Chapter 19 Eunice “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Alexander kay Nathan na may halong inis sa kaniyang boses. “Tsss… Parang hindi ka naman sanay na palagi akong pumupunta rito. Dinalhan ko lang ng candy ang asawa mo. Wala ka bang pasok kanina? Tumawag ako sa secretary mo hindi ka raw pumasok.” Makikita sa mukha ni Alexander ang pagkayamot sa mga tanong na iyon ni Nathan. Siningkitan niya ng mata si Nathan, habang salubong ang dalawa niyang kilay. “May gusto ka ba sa asawa ko, Nathan? May oras ka pa talaga na bilhan siya ng candy at dalhin rito, ha?’’ hindi makapaniwalang tanong ni Alexander sa kaibigan niya. Pareho napaawang ang labi namin ni Nathan sa klase ng tanong na iyon ni Alexander. Ilang sandali pa tumawa ng pagak si Nathan at napapailing. “Noong naging malapit ako kay