Chapter 40 Eunice Mahiga na sana ako ng tumawag si Adely sa sim card na binili niya kaninang umaga sa tindahan bago ito umalis kaninang umaga. "Kumusta na ang pagpapaturok mo ng sperm. Naturukan ka na ba?" agad kong tanong ng sagutin ko ang tawag niya. "Eunice, iba yata ang ituturok sa akin," wika niya sa kabilang linya na parang aligaga. "Ano naman ang ituturok sa'yo?" tanong ko sa kaniya. "Malaki, eh. Saka sa kuweba ko pala ituturok," sabi ng sira ulo kong kaibigan. "Alangan naman sa bunganga mo, tanga! Diyan ba sa bunganga mo ang daluyan ng sperm cells papunta sa matres mo? Malamang i-inject 'yan sa kuweba mo." Napairap na lang ako sa kabaliwan ni Adely. "Ibang hiringgilya nga ang ituturok sa akin. Yong ano niya, tas ang laki pa. Mawawarak yata ang kuweba ko." Nahimigan ko na an