo