Chapter 31 Eunice Kinabukasan maagang nagising si Alexander. Papasok na siya sa opisina dahil ilang araw na siyang hindi nakakapasok. Maaga rin ako nagising upang ako naman ang magsisilbi sa kaniya. Pinaghandaan ko siya ng babaunin niya at pati na rin ng damit na maisusuot niya. Gusto ko siyang pagsilbihan upang tuluyan mahulog ang loob niya sa akin at mawala ang pagmamahal niya para kay Bianca. Hindi naman ako tanga na isang iglap lang mawawala kaagad ang pagmamahal niya kay Bianca. At alam ko rin na hindi siya naniniwala sa kabila ng mga sinabi ko tungkol kay Bianca. Pati kay Nathan hindi ko pa nasabi ang narinig at nakita ko tungkol kay Bianca. “Hon, aalis na ako,’’ paalam ni Alexander sa akin pagkatapos niya manggaling sa silid namin. “Mag-almusal ka muna. Baka mamaya magutom ka.