Chapter 30 Eunice Nagluto nga si Alexander para sa hapunan namin. Natutuwa ako dahil kahit ganito ang sitwasyon namin ay nagawa niya akong paglutuan. Kapag ganito ba naman siya palagi tiyak na magkakasundo kami. Palagi pa siyang makakain ng tahong. Huwag ko lang talaga malaman na nakikipagkita pa siya roon sa Bianca na iyon dahil hindi ako magdadalawang isip na iwanan siya at tuluyan nang hayaan kay Bianca. Habang nanunuod ako ng telebisyon dumating naman ang kasamabahay nila na nagbili noon ng mga grocery na si Manang Yolanda. Ngumiti lang ako sa kaniya. May dala-dala siyang supot. Dumiretso na siya sa kusina. Ilang sandali pa tinawag na ako ni Alexander upang kumain. “Hon, nakahanda na ang lamesa. Hali ka na luto na ang mga pagkain na request mo!” tawag ni Alexander sa akin mula sa ku