Episode 18

2028 Words

Chapter 18 3rd Pov “Sana hindi na lang natin binalot ang lumpia kung laman lang din naman ang kakainin mo,’’ mahinahon na sabi ni Alexander kay Eunice. Halata sa boses niya ang pagkadismayado. Binalatan lang kasi ni Eunice ang lumpia at ang laman lang nito ang kinain niya. Katulad noong nakaraang araw na ang laman lang din ang pinapak nito “Sana ginisa ko na lang para hindi na tayo naghirap pang magbalot,’’ patuloy na reklamo ni Alexander, habang nililigpit na nito ang pinagkainan niya. “Ilagay mo na lang sa lababo ang pinagkainan mo. Ako na ang maghuhugas niyan," wika ni Eunice kay Alexander. Hindi niya pinapansin ang reklamo ni Alexander. Tapos na rin siya kumain at tumayo na siya sa upuan niya at lumapit sa lababo. "Sige at magbihis lang muna ako," paalam ni Alexander at tumaliko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD